LeahMahimbing ang tulog ko, yung tipong parang nilunod ako ng kumot ng kapayapaan. Walang iniisip, walang sakit ng ulo, walang bigat sa dibdib. For the first time that night, tahimik ang utak ko.Kaya hindi ko alam kung anong oras na nang maramdaman ko ang isang presensya na dahan-dahang humiga sa tabi ko. Normally, dapat nagulat ako… pero hindi. Hindi ako nabahala. In fact, may kung anong init at comfort ang bumalot sa akin, parang yakap na matagal ko nang hinahanap.Napahagikgik pa ako nang may dumampi sa balikat ko. Banayad, parang feather, na nagdulot ng kiliting dumaloy mula balikat ko pababa sa spine ko.“Leah…” bulong ng isang boses—lalaki, malalim, pamilyar.“Hmm?” tugon ko, halos tulog pa rin ang boses ko. Part of me thought this was a dream. A really good one.Pero… parang kilala ko ang boses na ‘yon.“I’m sorry…” dagdag niya, kasabay ng serye ng maliliit na halik sa balikat ko. Hindi halik na mapusok, kundi ‘yung parang pinupunan ng labi ang bawat pulgada ng balat ko, dahan
Last Updated : 2025-12-10 Read more