LOGINPag-akyat ko sa ikalawang palapag ng aming bahay ay nakarinig ako ng tila may nalaglag sa loob ng silid ng aking ina. Sa pagkakaalam ko ay walang tao doon dahil nagbabantay ng hardware namin si Mommy kaya naman nagpunta ako don para i-check. Ngunit nanlaki ang aking mga mata ng makita ang aking ina na nasa hindi kaaya-ayang posisyon kasama ang aking nobyo at parehong walang damit!
View MoreLeah
Pag-akyat ko sa ikalawang palapag ng aming bahay ay nakarinig ako ng tila may nalaglag sa loob ng silid ng aking ina. Sa pagkakaalam ko ay walang tao doon dahil nagbabantay ng hardware namin si Mommy kaya naman nagpunta ako don para i-check.
Ngunit nanlaki ang aking mga mata ng makita ang aking ina na nasa hindi kaaya-ayang posisyon kasama ang aking nobyo at parehong walang damit!
*********
“Hi, Hon! Nasaan ka?” tanong ko ng sagutin ni James ang aking tawag.
“Mmm… dito lang sa condo, why?” Medyo nagtaka ako dahil parang ang tahimik ng background niya. Normally ay rinig lagi ang tunog ng mga sasakyan sa labas dahil nasa ika-limang palapag lang ng building ang unit niya at nakatapat sa kalsada ang balcony nito.
“May kasama ka ba?” tanong ko pa. “Parang ang tahimik naman sa condo mo. Baka naman may sakit ka at saradong-sarado ang mga bintana mo.”
“Ha? Wala, mag-isa lang ako. Nagbukas kasi ako ng aircon dahil medyo maalinsangan.”
“Kaya pala,” tugon ko. Bihira kasi siyang gumamit ng AC at mas gusto niya na nakabukas ang pintuan ng balcony. Pero naiintindihan ko naman siya dahil talagang sobrang init ng panahon ngayon. “Anyway, napatawag ako dahil–”
“I know, it’s our anniversary,” putol niya sa sasabihin ko. Napangiti ako dahil naalala niya. Sabagay, lagi naman talaga niyang naalala ang aming anniversary. I mean, monthsary dahil ngayon pa lang ang unang taon ng pagiging magkasintahan namin.
“Yes. And I have a surprise for you. Kaya lang after na ng OT ko dahil alam mo na, magkakaroon ng transition ang kumpanya namin at may party dito mamaya.”
“No problem, Hon. Kita na lang tayo mamayang gabi or gusto mong sunduin kita?” tanong pa niya.
“Sunduin mo na lang ako,” sagot ko na may halong lambing ang tinig. Hindi talaga ako showy dahil nahihiya ako, pero iba si James. Lagi niyang pinapakita sa akin na mahalaga ako, kaya hindi lang sa salita ko pinapakita ang pagmamahal ko sa kanya kung hindi pati na sa gawa.
At nitong nakalipas na taon, ilang beses din niyang hiniling na mag-step up ang aming relationship sa unang dalawang buwan ng pagiging kami. Ngunit 3 months matapos ko siyang sagutin din ay pinakilala ko siya sa aking ina at sinabihan siya nito na maghinay-hinay muna kami.
At ayun nga, hindi na siya humiling pa sa akin.
Pero ngayon, dahil desidido na ako sa kanya at napatunayan ko na totoo ang pag-ibig niya sa akin dahil sa respetong binibigay niya ay nagdesisyon akong ipagkaloob na ang aking sarili ng buong buo kahit na hindi pa man kami kasal.
Natapos ang aming usapan habang ako naman ay bumalik na sa trabaho. Sumalisi lang ako ng tawag ng magrestroom ako at hindi rin ako pwedeng mawala sa paningin ng mga kasamahan ko dahil nga crucial ang mga oras na ito.
May transition na magaganap sa kumpanya at iyon ang pinaghahandaan namin.
Ang boss namin na si Ms. Sadie ay lalong nagpapaka-istrikta ngayon dahil sa pagdating ng bagong may-ari ng kumpanya na mula sa Solano Group. Dahil dyan ay may party kami. Bilang office assistant, isa akong utusan.
Sa aking table ay nagsimula na akong tignan ang checklist ng mga dapat kong gawin for today. At base na nga sa listahan ko ay maayos na ang lahat.
“Leah, is everything okay? Lahat ng kailangan ay handa na?” tanong ni Ms. Sadie dahilan upang mapalingon ako sa kanya.
“Yes po. Handa naman na ang lahat at mamayang hapon ay aabangan ko na lang ang sound system at catering.”
Ngumiti siya pero kahit na ganon ay mukha pa rin siyang masungit. “Good. Make sure na ready ka mamaya ha. Kung anuman ang gagawin mo personally ay gawin mo basta ang buong atensyon mo ay nasa party na later,” sabi pa niya bago ako tinalikuran. Ni hindi ako binigyan ng pagkakataon para makasagot.
Nakakainis pero dahil maganda ang mood ko at ayaw kong sirain ang magandang araw na ito nginitian ko na lang iyon at nagpatuloy na sa pagtatrabaho.
Bandang ala-una ng malaman kong hindi ko pala dala ang aking ATM. Hindi pwedeng wala yon mamaya kapag sinundo ako ni James. Naisip ko ng sa hotel kami didiretso pagkasundo niya sa akin para sa plano ko.
Dahil okay naman na ang lahat ay nagdesisyon akong balikan iyon sa bahay. Mag-a-Angkas na lang ako para mabilis.
At hindi nga nagtagal, nagpaalam na ako kay Ms. Sadie.
“Siguraduhin mo na babalik ka agad ha. Ayaw ko ng problema,” sabi niya.
“Yes po. May kailangan lang talagang may kunin.”
“O sige na.” Pinagpag pa niya ang kanyang kamay na akala mo ay nambubugaw ng langaw.
Binalewala ko na lang, hindi ko naman ikamamatay.
Agad na akong umalis at mabuti na lang ay mabilis lang na may nag-accept ng booking ko.
Kaya naman paglabas ko ng building ay naroon na rin ang rider.
“Leah San Jose po?”
“Opo,” tugon ko sa rider ng siguruhin nito na ako nga ang iaangkas niya. Binigyan niya na ako ng haircap na sinuot ko agad tapos yung helmet. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi pamatay ang amoy.
Minsan kahit may suot na haircap ay tumatagos pa rin ang mabahong amoy ng helmet ng ibang rider.
May mga pagkakataon na hindi ko talaga natiis kaya sinasabi ko na. May mga rider na nagpapaliwanag at meron din naman nagagalit at naaartehan sa akin.
Pero kibit balikat na lang ako sa mga hindi marunong tumanggap ng maayos na pagpuna. Hindi ko kailangan makipagtalo to prove my point.
Kalahating oras ang lumipas at nasa bahay na ako.
Pagpasok ko ay tahimik ang buong kabahayan. Dati ay may kasambahay kami ngunit ilang buwan pa lang ang nakakalipas ay nagdesisyon si Mommy na alisin ito dahil nga wala naman tao maghapon sa bahay.
Para sa akin ay okay lang. Hindi naman ganon kalaki ang aming bahay at si Mommy pa rin ang nagluluto at naglilinis na syempre tinutulungan ko rin. Ang paglalaba ay dinadala na lang namin sa laundry station na malapit lang din sa bahay.
Nasa second floor na ako ng aming bahay at papunta na sa aking silid ng makarinig ako ng tila may bumagsak sa loob ng silid ng aking ina na katabi lang ng sa aki.
Nagtaka ako dahil wala ang aking ina. Siguro akong nasa hardware store namin siya at nagbabantay.
Dahan-dahan akong lumapit sa may pintuan at tsaka dinikit ang aking tenga doon. Kumunot ang aking noo ng makarinig ako ng tila pag-ungol. Mahina lang iyon pero kahit papaano malinaw kong nauulinigan.
Walang sabi-sabi, marahas kong binuksan ang pintuan para kung sakali ay magulat ko ang sinumang nakapasok sa bahay namin. Hindi na ako nakapag-isip ng matino at nakalimutan na maaari akong mapahamak dahil sa ginawa ko.
Ngunit ganon na lamang ang gulat ko ng sabay na mapatingin sa akin ang dalawang taong nadatnan ko sa hindi kaaya-ayang posisyon na parehong walang kahit na anong damit sa katawan.
Leah“What do I need to do,” tanong ko, pilit pinatatag ang boses ko kahit may kaba sa dibdib ko, “para lang tumaas ang tiwala mo sa sarili mo… when it comes to me?”Tinitigan niya ako. Matagal. Parang sinusukat kung tama ba ang narinig niya, o kung handa ba siyang sagutin ang tanong na iyon nang totoo. Nakita ko kung paano bahagyang nagbago ang ekspresyon niya mula sa pagiging dominant, naging seryoso. Totoo.“I don’t know,” sagot niya sa wakas, mababa ang boses. “Maybe nothing could make me feel secure and confident pagdating sayo.”Natawa ako, hindi dahil nakakatawa, kundi dahil hindi ako makapaniwala. “Hindi ko akalain na may ganitong side ang isang Rafael Solano…” Halata ang disbelief sa boses ko, pero hindi niya iyon minasama. Sa halip, natawa rin siya, iyong tawang may halong pait at self-awareness.“You’re beautiful, you’re young, at nagsisimul
LeahDahil sa issue ni Tate Lim, kinailangan naming mag-meeting sa mismong office ni Rafael. Kasama namin si Sir Joseph na kakarating lang galing sa TV station, halatang pagod pero pilit pa ring composed. Mula afternoon hanggang halos gabi, sunod-sunod ang diskusyon—PR angle, legal risks, public perception. Ni hindi namin namalayan kung paano lumipas ang oras.Hindi ko rin namalayan na matagal na pala akong hindi kumakain. Siguro dahil sobrang focus ko sa usapan. O baka dahil katabi ko lang si Rafael na seryoso, tahimik, pero ramdam ko ang presensya niya sa bawat galaw ko.“I’ll order dinner na lang,” sabi ni Sir Joseph habang sinisilip ang oras sa relo niya. Tumango si Rafael, diretso lang ang tingin sa laptop. Hindi na rin ako umimik pa, kahit gusto kong sabihin na okay lang ako. Ayokong maging abala.Pagkatapos mag-order, sinimulan na ni Sir Joseph ang pagfi-finalize ng lahat ng napag-usapan namin. Isa-isa niyang binalikan ang m
RafaelHindi siya agad umiwas. Hindi rin siya umatras.Sa halip, bahagya niyang ibinaba ang notebook sa mesa at ipinatong ang dalawang palad niya roon, saka ako tiningnan ng diretso, walang bahid ng takot. Kung meron man, parang mas lalo pa siyang naging interesado.“Punishment?” ulit niya, may bahagyang ngiti sa labi. ‘Yong ngiting alam kong delikado. “I was wondering kung kailan mo ‘yon babanggitin.”Napapikit ako sandali. Isang mahinang mura ang muntik nang kumawala sa bibig ko. Hindi siya dapat ganito ka-kalmado. Hindi niya dapat ako tinitingnan na parang ako pa ang nawawalan ng kontrol.“Don’t play innocent,” sabi ko, dahan-dahan akong lumapit. Isang hakbang. Isa pa. “You know exactly what you did.”“Totoo?” sagot niya, bahagyang ikiling ang ulo. “Because last time I checked, I didn’t break any rules. I did my job. I attended the meeting. I spoke professionally.” Huminto siya sandali, saka idinugtong, mas mababa na ang boses, “Or is the
RafaelThis is unacceptable.Paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang eksenang sabay na kumakain sina Leah at Erik. Masyadong komportable. Masyadong… pamilyar. At kahit pilit kong sinasabi sa sarili ko na hindi ako dapat magselos, hindi ko mapigilan ang pag-init ng dugo ko.Sobrang selos ako. Hindi ‘yong tipong tahimik lang—‘yong nakakainis, nakakabaliw na selos na parang may humahawak sa dibdib ko at unti-unting hinihigpitan ang kapit.Pakiramdam ko, may kalamangan siya sa akin. At ang mas nakakainis? Hindi ko alam kung ano o saan.Agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan si Leah. Isang beses. Dalawang beses. Tatlo. Walang sagot. Tumataas ang inis ko kasabay ng kaba. Kung kani-kaninong eksena na ang nabubuo sa utak ko, mga eksenang hindi ko dapat iniisip, pero pilit na sumusulpot.Hanggang sa malaman ko ang totoo.Nakalimutan niya pala ang cellphone niya.Dapat ay gumaan ang pakiramdam ko. Dapat. Pero imbes na relief ang maramdaman ko, mas lalo lang akong nainis—lalo na nang maalala












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews