“Pakasalan na lang ninyo, sir,” sabi ni Thirdy. “Nakita namin `yong babae. Pabalik-balik dito. Mukha naman siyang matino.” “Paano mo naman nasabi? Nakipag-one night stand nga,” pakli niya. “Gano’n ka rin naman, sir. Nakipag-one night stand ka rin pero hindi naman maruming lalaki ang tingin namin sa `yo,” sabi ni Thirdy. “Oo nga. Hindi naman bumaba ang tingin namin sa inyo, sir,” segunda ni Tikboy. “Ikaw, Almanzor, kung may nabuntis ka bang babae pakakasalan mo siya kahit hindi mo mahal?” tanong niya kay Thirdy. Ilang tauhan niya na rin ang nakabuntis ng ibang babae—iyong iba nga ay may asawa pa— at siya palagi ang tinatakbuhan para sa advice. Pero ibang usapan na pala kapag siya na ang nasa sitwasyon. Hindi siya makapag-isip nang maayos. “Eh, hindi mangyayari `yan, sir. May asawa na ako. Asawa ko lang ang bubuntisin ko,” sabi ni Thirdy. “Kunwari nga lang.” Bumungisngis ito. “Kunwari lang pala. Siyempre pananagutan ko ang babae kapag gano’n, sir. Importante sa akin ang
Last Updated : 2025-12-12 Read more