October 12, 201* Patikul Sulu
HINDI ako màmamatay. Not now. Iyon ang paulit-ulit na usal ni 1LT Lark Adriel Calumpang o LA sa kanyang isip.
Napapikit siya nang mariin. Parang dinaganan ng pison ang kanyang balikat—sobrang sakit niyon.
Pabalik na sila sa detachment kasama ang team niya sa mula sa tatlong araw nilang parameter patrol. May isinagawa kasing activity ang Philippine Marine Corps sa Patikul at sila ng team niya ang ipinadala para mag-provide ng security sa area. Binigyan siya ng dalawampung tropa na kasama niya sa mission na iyon.
Mula sa malayo ay may namataan silang mga àrmadong tao. Akala nila noong una ay mga tropa iyon dahil nakasuot ang mga ito ng military uniform. Their uniforms are authentic, the men were not.
Pinapútukan sila ng mga ito kaya gumanti rin sila. Nasa isang daan yata ang mga kalaban. Makalipas ang halos kalahating oras ng sàgupaan ay tinàmaan si LA sa kanyang balikat.
But they managed to pull off an unbelievable feat despite being outnumbered. Iyon nga lang nalagasan sila ng kasama kaya hindi na niya nilagay sa category na ‘success’ ang lakad na iyon.
“Sir!” Narinig niyang tinawag siya ng isa sa mga tropa niya.
LA tried to focus his eyes on one of his men—PFC Napoleon Rivero— and he swam in and out of his vision.
“A-any word from them?” tanong niya rito.
Sa isang section na binuo niya, si Napoleon o Leon lang ang hindi tinamaan ng bala.
“Malayo sila, sir. ETA, fifteen minutes. Mukhang mauuna pang darating ang backup ng kalaban kaysa sa backup natin,” sabi ni Leon. “Ano’ng gagawin natin, sir?”
“Hold the line!” matigas niyang bilin rito kasabay ng pagngiwi dahil sa sakit na nararamdaman. Impit siyang napàungol.
“Sir!” Dinaluhan siya ni Leon. “Ayos ka lang?”
“Nabingi ka na ba sa pútukan at hindi mo narinig ang mga instructions ko?” Pinilit niyang maging ma-otoridad ang boses kahit pakiramdam niya ay nanunuyo na ang kanyang lalamunan.
Sa balikat lang ang kanyang tama pero ramdam niya ang malagkit na likido hanggang sa kanyang tiyan.
Napatingin siya sa kanyang kanan. Nkahandusay sa gilid niya si Corporal Marky Torres.
Habang nilalapatan niya ito ng first aid kanina ay sumúka ito ng dugo. Nagmakaawa ito sa kanya na dalhin niya ito sa ospital. Nagmakaawa ito na gusto pa nitong mabuhay. Nasa bingit ito ng kàmatayan nang banggitin nito asawa at mga anak nito.
Nang ipangako niya rito na hindi niya pababayaan ang pamilya nito, he saw him smile. Hindi siya nakakurap, binawian ito ng buhay.
Siya ang opisyal kaya responsibilidad niya ang mga ito.
Nanikip ang dibdib niya sa mental picture na kanyang nabuo. Ano ang sasabihin niya sa asawa ni Torres? Paano niya sasabihin sa mga anak nito na mabubuhay ang mga ito sa mundo na hindi na makakasama ang ama kahit kailan?
Pumasok bigla sa isip niya na kung makakaligtas siya ngayon, hindi siya mag-aasawa. Hindi rin siya magkakaroon ng anak!
“Sir, may pulso ka pa ba?” tanong sa kanya ni Leon.
LA closed his eyes, struggling to think clearly. “Give me… a minute,” kinakapos ang hininga niyang sabi. Lumunok siya. “B-bumalik ka na do’n sa puwesto mo,” utos niya kay Leon.
Tumalima naman ito kaagad.
Nakaramdam na si LA ng panghihina. Dapat within three minutes nandoon na ang mag-i-evacuate sa kanila. Dahil kapag nagtagal pa ang mga ito, baka mamatay na siya. Hindi pa niya nasi-secure ang mga tropa niya. Hindi niya iyon matatanggap kapag nàmatay siya sa ganoong sitwasyon.
“Kapag marami ang dumating, baka hindi ko kayanin na i-hold itong kagandahan kong posisyon, sir,” sabi ni Leon. Nasa gilid ito ng isang malaking puno.
“K-kinse minutos lang ang igugugol mo,” hirap na hirap niyang sabi. “Just hold it.”
“Paanong pag-hold, sir? Higpitan kagaya sa mga babae?” tanong ni Leon.
Aba ang loko naisipan pang magbiro, nag-aagaw buhay na nga siya! Pero nagpapasalamat din siya rito dahil nakikinig naman pala ito sa discussion ng first aid dati.
Tinalian nito ang paa ni Private Esteban Degara na tinamaan ng bala ng hemorrhage control bandage. Tinapalan nito ng combat gauze ang mga sugat ni Private First Class Danillo Almanzor o Thirdy. Tinapalan din nito ang sugat niya pero hindi dumikit ang gauze dahil basa ng dugo ang balat niya.
Abot-langit na ang pag-aalala ni LA. Kung siya lang, tatanggapin niyang màmamatay na siya. It was his ethos as a soldier. Pero sina Thirdy at Esteban na daig pa ang may scholarship foundation sa dami ng pinapaaral, kailangang mailigtas ang mga tropa niya.
Lagpas alas-kuwatro na ng hapon. Kapag sumapit ang alas singko, wala nang helicopter na mag-i-evacuate sa kanila.
“Sir, kapag nàmatay ako, ikaw na ang bahalang mag-alaga sa mga kalabasa at saluyot kong tanim sa detachment, sir, ha?” sabi ni Thirdy. Pawis na pawis na ito at hinihilamos na nito ang sariling dugo. Dahil ang kamay na nilagay nito sa pressure sa sugat nito kanina ay iyon din ang kamay na pinapahid nito sa mukha nitong pinagpapawisan.
“You’re going to pull through. Put your trust on your gún and búllets,” sabat ni Leon habang sinisipat ang hawak na rifle.
“Hindi nga ako mauubusan ng bàla pero baka maubusan naman ako ng dúgo,” sabi ni Thirdy.
Pumalatak si Leon. “Eh di put your trust on science. On your blóod type.”
“T-tumigil nga kayo. Hindi tayo màmamatay rito,” saway ni LA sa mga ito.
“Oorah!” sabay na sigaw nina Leon at Thirdy.
Gusto niyang sumigaw din ng “Oorah!” pero pakiramdam niya ay sisirit ang dúgo mula sa kanyang balikat kapag ginawa niya iyon. Gayunpaman, kahit na mahina ay sinabi niya pa rin iyon. Baka last ‘Oorah!’ na niya iyon.
Ayaw niyang isipin ang sinasabi ng mga senior niya na kapag màmamatay na ang isa tao, kung ano-ano na ang sinasabi nitong mga habilin. Kahit halos hindi na siya makagalaw, kailangang high morale pa rin. He can’t just deliver his men to an undertaker.
“I-ikaw na ang bahala sa lolo at lola ko kapag nàmatay ako dito, sir. May alkansiya ako sa may haligi namin. Ikaw na ang bahalang magbiyak no’n. Pero `wag masyadong malakas ang pagbiyak baka matumba ang bahay namin. Pakibigay na lang ho kina Lolo ang pera. Baka kasi hindi ako makaakyat sa langit kapag hindi nila nakita ang kayamanan na iiwan ko sa kanila. Magiging pagala-gala akong kaluluwa, sir,” sabi naman ni Esteban o Tikboy.
Hawak-hawak nito ang paang tinamaan ng bala at ang kuwintas nito na may ngipin ng tikbalang. Anting-anting daw iyon.
Parang gusto na lang maiyak ni LA. Isang babaero, isang probinsiyanong lokoloko, isang marino na mahilig sa mga maligno, at isang bàngkay ang nakapalibot sa kanya. Mamamatay na yata talaga siya!
Nawawalan na siya ng pag-asa nang marinig niya ang tunog ng helicopter. Napakurap-kurap si LA. Baka nagdedeliryo na siya at tunog ng bangaw lang ang naririnig niya.
“Nandito na ang sundo natin, sir!” sigaw ni Leon.
Mayamaya pa ay nilapitan siya nito at inalalayan para tumayo.
“U-nahin mo sina Almanzor at Degara na isakay sa helicopter,” nakapikit niyang utos rito.
“Mauna na kayo, sir,” sabi ni Thirdy. “Kami ang bahala sa cover sakaling dumating ang mga kalaban.”
Ayaw pumayag ni LA. Kailangang unahin ang mga tropa niya. Kaya pa niya naman ang kanyang sarili.
“Unahin mo—” Naputol ang pagsasalita niya nang buhatin siya ni Leon na parang isa siyang sako ng palay.
-----
October 15, 2015 V Luna
“SIR, GISING na po ba kayo? May bisita kayo sa labas.”
Dumilat ang mga mata ni LA nang narinig niyang may nagsasalita. Boses iyon ng isang babae. Pero pumikit rin ulit ang mga mata niya nang kusa. Kahit gusto niyang dumilat ay hindi niya magawa.
“Lieutenant Calumpang?”
Pinilit ni LA na idilat ang mga mata kahit kalahati lang niyon. Babae kasi talaga ang nagsasalita. Paano nangyari na may babae sa quarter niya?
Naaninag niya ang isang babae na nakatunghay sa kanya. Nakasuot ito ng puting damit.
“Si-sino ka?” tanong niya rito.
“Ako ang nurse ninyo, sir.”
Nurse? Bakit may nurse sa quarter niya? Pinilit niyang iginala ang paningin sa paligid. Puro puti iyon. Eh, plywood lang naman na walang pintura ang dingding ng quarter niya.
Nasaan ba siya? Gusto niyang magtanong rito pero natuyo na ang lalamunan niya.
“U-uhaw. Tubig.” Hirap na hirap niyang sabi sa babae.
“Anak kooooo!” Isang matinis na boses ang nag-echo sa loob ng silid na iyon nang bumukas ang pintuan. “I’m glad you’re awake.”
Isang babae na parang dadalo sa meeting ang pumasok. Ang mommy Jellaine niya! Nagtaka si LA. Paano napunta sa Patikul ang mommy niya?
Teka nga. May hindi tumutugma.
“Nasaan ba ako?” tanong niya sa ina.
“Nasa ospital ka, anak. Sa V Luna. Plano nga sana namin na ilipat ka sa private hospital at kunan ka ng private doctor pero ngayon ka lang gumising. At ngayong gising ka na, babawiin na kita mula sa Philippine Marine Corps,” tugon ng kanyang ina nang makalapit ito sa kanya.
And then his mother turned into full lawyer mode.
Pero ano daw? Nasa V Luna siya? Paano siya napunta doon? Kanina lang ay nasa Patikul siya.
“Two days ka na rito, anak. Kung hindi nagwala ang daddy mo ay hindi ka pa in-airlift papunta dito para maoperahan sa balikat,” umiiyak na sabi ng kanyang ina.
Tama! Tinamaan nga siya ng bala! Sa balikat niya. At hindi lang siya ang may tama.
“Mi, nasaan po ang mga kasama ko? Sina Almanzor at Degara?” nag-aalala niyang tanong.
“Nasa ward sila.”
“Bakit sa ward lang?” Nadagdagan ng disappointment ang pag-aalala niyang nararamdaman.
“Gusto nila doon, anak. Hindi naman daw malubha ang tinamo nilang sugat. Mas kailangan daw ng ibang sundalo ang silid dito sa ospital.”
“Kung gano’n, magpapalipat na rin ako sa ward. Kailangan magkasama kami.” Nagtangka siyang bumangon.
“Hindi puwede. Mainit doon,” pigil nito sa kanya.
At nangibabaw na naman ang pagiging maarte ng mommy niya. Noong nasa Sulu siya ay nagpapadala ito ng mga pagkain, gamot, hygiene kits at mga skin care products sa detachment nila. Ibinabahagi niya iyon sa mga kasamahan niya at daig pa tuloy nila ang mga babae na ilang layer ang produkto na pampaganda na nilalagay sa mukha. Pati aircon ay ipinadala nito dahil baka naiinitan daw siya.
“Kailangan kong malaman kung ayos lang ba sila, Mi,” pamimilit niya.
“Stay on your bed. Look at your heartrate…” Natatarantang tumingin ang mommy niya sa cardiogram. “It’s going up!”
“It’s because I’m alive,” rason niya rito.
“Stop it!” Pinandilatan siya nito kahit na basa ang mga mata nito.
“Okay, I’ll stay,” pagsuko ni LA. Nanghihina pa rin kasi ang pakiramdam niya. Lalo na nang maalala ang isa niyang tropa. “Si…si Torres, Mi?” tanong niya na lalong nagpalakas sa nguyngoy ng kanyang ina.
Hell! Pumikit nang mariin si LA at pinakalma ang sarili. “`Yong mga gamit ko po. Ang cell phone ko?”
“Wait.” Naghalungkat ang mommy niya sa bag na nasa upuan. “Sino ba kasi ang tatawagan mo? May girlfriend ka na ba?” usisa nito.
“Tatawagan ko ang tropa ko na naiwan sa detachment, Mi.”
Sumimangot ito at tumalim ang tingin sa kanya.
“Can you kick that habit of yours? For once, unahin mo naman ang sarili mo. Kakalabas mo lang sa operating room,” sermon nito sa kanya.
Ramdam niya ang galit sa boses ng kanyang ina pero hindi naman niya puwedeng pabayaan ang kanyang mga tropa kahit na sigurado siyang may kapalit na siya bilang platoon leader.
“Kailangan ko lang silang i-check…” mahina ang boses niyang sabi sa ina.
Bumalik ito sa kama niya at inabot sa kanya ang cell phone. Iyong keypad. Mabuti at hindi na-lowbat.
“Here. `Wag kang masyadong gumalaw baka bumuka ang sugat mo.”
Nanghihina ang kamay niyang tinanggap ang cell phone. Hindi siya puwedeng magpakita na nasasaktan siya sa harap ng mommy niya. Baka bumaha ng luha sa V Luna. Hinanap niya ang numero ni Leon.
“Sir!” bungad kaagad nito sa kanya nang tawagan niya ito. “Kamusta na kayo? Kamusta si Thirdy? Inalagaan ko pala ang mga kalabasa niyang tanim, sir. Hinarvest ko na ang bunga. Kailan kayo babalik dito, sir? Magdala kayo ng litson manok pagbalik ninyo, ha? Boodle fight tayo. Nakapagluto na pala ako ng dinengdeng.”
Kahit papaano ay napangiti si LA sa biro ni Leon. He felt relieved.
“Dapat dito ka na lang sa Maynila magpa-assign para malapit lang sa amin at walang masyadong mga bàrilan,” kausap sa kanya ng ina nang matapos niyang makausap si Leon.
“Hindi puwede ang gano’n, Mi,” maikli at magalang niyang sagot dito. Dahil alam naman niyang kahit ano ang paliwanag niya, hindi nito mauunawaan iyon. Because his mother always refused to understand his chosen profession.
“Dito ka na magpa-assign. Hahanapan kita ng wife para hindi ka na pupunta sa Mindanao —”
“Hindi ako mag-aasawa, Mi!” bulalas niya.
“Mag-aasawa ka! I'll find you a fine and beautiful wife. Para hindi ka na aalis at matamaan na naman ng bàla.”
“Okay lang ako, Mi,” he assured his mother. “Thanks God I survived the many ‘moments of near-death’ experience.”
At kung nasawi man siya, at least wala siyang maiiwang asawa at anak na dadalaw sa kanya sa sementeryo.
He’s in vain? No. He’s happy with his military career and rifle. Too bad the soldier-rifle marriage is not legalized…
“No. Tingnan mo ang itsura mo. Hindi ka na makakilos masydao. You need a romance. And a wife,” pamimilit ng kanyang ina.
Umiling siya. “Ayaw ko, Mi. Romance and wife slows the búllets. So enough with this romance....and marriage. Hindi ako mag-aasawa,” pinal niyang sabi.