“Kamusta ang unang araw sa school?” malambing na tanong ni Serene sa dalawang anak niya na nakaupo sa likod ng sasakyan. Kakapick-up lang niya sa kanila galing sa school.Si Axel, na kanina pa seryoso ang mukha, agad na ngumiti. “Masaya, Ma!” Sumulyap siya sa kapatid niyang si Ava na tahimik at nakayuko, sabay hinawakan ang kamay nito. “Right, Ava?”Ngumiti rin si Ava pero halatang pilit. “Y-Yeah, it was fun. All my classmates are nice,” sagot ng batang babae.Napansin ni Serene na parang hindi totoo ang tono ni Ava. “Oh, ganun ba? So, what did you do in school?” tanong niya, sinusubukang makakuha ng clue.Masiglang nagkuwento si Axel tungkol sa mga lessons nila tungkol sa pera at foreign language na ginagamit sa City Centre. Ikinuwento rin niya kung gaano kabait ang mga bagong kaibigan niya.Ngumiti si Serene habang nakikinig, hinayaan munang matapos si Axel bago tanungin, “Eh ikaw, Ava, anong ginawa mo?”Tahimik lang si Ava sandali bago sumagot ng mahina, “Almost the same as Ax
Magbasa pa