VALERIA FUENTES POV "Sorry po, pero, wala po akong maalala." mahina kong bigkas sa matandang babae na nasa harapan ko. Napansin kong malungkot naman itong ngumiti sa harapan ko "Kahit na wala kang maalala, masaya pa rin ako na makita ka ulit, Senyorita. Huwag kang mag-aalala---- 'Manang...ready na ba ang mga pagkain?" hindi pa man tapos sabihin ni Manang ang kung ano pa ang gusto nitong sabihin, bigla na lang lumitaw si Carlos mula sa likuran nito. Napansin ko na kaagad namutla si Manang sabay abot nito sa akin ng bag na hawak pa rin pala nito. "Si-Sir...opo, ready na po." wika nito at nang tuluyan nang nakalapit sa amin si Carlos, umatras na din si Manang palayo sa akin "Okay...good, sige na po, Manang. Mauna na po kayo. Salamat po sa paghatid niyo sa mga gamit ni Valeria.." sagot ni Carlos. Napansin ko pang sumulyap sa akin si Manang bago ito tuluyang naglakad paalis. Nagtataka ako kay Manang. Para kasing may gusto itong sabihin na hindi maisatinig nito eh. Ah basta, hin
Last Updated : 2026-01-07 Read more