MasukSa edad na labinwalong taong gulang, na-in-love si Senyorita Valeria Fuentes sa isa sa mga tauhan ng kanyang ama na si Carlos Guerrero Hindi niya alintana ang malaking agwat ng kanilang pamumuhay. Langit si Valeria, lupa si Carlos at kahit kailan hindi pwedeng magtagpo ang dalawa lalo na at alam nilang tututol dito ang ama ni Valeria na mata-pobre. Ngunit, walang sekreto na hindi mabubunyag. Pagkatapos kasing malaman ni Don Juanico na nakipagrelasyon ang anak niyang si Valeria sa isang patay gutom na si Carlos, isang pasya ang nabuo sa kanyang isipan Pinapatay niya si Carlos kasama ang mga magulang nito! Paano tatangapin ni Valeria ang lahat kung ang sarili niyan Ama ang naging dahilan ng pagkadurog ng puso niya? Paano siya babangon kung isang araw, bigla na lang magpakita ulit sa kanya si Carlos, buhay at handang maghiganti sa kanyang ama pati na din sa kanya? Mananaig pa ba ang pag-ibig or galit ang mangingibabaw sa mga pusong nasaktan? Hangang saan at kailan kakayanin ni Valeria ang hagupit ng paghihiganti ni Carlos Guerrero?
Lihat lebih banyakPROLOGUE
VALERIA FUENTES “Papa! Mahal ko siya. Mahal na mahal ko si Carlos.” umiiyak kong wika sa aking ama na si Juanico Fuentes. Patuloy ako sa pagmamakaawa dito na sana huwag nitong saktan ang nobyo ko. Nahuli kasi kami nito ni Carlos na nasa mainit na p********k at natatakot akong baka patayin nito ang boyfriend ko Mahal ko si Carlos! Mahal na mahal ko ito at hindi ko kayang makitang mapahamak ito nang dahil sa akin. “Valeria, alam mo naman na mataas ang pangarap ko sa iyo diba? Alam mo naman na mahal na mahal kita pero bakit? Bakit mo nagawang pumatol sa patay-gutom na iyun? Ikakasal ka na kay Wency…ang anak ni Mayor ng Mayor ng bayan na ito at kayo talaga ang bagay.” Galit nitong sigaw sa akin. Nakakuyom ang kamao nito at nagliliyab ang mga mata sa matinding galit “Pa, alam kong nagkamali ako. Patawad po pero mahal ko siya. Mahal na mahal ko si Carlos.” Umiiyak kong sambit pero parang walang narinig ang aking ama. Bagkos, dinampot nito ang cellphone sa center table at may tinawagan “Ituloy mo ang plano. Patayin mo ang walang hiya kasama ang mga magulang niya.” Galit nitong bigkas na labis na ikinasindak ng buo kong pagkatao “No! Nooo! Papa, please! Huwag..huwag! Maawa po kayo kay Carlos.” Umiiyak kong sambit. Napaluhod pa ako sa harapan nito para lang pakingan pero wala eh. Naging bingi si Papa. Ayaw ako nitong pakingan at ngayun pa lang, labis nang nagdurugo ang puso ko sa naging kinahinatnan sa pagmamahalan naming dalawa ni Carlos. Mahal ko ang lalaking iyun? Pero bakit ganoon? Bakit palaging kaakibat sa pagmamahalan ng dalawang puso ang hindi pagkakatugma ng istado ng buhay? Langit ako, lupa si Carlos at hindi pabor ang matapobre kong ama sa pagmamahalan naming dalawa ni Carlos. Wala sa sariling mabilis akong napatayo. Hindi ko alintana ang galit ni Papa at mabilis ang takbo na lumabas ako ng mansion. Hindi pwedeng mapahamak si Carlos. Hindi ako papayag! Sa kabila ng matinding pagluha at malakas na pag-iyak, nagawa kong sumakay ng kabayo. Dumirecho ako sa kamalig kung saan alam kong doon nakakulong si Carlos at ang mga magulang nito pero huli na. Nadatnan kong nagliliyab na sa apoy ang kamalig at tiyak akong nasa loob si Carlos kasama ang mga magulang nito. “Hindi! Hindi! Calos..si Carlos! Tulungan niyo siya!!!” umiiyak kong sambit. Akmang susugod sana ako sa naglalagablab ng apoy para sana iligtas si Carlos pero huli na. May biglang humawak sa akin at pakaladkad akong inilayo “Nahihibang ka na ba? Ha? Valeria? Nasaan ang utak mo?” galit na sigaw ng walang iba kundi ang aking ama. Patulak akong binitiwan nito kaya naman napaupo ako sa halos putikan. Nakakuyom ang aking kamao at puno ang luha sa mga matang tiningala ko si Papa? "Paano mo ito nagawa sa kanila Papa? Paano mo nagawang pumatay ng tao?” umiiyak kong sambit. Napansin kong saglit itong natigilan. Napatitig ito sa natutupok ng kamalig bago nagsalita “Tama lang sa kanila iyan. Tama lang na patayin ang mga kagaya nilang ambisyoso at ambisyosa.” Galit nitong sagot sa akin Hindi ko naman mapigilan ang mapahagulhol ng iyak. Ngayun ko lang din lubos na nakilala ng tunay ang pinakamamahal kong ama. Akala ko talaga noon, masama lang ang ugali nito pero hindi ko akalain na kaya pala nitong pumatay ng tao masunod lang ang gusto! “Papa, paano mo nagawa sa kanila ito? Tao lang din sila kagaya natin. Bakit mo kailangan silang paslangin?” umiiyak kong tanong dito. Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko pagkatapos kong sabihin ang katagang iyun. Wala na akong nagawa pa kundi ang patuloy na napahagulhol ng iyak habang nakatitig sa kamalig na unti-unti nang natutupok ng apoy Wala nang senyales ng buhay. Ang lalaking labis kong minahal ay pinatay ng sarili kong ama!!! ***** **** ** * CHATPER 1 FIVE YEARS LATER “Senyorita Valeria?” nakangising sambit ng isang lalaking nasa harapan ko. Ang lalaking kahit na isang saglit, never na nawala sa puso at isipan ko. “CARLOS?” katagang namutawi sa bibig ko pagkatapos kong buksan ang mabigat ng pintuan ng mansion Fuentes. Hindi ko akalain na sa pagkalipas ng mahigit limang taon, muli kong masisilayan ang isang taong hindi ko inaasan na makitang muli. Ang aking ex-boyfriend na si Carlors Guerrero. Hindi…hindi ko alam kung ex-boyfriend ba dahil wala naman kaming maayos na break-up. Pagkatapos ng isang malagim na trahedya, bigla na lang itong naglaho na parang bula.. “Kumusta ka, Senyorita Valeria?” narinig kong muling bigkas ni Carlos na nasa harapan ko lang. Wala sa sariling pinakatitigan ko ito at hindi ko mapigilan ang mapailing ng makailang ulit. Bakit ganoon, bakit ibang iba na si Carlos ngayun? Hindi ko na nakikita dito ang dating Carlos na minahal ko ng sobra. Ang mga titig nito sa akin ngayun ay nakakakilabot. May halong galit ang mga matatalim nitong mga mata na nakatitig sa akin na labis na nagbigay sa akin ng kakaibang takot at pag-aalala. “A-ano ang ginagawa mo dito, Carlos? Ano ang kailangan mo?” mahina ang boses na tanong ko dito. Ramdam ko din ang panginginig ng boses ko katunayan na hindi ako kumportable na kaharap siya ngayun. “Ano ang ginagawa ko dito? Bakit, wala na ba akong karapatan na umapak sa lugar na pag-aari ko na?” nakangiti nitong wika sa akin. Hindi naman ako nakaimik. Naguguluhan akong nakatitig lang sa kanya “Tingnan mo nga naman ang panahon? Naniniwala na talaga ako na bilog ang mundo dahil sa nakikita ko ngayun, isang lumang manika na gusgusin ka na lang, Senyorita Valeria. Punit-punit at hindi na nakakaakit. Isang basura na dapat nang itapon at hindi dapat panghinayangan.” Muling bigkas ni Carlos na nagbigay sa akin ng kurot sa puso. Sa mga titig pa lang nito sa akin at sa mga katagang binitiwan nito sa akin ngayun, alam kong hindi na ito ang dating Carlos na minahal ko ng sobra. Marami na ang nabago dito sa paglipas ng panahon. “Hindi ko maintidihan! Ang akala—ang akala ko wala ka na pero---“naluluha kong sambit. Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko na kahit ang pagsasalita ay nahihirapan ako.CARLOS GUERRERO POV "PA? PAPA? HUWAG MO PO AKONG IIWAN. PAPAAAA!" mabilis akong napabalikwas ng bangon nang mapansin kong para bang binabangungot si Valeria. Patuloy ito sa pagbanggit ng katagang "Papa' kaya kaagad ko itong ginising. Alam ko kasing nananaginip na naman ito. Isang panaginip na alam kong may kaugnayan sa mga nangyari sa nakaraan. "Valeria? Honey, Honey!" bigkas ko dito. Tagaktak ang pawis nito sa noo at napansin ko ang luha mula sa mga mata nito Lalo akong nakaramdam ng matinding kaba. Mukhang napapanaginipan naman ni Valeria ang nakaraan. Mukhang napapanaginipan nito ang ama nito base na din sa paulit-ulit na pagbangit nito ng katagang 'Papa'. "Valeria, gising ka. Gumising ka!" malakas kong wika. Sa pagkakataon na ito, mas nilakasan ko pa ang pagyugyog dito. Nagtagumpay naman ako dahil kaagad itong nagmulat ng mga mata at direktang tumitig sa akin "Ayos ka lang ba? Nananaginip ka yata at---- '"Carlos? Carlos? huuhuu!~" hindi ko na natuloy pa ang sasabi
LEONARDO POV "Ano ba ang nangyayari sa iyo? Ano ang ginagawa mo?" seryosong tanong ng pinsan kong si Vida. Nadatnan ako nitong mag-isang umiinom ng alak dito sa paborito kong bar. "Leonardo, balita ko, hindi ka na daw nagpapakita sa hospital ah? Ano ba ang nangyayari sa iyo ha? Ganiyan ka na lang ba palagi? Hindi mo na inaasikaso ang sarili mo ah? Wala ka nang ibang ginawa kundi ang uminom nang uminom ng alak!" seryosong muling tanong ni Vida sa akin. Malungkot naman akong napatitig sa malayo. "LImang taon, limang taon ko siyang inagaan tapos sa isang iglap lang, bigla na lang siyang nakuha ni Carlos sa akin? Vida, sabihin mo sa akin, ano ba ang mali? Bakit hindi niya ako nagawang mahalin sa kabila ng lahat-lahat?" seryosong tanong ko dito. Muli akong nagsalin ng alak sa baso at walang pagdadalawang isip na tinungga iyun. Ilang linggo na akong walang ibang ginawa kundi ang uminom nang uminom ng alak para lang maibsan ang sama ng loob na nararamdaman ko pero ganoon pa rin. P
VALERIA FUENTES POV MABILIS na lumipas ang mga araw. Naging mas masaya pa ang naging buhay ko sa piling ni Carlos. Kung pag-aalaga ang pag-uusapan, wala akong masabi lalo na at sobrang maalaga ni Carlos sa akin Ang kambal naman na sila Vianna Claire at Carlito Vance ay mas naging malapit sa akin. Inangkin ko na ngang mga anak ko nga sila eh. Habang nandito kami sa Manila, napapansin ko ang araw-araw na pag-alis ni Carlos ng bahay. Sa tuwing umaalis ito, palagi nitong sinasabi sa akin na sa opisina daw ang punta nito. Hindi ko alam kung saang opisina dahil nahihiya na din naman akong magtanong. Baka kasi kung ano ang isipin nito sa akin eh. Oo, mabait si Carlos sa akin pero iniiwasan ko din magtanong nang magtanong ng mga bagay na alam kong mahihirapan din akong maintindihan lalo na at may amnesia nga ako. Siguro hihintayin ko na lang ang time na muli akong makaalala. Alam kong mangyayari iyun lalo na at kasama ko na ito na walang ibang ginawa kundi ang iparamdam sa akin kung ga
VALERIA FUENTES POV "H-hindi ko maintindihan kung ano ang sinasabi ng Zara na iyun, Calos. Pero sana sa susunod, huwag mo siyang saktan." mahina pero puno ng pakiusap ang boses na sagot ko dito. "I am sorry, Valeria..masyado lang kasi akong nadala sa matindi kong emosyon kanina eh. Sa lahat ng ayaw ko ay may ibang tao na hahamak sa iyo at magsalita sa harapan mo ng hindi maganda." seryoso naman nitong sagot sa akin. "Alam ko naman iyun pero pinsan mo pa rin naman si Vida diba? Tsaka, kung sakaling wala namang katotohanan ang mga sinasabi niya, hindi ka naman dapat magalit ng ganoon eh." sagot ko din dito Pilit naman itong ngumiti sa harapan ko sabay hawak sa kamay ko at pinisil iyun 'I know and I am sorry, Valeria. Promise, last na iyun at sa susunod hindi na ako magagalit sa harapan mo. Promise. " nakangiti nitong wika sabay halik nito sa noo ko kaya naman hindi ko na mapigilan ang mapangiti. "Okay...at pasensya ka na din sa akin. Hindi ko din kasi naintindihan ang sarili













![ACADEMIC AFFAIRS [SPG]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasan