Islaine's Point of ViewIt's been two hours since I ran away. May isang oras pa na biyahe bago ako makarating sa port kung saan naghihintay ang private yacht ng kakilala ni Auntie Nympha. Sa palagay ko, alas tres na rin ng hapon. Bukod kasi sa ala una dapat ang kasal namin, pansin ko ring tilang hindi na ganoon kaliwanag ang araw.Napaisip akong tawagan ngayon si Auntie Nympha. Pero kung bubuksan ko ang aking cellphone, baka maunahan pa akong matawagan nina mommy bago ko matawagan si Auntie Nympha. Hindi pa kasi ako nakakapagpasalamat uli sa kaniya. Hindi ako makakatakas sa kasal na iyon kung ako lang.Panay tingin ako sa likuran ko kung may kahina-hinala bang nakasunod sa amin, pero wala naman. Kung sa bagay, ang alternative route na pili lang ang dumaraan ang dinaanan namin. Isinandal ko ang aking noo sa bintana ng sasakyan at napapikit.After arriving at the port, the private yacht will take me to another port, Bancalan Port, which will take a one-day trip. Pagkarating sa port nama
Last Updated : 2025-11-25 Read more