Napatumba rin namin sila lahat at sakto din dumating si mahal na hari. Bakas sa kanyang mukha ang galit at inis. Nagkibit-balikat nalang ako at lumapit kay Hestia na ngayon ay nagtitipa sa phone niya. Sisilip sana ako ay bigla niya itong inilayo sakin. Damot! “Che!” Singhal niya. “Sino ba kase ka-text mo?” Tanong ko at hahawak sana sa kanya pero agad niya akong pinalakihan ng mata at dinuro. “Wag na wag kang lalapit sakin. Maligo ka! Amoy dugo ka, binibini!” Napairap ako. Arte talaga! “And for your information, sina Narnia ka text ko kaya wag kang malechoso.” Dugtong niya. Kukuntra sana ako nang tinaas niya kamay niya. “Hep! Kilala kita. Alam ko kung ano ang takbo ng utak mo.” “Weeh? Sige nga. Ano ang nasa isip ko ngayon?” Tanong ko at ngumiti. Tignan natin. Alam niya daw kaya pagbigyan natin. Ang yabang ng bruha. “Wag na. Alam kong tinawag mo na naman akong mayabang. So, no comment.” Walang gana niyang sagot. Napairap ako. Edi siya na! Lalapit sana ako kay Belial nang big
최신 업데이트 : 2025-12-03 더 보기