His POV "Kung inaakala mong nakalamang ka na sa akin, hah, Atty. Del Fuego puwes nagkakamali ka dahil ngayon na bihag ka na namin wala ka ng takas, kukunin namin ang lahat ng kayamanan mo bago ka namin patayin!!," malademonyong anas ni Atty. Mendez sa labas ng pinto ng kotseng pagsasakyan sa kanya. "Marami ka pang satsat gawin ninyo na! huwag ninyo lang gagalawin ang mag-ina ko at mama ko kung hindi ay...," hindi niya na natapos ang sasabihin dahil inundayan na siya ng sapak ni Mark sa kanyang panga. "At ano ha??? Hoy, akala mo kung sino kang matigas ha, nagmamagaling kang tagapaglutas ng suliranin ng mga iyon ha, eh hangal ka! Pinaikot ka lang sa mga palad ni Florinda!," satsat ni Atty. Mendez. "Dad, ano plano mo ngayon, susunod ba tayo kila Florinda?," rinig niyang tanong ni Mark kay Atty. Mendez na ama pala nito. "Ikaw na ang magmaneho, eh, saan pa ba sa dating gawi!," sagot ni Atty. Mendez kaya't kinaladkad na siya nito papasok ng sasakyan. "Paano sila Florinda, hindi
Read more