Florinda's POV "Ang bobo mo talaga, George, ginto na naging tanso pa!," bulyaw niya kay Atty. Mendez na naging kakunsaba niya sa pagmamanipula sana sa huling habilin ni Frederico. "Eh, sino ba sa atin ang mas bobo. Ikaw na ginawa na ang lahat makuha lang si Chris. Nasa sa iyo na ang malaking isda, pinakawalan mo pa!," ganti pa nito sa kanya. "At least ako ang dami ko ng ginawa mapasaakin lang si Chris. Eh, ikaw, iyon na lang ngang pekeng dokumentong pinapaggawa ko sa iyo nakuha at nadiskubrehan pa ni Chris.Pareho tayong sa kangkungan pupulutin nito!," pinagdidiinan niya pa. "Eh, malay ko bang mapasama iyon sa tatanga- tangang Deborah na iyon! Haist!," himutok pa nito. "Ungas! Ang sabihin mo irresponsable kang abogado ka! Hindi kita binabayaran ng malaki upang ubusin mo ang oras mo sa pambabae at pagsusugal! Mahigit isang taon ka lang nakatunganga hinayaan mo lang ako!," mabagsik niyang akusa. "Eh, hindi ba sabi mo, mamahinga muna ako dahil baka kasuhan ako ni Chris sa pag
Read more