"Naku, kay gandang bata, kamukhang- kamukha ka ni Florinda hija, " sa wakas na bungat ng mama ni Chris. "Eh, sa-lamat po," ganti niya rin. "Wow at mukhang mabait ka pa Clarisse! Ang ganda ng pangalan mo, bagay sa iyo hija, matanong ko lang saan ka ba galing bakit ngayon ka lang nakadalaw dito?" turan pa ng mama ni Chris. "Siyanga pala Risse, meet my super bait mama Belinda.... actually ma, kagagaling niya lang sa America!" turan pa ni Chris na palipat-lipat ang tingin sa kanya at sa mama nito. "Oh, I see, kaya naman pala! O, maiba naman ako, hijo, nasaan ang asawa mo? Bakit wala siya dito?" sunod- sunod na tanong ng mama ni Chris. "She has an important event to attend for the fashion gala next week ma," tipid na sagot ni Chris. "Mas importante pa ba iyon kaysa samahan ka sa event mo mamaya, hijo, obligasyon niya iyon bilang kabiyak mo?" saad pa ng ina ni Chri na nakakunot ang noo. "Ma, relax! That's why Clarisse is here, she will represent Florinda's behalf!" agap na s
Last Updated : 2026-04-27 Read more