"Naku, nak, nakalimutan kung ipaalam sa iyo, ah... eh.... nak, si Clarisse kasi umuwi na ng Maynila kaninang umaga, hindi nga nagpapigil eh," pahayag pa ng kanyang mama Belinda. "Hu? Bakit hindi ninyo napigilan? O, sige ma, uuwi na lang din ako ng Maynila," paalam niya. "Naku, nak, gabi na at pagod ka, ano ba at magpahinga ka rin, bukas ka na lumuwas ng Maynila para magkasama din kayo ng asawa mo," bilin pa ng mama Belinda niya ngunit hindi niya na pinakinggan. "O sige na ma, tatawagan na lang kita mamaya, sige na ma, bye!" pinal niyang sabi at ini- off na ang telepono. Umahon ang inis niya sa sarili sa nalaman. Bakit hindi man lang niya naisip na puwedeng gumawa ng sariling desisyon si Clarisse. Hindi na nga pala ito bata na puwede niyang ikulong at basta- basta na lang susunod sa gusto niyang mangyari. Dahil sa frustration ay nawalan na siyang ganang umuwi sa kanilang tahanan. Wala naman doon si Clarisse. Hindi niya rin gustong bumalik ng Maynila. Bukod sa iniiwasan niya
Last Updated : 2026-04-30 Read more