THE MAFIA QUEEN, PAHIRAM NG MUKHA CHAPTER 96 ALICE Nang magising ako, ay na-patingin ako kay Colt, mahimbing pa rin siyang natutulog, at pansin kong pagod na pagod siya. Hindi ko maman mapigilan ang sarili ko na haplusin ang kanyang mukha, dahil masayang-masaya ako ngayon, habang katabi ko siya. Gusto ko sanang isama siya, sa pagpunta sa mga anak namin, pero kailangan kong pigilan ang sarili ko, dahil hindi pa ito ang panahon, para malaman niya ang totoo. Dahan-dahan akong tumayo, para hindi siya magising. Pumunta ako sa kusina. Para uminom ng tubig. Dinala ko na rin ang phone ko, para matawagan ko si Mark. “ Nahanap niyo na ba siya?” tanong ko kay Mark, matapos niyang sagutin ang tawag ko. Si Aria ang tinutukoy ko, dahil gusto ko siyang gantihan, dahil sa ginawa niya. “Hindi pa, lalo na at si X ang nagpoprotekta sa kanila.” Napa-ikuyom ko ang kamao ko, dahil sa narinig ko mula sa kanya. “Kaya pala ang lakas talaga nang loob nilang gawin ‘yon, dahil sa X na ‘yon..” “Alam
Read more