Antonio Group HeadquartersTahimik na nakatayo si Jenar sa harap ng elevator nang bumukas iyon. Mula roon ay lumabas si Vanessa, composed at elegant gaya ng dati. Agad siyang yumuko nang bahagya bilang paggalang bago nagsalita sa mahinang boses.“Ma’am, nasa meeting pa po si Mr. Antonio. Baka gusto niyo pong maghintay muna sa office niya.”Bahagyang tumango si Vanessa, walang emosyon ang mukha, at walang imik na naglakad papasok. Pagdating niya sa loob ng opisina, agad niyang napansin ang nakahain sa coffee table—mga paborito niya, maayos na parang pinag-isipan.Napansin iyon ni Jenar at ngumiti nang kaunti. “Alam po ni sir na darating kayo, kaya pina-prepare niya ‘yan.”Ngunit nanatiling malamig ang ekspresyon ni Vanessa, tila walang epekto ang gesture na iyon. Hindi man lang siya lumapit sa mesa. Sa halip, diretso siyang nagtanong, “Gaano pa katagal ang meeting ni Daniel?”Sinulyapan ni Jenar ang relo niya bago sumagot, “Mga thirty minutes pa po, ma’am.”“I see,” maikli niyang tugon
Última atualização : 2026-04-28 Ler mais