“No,” sagot ni Mike, kahit na pait ang tono niya. “No, of course not. Masaya kami para kay Kiana.”Oo. Hindi siya mukhang masaya at naiisip ko kung ako ba ang magbabayad ng presyo dahil dito. Kahit paulit-ulit kong sinabi sa kanya na hindi ako nakikipag-date, wala akong plano, at hindi ko kailanman ikokonsidera na makipag-date sa boss ko—dahil totoo iyon—tumigil siya sa pag-aya sa akin nung nilinaw ko na ang boundaries. Pero gaya ng sabi ni Leila, hindi iyon naging dahilan para tumigil ang mga tawag at tanong niya.Siguro dapat akong makaramdam ng relief sa ginawa ni Tyler. Siguro dapat kong ma-appreciate ang weird na paraan niya ng pag-angkin sa akin. Pero hindi siya nagpaalam. Basta-basta na lang siyang pumasok sa trabaho ko, gumawa ng eksena, at hinamon ang boss ko sa isang alpha male display na ang mensahe ay: “Akin siya, lumayo ka.”Kung matanggal man si Tyler sa trabaho niya, makakahanap siya ng bago. O kaya, hindi na siya magtrabaho. Billionaire siya, for Christ’s sake. Pero ku
Mehr lesen