Kabanata 304 Naging criminal case na ang kaso ng pamilya Ybarra. Humarap si Jam sa korte bilang complainant sa civil action na isinampa kasabay ng criminal case. Kasama niya si Clint. Pareho silang pumili ng medyo formal na outfit nang hindi man lang nag-usap beforehand. Black and white. Simple lang, pero bagay na bagay silang dalawa. Pagkakita pa lang sa kanila ng mga netizen, nagsimula na naman ang shipping. [Grabe, sino rito ang katulad kong gumawa ng paraan para masundan ang idol niya hanggang criminal court? Mommy, ang pogi ni Jam ngayon! Naka-black suit pa!] [No way. Kahit sobrang dislike ko kay Clint, hindi ko maikakaila na pogi siya. Pagtabi sa kaniya ni Jam, parang may Mr. and Mrs. Smith vibes agad!] [Ibibigay ko na ang malaking halaga para sa high-definition recording nito. Finally, may bago na akong wallpaper!] [Honestly, feeling ko love-hate relationship talaga sila. Huhuhu. Sayang si Jam, ang galing at ang bait. Kung minsan lang sana maging cold-blooded siya kay
Read more