Matapos ang lahat ng nangyari, iniwan niya sa ama ang pag-aasikaso sa mga kasong isinampa nila laban sa mag-amang Perez. Nagmamadali naman siyang bumalik ng ospital dahil tumawag ang kaniyang ina, nagising na raw si Summer. “Oh, God!” Humahangos na nilapitan niya ang asawa at niyakap nang mahigpit. Nakangiting gumanti naman ito ng yakap sa kaniya. “Thank you for coming back to me, honey. I love you so much,” aniya. “I love you, too. Hindi ko kayang iwanan kang mag-isa rito. Hindi iyon mangyayari, Zhione,” anito. Matagal sila sa ganoong posisyon. Para bang ayaw na nilang maghiwalay pa. Napukaw lang sila nang may tumikhim sa kanilang likuran. Sabay nilang nilingon ang mga naroon. “We’re just going out. Mag-usap na muna kayong dalawa,” anang kaniyang byenan na titig na titig sa kaniya. “Ang bilin ka sa iyo, hijo. Huwag na huwag mong kalilimutan
Last Updated : 2026-08-19 Read more