“What did you say?” Salubong ang mga matang tinitigan si Summer ng ama. “Pa, please. . . I need to breathe. Payagan na ninyo akong lumabas. Kasama ko naman sina Vladimir at Denver,” pangungulit niya rito. May date sila ni Zhione, iyon ang totoo. Pero hindi naman niya masabi-sabi iyon sa ama. Alam niyang mariin nito iyong tututulan. Baka nga hindi na rin siya nito palabasin kapag nagkataon. Napahilot sa kaniyang sentido ang ama. Halata pa rin ang matinding pag-aalala sa mukha nito. “Please, Pa. . . Hindi naman ako magtatagal. Gusto ko lang kumain sa labas, mag-mall. Gusto ko pa rin namang mamuhay ng normal. Paunti-unti, gusto kong ibalik ang mga nakasanayan ko ng gawin,” aniya nang makita ang guilt sa mga mata nito. Kahit ang ama ay nahihirapan sa ginagawang paghihigpit sa kaniya. Matagal itong hindi umimik. Tinitimbang sa isip ang magiging desisyon.
Last Updated : 2026-08-12 Read more