“Relax.”Mahina ang boses ni Adrian habang nakahawak pa rin sa kamay ni Elena.“Hindi ako kinakabahan.”“I know.”“Then stop reminding me.”Saglit siyang tiningnan ni Adrian bago muling humarap sa stage.Hindi naman talaga kinakabahan si Elena.Marami na siyang beses na humarap sa board members, investors, at mga taong naghihintay lamang ng isang maling salita para gamitin iyon laban sa kanya.Ang mahirap lang ay ang magpanggap na natural ang lahat habang nakatutok sa kanila ang dose-dosenang camera.Mula sa gilid ng stage, natapos ng project manager ang presentation tungkol sa Aurora Bay Financial District.May dalawang pangunahing residential zones ang development.Ang Zone A ay para sa malalaking residences—four- to five-bedroom units, private amenities, at mas malalawak na open spaces.Ang Zone B naman ay para sa smaller units na may one- to three-bedroom layouts, mas malapit sa retail areas, transport hubs, at future schools.Hindi lamang high-end residences ang ipinapakita ng Cr
Last Updated : 2026-08-16 Read more