CHAPTER 34 Lumipas pa ang mga araw, bumalik na sa opisina si Redford pero hindi ito nakikipag-usap kay Aldrin, naikuha naman ni Aldrin ng condo unit si Patricia malapit lang sa unit nila ni Sarah, si Lola Consuelo na ang bahala dito, isang araw habang naglilinis si Sarah ay may kumatok sa pintuan nila, si Patricia"Hi" nakangiting ani nito"Hi, may kailangan ka?" ani ni Sarah"Ahm, tatanong ko lang sana kung andyan si Aldrin, kanina ko pa kasi siya tinatawagan pero hindi siya sumasagot" "Wala ang asawa ko, nagpunta sa kaibigan niya" "Oh, babae ba yung kaibigan na pinuntahan niya? Kasi hindi niya sinasagot ang tawag ko" Ngumiti si Sarah "Ganun ba? Baka busy kasi ang asawa ko kaya hindi ka niya sinasagot, wag ka kasing masyadong demanding sa kanya, wala kang karapatan, ako nga na asawa na mismo hindi ako nagdedemand masyado, ikaw pa kaya, ano ka ba niya?" Sumimangot si Patricia "Alam mo maldita ka talaga, nagbabait baitan ka lang sa harapan ni Mama" "Wow hiyang hiya naman ako say
รltima actualizaciรณn : 2026-10-29 Leer mรกs