"Leandra, pasensiya na hindi ko rin alam. Alam mo namang nasa Cebu na ako last week pa lang." sagot ni Sophie sa kabilang linya.Napahilamos siya sa mukha sabay nagpalakad-lakad sa labas ng kompanya.Matagal na siyang walang balita tungkol kay Leandro at ngayon ay hindi niya aakalain na ito pala ang totoong may-ari ng malaking Airline Company sa pilipinas. Masaya siya at proud para dito pero hindi niya alam kung paano ito haharapin pakatapos ng sampung taon. "Honey, here is the-"Natigilan siya nang marinig ang pamilyar na boses ni Sam sa kabilang linya."Is that Sam?""H-huh? S-sino? H-hindi. Alam mo ng nasa cebu ako diba? N-nasa Italy pa sila."utal-utal na sabi ni Sophie. Inikot niya ang mga mata kasabay ng malalim na pagbuntong-hininga. "Sophie. Please lang hindi na ako nakikipagbiruan dito. Ano bang meron?"Matagal bago sumagot si Sophie sa kabilang linya at halatang nakikipag-usap pa ito kay Sama na akala niya ay nasa Italy ngayon dahi l sa business trip nito kasama si YUka.
Last Updated : 2026-10-20 Read more