'TREATEN'THIRD PERSON POINT OF VIEWSamantala, sa mansion ng mga Watson, nakaupo si Emma sa kanyang silid habang pinag-aaralan ang iilang mga dokumentong ipinadala ng kanilang finance department. Nang biglang na lamang nagvibrate ang kanyang cellphone. At nang tingnan niya iyon ay nakita niya ang isang mensahe mula sa kanyang kaibigan.From My Friend:Emma, nakita ko si Ryan kanina. Kasama niya iyong babaeng si Vanessa sa isang restaurant. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila.Matagal na tinitigan ni Emma ang mensahe.Vanessa.Pamilyar sa kanya ang pangalang iyon. Sa dati niyang buhay ay ito ang babaeng naging dahilan ng maraming problema sa kanilang pagsasama. Bahagyang napangiti si Emma at muling ibinaba sa mesa ang kanyang cellphone."So, you're already looking for someone to comfort you, Ryan? Kung ganon matagal mo na pala talaga akong ginagago, Ryan." Bulong niya sa kanyang sarili.Hindi siya nasaktan gaya ng inaasahan niya. Sahalip, lalo lamang siyang naging determinado na pa
Última actualización : 2026-11-05 Leer más