Napapitlag si Miranda, biglang nawala ang antok niya.Parang may malamig na kamay na humila sa kaniya palabas ng kalahating tulog. Halos isang oras na siyang nakapikit pero hindi nakatutulog. Ang bawat lamok na dumadapo sa balat, ang bawat tusok ng damo sa likod, ang kalam ng sikmura, ang lahat ay parang partisipante sa isang contest. Nagkikipagkompetesiyon para hindi siya patulugin. Ngayon, may isa pa siyang dahilan para manatiling gising.“Nag-iipon pala ng pagkain ang haliparot na ‘yon?” naibulong niya sa sarili. Dilat na dilat na ang kaniyang mga mata, tila nilisan na ng lahat ng antok na kanina niya pa pinag-iipunan.Umugong ang ulo niya, at sumiklab sa loob niya ang matinding galit.Nagugutom ang lahat samantalang nagagawa niyang magkunwari at magpaawa, umiiyak at nakikisabay sa damdamin ng grupo. Ngunit sa huli, patago siyang dumudukot ng pagkain kahit alam niyang maraming sikmura ang kumakakalam sa paligid.Naalala ni Miranda ang eksena kanina. Ang mga luha ni Glenda, ang nang
Huling Na-update : 2026-11-19 Magbasa pa