LOGINNawasak ang isang cruise ship na siyang naging dahilan upang maging stranded si Carlos sa isang abandonadong isla kasama ang labing-walong magagandang dilag: mga supermodels, mga pop divas, mga reyna ng pelikula, mga babaeng tagapagmana ng yaman. Sa una’y maayos silang nagtutulungan upang mabuhay, ngunit dahil sa komentaryo ng matalik na kaibigan ng isang kilalang aktres, nagulo ang lahat. “Isa s’yang lalaki, paniguradong may binabalak yan sa atin.” Pinaalis ng mga mayayabang na babae sa kanilang kampo si Carlos. “Nasa abandonadong isla tayo, akala n’yo pa rin ba nakalalamang pa rin kayo? Akala n’yo ba nandito ako para maging tuta n’yo?” Ngumisi si Carlos habang paalis, at doon nagising ang kaniyang Desert Island Survival system. Habang nanginginig ang mga babae dahil sa malakas na ulan at nag-aagawan sa isang maasim na ligaw na prutas, kumakanta at kumakain naman ng inihaw si Carlos samantalang nakasilong sa isang kuweba. Habang tinitiis nila ang masakit na kagat ng mga nakalalasong mga insekto, nakahiga na si Carlos sa balat ng isang hayop habang nagpapakasaya sa pagmamasahe ng isang maangas na supermodel sa kaniyang binti. Sa huli, maging ang kaniyang matalik at kilalang kaibigang babae, na dating makapangyarihan at makasarili, ay walang magawa kung hindi ang lumuhod na lamang sa harap ni Carlos. “Carlos, parang awa mo na, bigyan mo naman ako ng makakain. Gagawin ko ang lahat…”
View More“I suggest palayasin si Carlos sa ating kampo.”
Ito ang sinabi ni Mayumi Bautista, ang matalik na kaibigan at ahente ng sikat na aktres na si Luningning Ramos. Mukha siyang nasa mid-twenties, at kahit na lukot-lukot ang kanyang mamahaling damit at tila parang pinatuyong mga atsara dahil sa pagkababad sa tubig ay nanatili ang matabil niyang bibig.
Mas may kilala siyang persona online. Isa siyang sikat na independent na babaeng blogger na mayroong milyun-milyong tagasunod. Napasok niya ang mundo ng mga sikat dahil sa matalim niyang dila at sa persona ng “pagtulong sa mga kapatid na babae sa paghahanap ng mga walang kwentang dyowa.” Tunay niyang talento ang pag-alabin ang damdamin ng mga tao.
Nakaupo si Carlos sa dalampasigan habang nililinis niya ang inanod na isda nang marinig niya iyon, nahinto ang kaniyang kamay.
“Sa anong dahilan?” tanong ng isa sa kanila.
Lumingon-lingon si Mayumi sa paligid, pinasadahan niya ng tingin ang labing-pitong iba pang mga magagandang babae na nakakalat sa dalampasigan.
Mga supermodel, pop divas, reyna ng mga pelikula, mga babaeng tagapagmana, at mga beauty pageant winners. Lahat ay magaganda at sosyalita, bawat isa ay mas kahanga-hanga kumpara sa iba. Subalit ngayon, nagmumukhang gusgusin at parang mga basang daga.
“Ang dahilan? Simple lang, dahil isa s’yang lalaki!”
Diniinan ni Mayumi ang salitang “lalaki” na para bang may bahid ito ng napakaruming dahila.
“Sa abandonadong isla na ‘to, wala ni kahit cellphone signal. Sinong nakakaalam kung kailan darating ang rescue?”
“Labingwalo tayong babae at s’ya lang ang nag-iisang lalaki. Okay lang kung sa umaga, pero paano na kung dumating ang gabi? Sino ang makapagsasabing wala s’yang gagawin sa atin habang natutulog tayo? Sino ang makasisiguradong hindi ikaw ang una n’yang pagdidiskitahan?”
Pagkatapos nila itong marinig, nagpakita ng takot ang ilang babae sa kanilang mga mukha.
Abandonadong isla, isolated at kaawa-awa. Isang lalaki, labingwalong babae.
Napakagaling talaga ni Mayumi magmanipula ng mga emosyon. Gamit lang ang ilang salita ay nadala niya ang eksena sa pinakamadilim na direksyon.
Ito ang kanyang pangunahing trabaho kaya naman nakahakot sya ng malaking atensyon sa online.
Sa wakas, tumayo si Carlos at humarap sa kanila.
Nasa 1.82 metro ang taas ni Carlos at medyo payat. Bakas pa rin sa kaniyang mukha ang pagod mula sa dagat. Anim na oras pa lamang ang dumaan nang maganap ang aksidente sa cruise ship, at lahat sila ay nasa estado pa rin ng matinding pagkagulat.
“Kalahating oras ang iginugol ko sa paglilinis ng isdang n’yan para pwede ng kainin,” sabi ni Carlos, halos hindi niya maitago ang galit sa kaniyang boses. “Ano naman ang ginawa mo kanina?”
Biglang namula ang mukha ni Mayumi.
“Tignan niyo ang pag-uugali niya!” Ibinaling ni Mayumi ang tingin sa pinakamalapit na tao kay Carlos. “Ate Yna, magsalita ka naman!”
Nakaupo sa buhangin si Yna Magsaysay habang ang mahaba at halos tuyo niyang buhok ay nakadikit sa kaniyang leeg.
Isa siyang tanyag na artista na nagwagi ng dalawang parangal bilang Best Actress; napakaganda ng kaniyang mga katangian na para bang isa siyang tunay na manika. Tumingin sya kay Carlos, pagkatapos ay kay Mayumi saka ngumuso.
"Sa tingin ko…may punto si Mayumi.”
Napakakaswal ng kaniyang pahayag.
Pero sapat na iyon.
Dahil sa sinabi ng pinakakilalang influencer, mabilis na nakahanap ng lider ang ibang babae at nagsimulang magkampihan.
“Tama, safety first.”
“I agree. Dapat protektahan nating mga babae ang sarili natin.”
“Hindi naman sa papatayin natin s’ya, hihilingin lang natin na lumayo s’ya nang kaunti.”
Sabay-sabay silang nagsalita.
Tiningnan ni Carlos ang grupo at naaliw siya sa nakita.
Anim na oras ang nakalilipas, nasa cruise ship pa ang lahat. Napanalunan niya ang ticket sa taunang pagpupulong ng kumpanya. Ito ay isang third-class cabin. Pagkasakay pa lamang niya sa barko, sekreto siyang itinuturing na “mababang uri” ng mga babaeng nasa VIP area gamit lamang ang kanilang mga tingin.
Ngayong lumubog na ang barko, pantay-pantay na ba ang lahat ng tao sa abandonadong isla?
Hindi, hindi pantay.
Nakabase ang kapangyarihan sa dami. Labingwalo laban sa isa, kaya tingin nila pwede nilang palayasin si Carlos sa “demokratikong” paraan.
Sa gilid ng karamihan, napakunot-noo at bahagyang bumuka ang bibig ng isang babaeng nakaupo sa patag na bato.
Subalit naunahang siyang magsalita ni Mayumi.
“Botohan na.”
Itinaas ni Mayumi ang kanyang baba. “Itaas n’yo ang kamay n’yo kung sang-ayon kayong paalisin s’ya.”
Binilang ni Carlos ang mga boto: labingpitong mga kamay.
Sa labingwalong katao, labingpito ang bumoto ng “Oo”, at isa lang ang hindi nagtaas ng kamay.
Mayabang na lumingon si Mayumi. “Kita mo na? Sinusunod ng minorya ang mayorya. Pwede ka nang umalis.”
“Sige.”
Kahit si Mayumi ay nagulat sa bilis ng pagpayag ni Carlos.
Naihanda na niya ang sandamakmak na argumento para sa pagtutol ni Carlos, gaya ng “Masyado kaming marami para kalabanin mo” at “Wag mo kaming pilitin na batuhin ka.” Subalit sa huli, pumayag lamang siya.
“Sinabi mo bang sige?” Nagtaka si Mayumi, baka nagkamali siya ng dinig.
“Sinabi kong sige. Bingi ka ba?” Pinagpag ni Carlos ang mga kaliskis ng isda sa kamay niya, saka yumuko at pinulot ang nilinis na isda. “Dahil ayaw n’yo rin naman sa akin, edi aalis ako.”
“Ikaw!”
“Sandali lang.”
Akmang magsisimulang magbitaw ng masasakit na salita si Mayumi subalit mayroon nang naunang nagsalita.
Tumingin si Carlos sa direksyon ng boses at nakita ang isang babaeng nasa thirties, nasa isang bato sa gilid ng grupo. Siya lamang ang tanging hindi nagtaas ng kamay.
Suot niya ang sedang blusa na nagusot dahil sa pagkababad sa tubig, simpleng nakasukbit ang kanyang buhok sa likod ng kaniyang tainga, makikitang ang kaniyang mukha ay napakaayos na inaalagaan, nagtataglay rin ng kalmado at mahinahong tingin ang kaniyang mga mata.
Anna Salvador
Ang “Triple Crown Best Actress” ng nakaraang henerasyon, matagal na ring semi-retired at isang maalamat na pigura sa industriya. Kung katayuan lang din ang pag-uusapan, dapat lang siyang ituring na “senior” ng lahat ng mga sikat na batang aktres.
Siya ang pinakamatandang babae sa grupo at siya rin ang pinakamadalang na nagsalita sa makalipas na anim na oras.
Sa sandaling ito, tumayo siya, naglakad ng ilang hakbang papunta sa harap ni Carlos, at nagsalita sa mahinahong tono.
“Bata,’wag kang matigas ang ulo,” sabi ni Anna. “Hindi naman sa walang basehan ang mga sinabi nila tutal hindi naman tayo lubos na magkakakilala.”
“May mungkahi ako para magkasundo tayong lahat. Pwede kang tumulong t’wing araw, magtulungan tayong lahat at maghati-hati sa pagkain. Sa gabi, pwede kang matulog sa kabiling panig ng batong ‘yon, malayo sa paningin namin. Sa ganong paraan, may pagkain ka at mapapanatag kami. Ano sa tingin mo?”
Malumay ang kaniyang tono at nakangiti habang nagsasalita na tila talagang naghahanap ng solusyon sa isang problema.
Napatingin si Carlos sa hawak niyang isda at natawa sa galit.
“Ms. Anna,” mahinang sambit ni Carlos, “tutulungan kitang manghuli ng isda, gumawa ng mga gawain, magtrabaho na para bang alipin t’wing umaga, at matulog sa isang sulok pagsapit ng gabi. Kakainin ko ang mga tira-tirang ‘ia-assign’ n’yo sa akin. ‘Yan ba ang ibig mong sabihin?”
Nanigas ang mga ngiti Anna.
“Hindi ako ganyan.”
“Napakagalang mo naman,” pagpuputol sa kanya ni Carlos habang isinabalikat ang ang isda, “pero kung susumahin, isa lang ang ibig mong sabihin. Kailangan n’yo ng libreng tuta. Gagamitin mo sa pagtratrabaho sa araw, at ikakadena sa gabi.”
Sinulyapan niya ang buong dalampasigan; labingwalong mukha, labingwalong magkakaibang ekspresyon.
May mga galit, may mga nag-iingat, may mga walang pakialam.
Yumuko na si Mayumi upang pumulot ng mga bato, malamang dahil sa takot siyang manggulo si Carlos. Umatras din ang iba pang mga babae at naghahandang ipagtanggol ang mga sarili.
Labingwalo laban sa isa.
Walang interes si Carlos na alamin kung allergic ba siya mga bato.
“H’wag kayong mag-alala, aalis na ako.” Tumalikod siya at humakbang patungo sa masukal na kagubatan. Umalis siya nang hindi lumilingon, sabay sabing,“Dalhin n’yo ang isda. Napaka-demokratiko n’yo, napakapantay. Mabuhay kayo nang maayos. Huwag lang kayong magsisisi mamaya.”
Nang mawala na ang anino ni Carlos, saka lang may bumulong sa grupo.
“Umalis na? Gano’n lang ba ‘yon?”
Itinapon ni Mayumi ang hawak n’yang bato, pinalakpak ang mga kamay, at pilit na ngumiti. “Mabuti nang umalis s’ya. Tahimik na ngayon. Gaano ba kalaki ang maghuhuli n’yang isda? Maghahanap tayo ng sarili nating pagkain bukas.”
Walang sumagot.
Hindi tumingin si Anna sa kaniya, kundi naglakad siya sa tabi ni Luningning at hininaan ang kanyang boses.
“Naisip mo rin ba? Wala na s’ya. Wala na ang nag-iisang lalaki sa islang ‘to.”
Inayos ni Luningning ang kaniyng basang buhok at nanatiling tahimik.
Nagpatuloy si Anna, hindi malakas ang kanyang boses subalit malinaw ang kaniyang mga sinabi. “Pagkuha ng mga panggatong, pagtatayo ng masisilungan, paghahanap ng pagkain, pagbabantay. Sino sa inyo ang gagawa ng mga trabahong ‘to? Aasa ba kayo sa labingwalong pares ng kamay na ni kailanman hindi pa nakararanas ng hirap sa buhay?”
Bahagyang kumunot ang noo ni Anna.
Malinaw na hindi niya napag-isipan ito noon.
Lumapit ang may malinaw na pandinig na si Mayumi at sumingit. “Sobrang kang nag-iisip. Labingwalo tayo, ano ba ang hindi natin kayang gawin?” Isa pa, mas makabubuti ang pagpapaalis sa isang lalaki na may dalang panganib.”
Sinulyapan siya ni Anna.
Dumaan ang bahid ng pagod sa mata ni Anna, na para bang marami na siyang nakitang ganitong klase ng mga tao at tinatamad na siyang magpaliwanag pa.
Umiling na lamang siya at hindi pa nagsalita.
Sa kalayuan, palubog na sa abot-tanaw ang huling sikat ng araw, at mas mabilis kumpara sa inaasahan ang pagbaba ng temperatura sa sa abandonadong isla.
Matapos dalhin ni Carlos ang isda sa masukal na kagubatan, naglakad sya ng mga sampung minuto bago narating ang isang mataas na lugar. Mayroong kuweba sa pader na bato na may dalawang metro ang lalim. Natatakpan ito sa tatlong panig at mas maayos kaysa sa dalampasigan.
Kung tatayo ka sa pinakaharap, makikita mo ang dalampasigan kung saan naroroon ang mga grupo ng mga babae kasama ang dagat sa harap nito. Kung may dumaan mang malaking barko, agad itong mapapansin sa isang sulyap lang. Perpekto ito upang gawing kampo.
Ibinaba niya ang isda at umupo sa bato para huminga.
Isang kasinungalingan kung sasabihin niyang hindi siya galit. Pero ano ang silbi ng galit?
Dapat bang turuan ng leksyon si Mayumi?
Magsasayang lang siya ng enerhiya at kung aatakihin siya ng mga babae bilang isang grupo, baka masaktan lang din sya.
Walang mabisang paraan ng panggagamot sa islang ito at maaring magpababa lang ng tyansa niyang mabuhay kung masugatan siya.
“Gusto kong malaman kung hanggang kailan n’yo kayang mabuhay sa abandonadong isla na ‘to.”
Bulong ni Carlos sa kanyang sarili, may bahid ng pagngangalit ng ngipin ang kaniyang boses.
Bigla na lamang naging blanko ang kaniyang isipan.
Parang hinawakan at pinilipit ang likod ng ulo niya, na sinundan ng panginginig mula sa cervical spine na dumaloy sa mga braso at binti, na parang may isang bagay na biglang itinurok kaniyang mga ugat.
Lumitaw sa harapan niya ang isang transparent at kulay asul na teks.
[Survival System on Desert Island Activated... Host Confirmed.]
[Function 1: Pagkilala sa lahat ng bagay; kayang kilalanin ang katangian at gamit ng anumang makakikita.]
[Function 2: Encyclopedia Database: Nagbibigay ng kaalamang maida-d******d sa utak ang anomang nais malaman ng host, kasama ang arkitektura, agrikultura, at metalurhiya.]
[Function 3: Daily Check-in for Physical Enhancement. Maaring palakasin ang katawan bawat araw. Batay sa unang check-in ng host, tinaasan ang gantimpala sa: Pangangatawan +5, Pinakamataas na Resistensya sa Lason.]
Ibinaluktot ni Carlos ang kaniyang pulsuhan at ikinuyom ang kaniyang kamao.
Hindi niya masasabing tuluyan siyang nagbago, pero hindi niya maipagkakaila na talagang gumaan ang pananakit at pagod niya mula sa pagkababad sa dagat.
Kapara ito ng paggising matapos ang isang mahimbing na tulog sa gabi, gising na gising at puno ng lakas.
Bagaman hindi pa ito umaabot sa punto kung saan kayang pumatay ng tao sa isang suntok, tiyak malaki ang ipinag-improve nito.
Tumingin siya sa tumpok ng mga tuyong dahon sa lupa.
Lumitaw ang isang asul na marker.
[Mga tuyong dahon ng palma: nakakapagpaalis ng init sa tag-araw, nakatutulong sa pag-ihi at pagbabawas ng pamamaga, at nakapipigil sa mga bakterya at pamamantal.]
Pagkatapos, tumingin siya sa mga damo malapit sa kaniya.
[Mga damong ligaw: Tila wala gaanong halaga, ngunit maaari itong gamitin bilang pantabing kapag pinatuyo.]
Bumilis ang tibok ng puso ni Carlos. Agaran niyang sinuri ang kaniyang paligid.
Lumutang sa hangin ang mga katangian ng lahat ng kaniyang nakita na parang mga nakatalang impormasyon: mga bato, lumot, balat ng puno, lupa.
Tumayo si Carlos sa mababang bahagi ng lugar, nakikinig sa mahinang tunog ng mga babaeng nagtatawanan at nag-uusap sa dalampasigan.
Biglang ngumiti si Carlos.
“Nasa abandonadong isla…at talagang akala pa rin nila na nasa Tier 0 sila?”
Napapitlag si Miranda, biglang nawala ang antok niya.Parang may malamig na kamay na humila sa kaniya palabas ng kalahating tulog. Halos isang oras na siyang nakapikit pero hindi nakatutulog. Ang bawat lamok na dumadapo sa balat, ang bawat tusok ng damo sa likod, ang kalam ng sikmura, ang lahat ay parang partisipante sa isang contest. Nagkikipagkompetesiyon para hindi siya patulugin. Ngayon, may isa pa siyang dahilan para manatiling gising.“Nag-iipon pala ng pagkain ang haliparot na ‘yon?” naibulong niya sa sarili. Dilat na dilat na ang kaniyang mga mata, tila nilisan na ng lahat ng antok na kanina niya pa pinag-iipunan.Umugong ang ulo niya, at sumiklab sa loob niya ang matinding galit.Nagugutom ang lahat samantalang nagagawa niyang magkunwari at magpaawa, umiiyak at nakikisabay sa damdamin ng grupo. Ngunit sa huli, patago siyang dumudukot ng pagkain kahit alam niyang maraming sikmura ang kumakakalam sa paligid.Naalala ni Miranda ang eksena kanina. Ang mga luha ni Glenda, ang nang
“Kung hindi natin pinaalis si Carlos, makakakain kaya tayo ng inihaw na isda ngayon?”Nanahimik ang buong paligid nang lumabas ang mga katagang iyon sa bibig ni Nichole.Yumuko at nanahimik ang ilan sa kanila na parang napagtanto ang bunga ng kanilang mga desisyon; habang ang iba nama’y napatingin nang hindi sinasadya sa mukha ni Mayumi."Kung hindi sana pinalayas si Carlos marahil..."Sabay-sabay na napalunok ang ilan. Iisang imahe lamang ang naglalaro sa kanilang mga isipan, ang amoy ng malutong at ginintuang kulay ng inihaw na isda.“Okay!”Biglang hindi mapakali si Mayumi nang maramdamang nag-iiba ang ihip ng kanilang usapan. Naglakas loob siyang tumayo, matalas ngunit halatang may pagkabalisa ang kanyang boses."Aba! Ang bilis n'yo naman magsalita matapos ang lahat? Nagtaas kayo ng kamay, ah. Anong silbi n'yang mga pinagsasabi n'yo ngayon?"Humarap siya kay Nichole at itinuro ito sa kaniyang mukha.“Nichole, nagtaas ka rin ng kamay no’ng nagbotohan kanina! Ano’ng akala mo, wala
“Hindi namin kukunin ng libre ang pagkain mo. P’wede kaming makipagpalitan sa’yo.”Si Luningning ang nagsalita. Humakbang siya palabas sa grupo. Tumatama ang liwanag ng apoy sa napakaganda at seryoso niyang mukha. Nagtaas ng kilay si Carlos. Gutom na gutom na lumapit ang mga babaeng ito sa kaniya para sa pagkain. Ano naman kaya ang posible nilang maiaalok bilang kapalit?Hindi nagmadaling magsalita si Luningning. Inabot niya ang likurang banda ng kanyang leeg at kinalas ang clasp ng isang kwintas. Kumikislap ang kwintas sa liwanag ng apoy. Walang kapintasan ang kulay-dugong hiyas na pendant; kahanga-hanga at maingat ang pagkakagawa. Maging si Carlos na walang kaalam-alam sa mga alahas ay kayang sabihin na mamahalin ang kwintas na iyon.“Custom-made ang isang ito, at nagkakahalaga ng 1.3 million.” Hawak ni Luningning ang kwintas sa kanyang palad. “Ibigay mo sa amin ang kalahati ng isdang ‘yan at kalahati ng ‘yong pang-araw-araw na pagkain. Ibibigay ko sa’yo ang kwintas.”Wala siyan
Ngumunguya si Carlos ng sariwa at malambot na kabute, at puno ng mayamang aroma ng kabute ang kaniyang bibig.Sa sandaling iyon, bigla na lamang nagkaroon ng kaluskos na nanggaling sa mga damo sa paligid. Saglit siyang natigil, tapos nilunok ang pagkain sa kanyang bibig, at biglang naging alerto. Maraming ligaw at makamandag na insekto sa loob ng abandonadong isla. Marahil napunta sila sa kinaroroonan niya dahil naakit sa amoy ng inihaw na isda. Mabilis na inabot ng kanang kamay ni Carlos ang isang bato. Hawak niya ang isang batong kasinlaki ng kanyang kamao. Inihanda niya ito kanina lang. Naging tensyonado ang kanyang muscles habang nakatitig sa pinanggalingan ng tunog. Kung mayroong ligaw na hayop ang mangahas na sumugod, ay agaran niya itong babatuhin. Tapos, nakita niya ang maliit at maputing kamay na humawi sa palumpong ng mga maliit na uri ng puno. Kasunod nito, isang bilugan at chubby na mukha ang sumilip sa likod ng mga dahon. Si Glenda Suarez pala ang dumating. Magulo
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.