Therese Lacsamana's POVMismong araw ng kasal ng nakababatang kapatid ko, ako ang pinasuot ng wedding gown na para sa kaniya.Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sitwasyon o maiiyak sa ginawa sa akin ng sarili kong pamilya. Ilang minuto na lang bago magsimula ang ceremony, pero sa halip na si Corinne ang inaayusan sa bridal room, ako ang nakaupo sa harap ng malaking salamin habang dalawang makeup artist ang nagmamadaling ayusin ang buhok at mukha ko."Ma'am Therese, konting ngiti naman po," paalala ng makeup artist habang inaayos ang lipstick ko.Sinubukan kong ngumiti, pero hindi ko rin nagawa. Paano ako ngingiti kung hindi ko nga alam kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon?Kanina lang, nakasuot ako ng simpleng dress dahil bisita lang naman ako sa kasal ng kapatid ko. Wala akong balak maging sentro ng atensiyon. Ang gusto ko lang ay matapos ang araw na iyon nang walang problema. Pero nagbago ang lahat nang malaman ng pamilya namin na tumakas si Corinne sa mismong araw ng kas
Huling Na-update : 2026-11-27 Magbasa pa