Mag-log inHindi ko inakalang sa unang gabi ko bilang asawa, mararamdaman kong mas estranghero ako sa lalaking pinakasalan ko kaysa noong una ko siyang makita sa altar.
Tahimik ang buong biyahe papunta sa Benavides residence. Nasa likod ako ng sasakyan habang si Nikolai ay abala sa pagbabasa ng mga dokumentong ipinasa sa kaniya ng assistant niyang si Adrian. Ilang beses akong napatingin sa kaniya, pero ni minsan ay hindi niya ako nilingon. Para kaming dalawang taong napilitang sumakay sa iisang sasakyan dahil wala nang ibang available na masasakyan.
Nang makarating kami sa isang malaking property sa Forbes Park, agad kong napansin ang malawak na driveway at modernong disenyo ng bahay. May ilang security personnel sa entrance at dalawang empleyadong naghihintay malapit sa main door. Hindi ko alam kung dapat ba akong humanga o kabahan sa lugar na magiging tahanan ko simula ngayon.
"Welcome home, Sir Nikolai," bati ng isang lalaking nakasuot ng dark gray uniform.
Tumango lamang si Nikolai bago tuluyang pumasok. Sumunod ako habang hawak ang maliit kong handbag. Hindi ko dala ang karamihan sa mga gamit ko dahil halos wala akong naging pagkakataong maghanda. Isang araw lang ang nakalipas mula nang malaman kong ako ang ipapalit sa kapatid ko.
"Ma'am, good evening," bati ng isang babae na marahil ay namamahala sa mga tauhan sa bahay. "I'm Mrs. Dela Cruz. I'll be assisting you during your stay here."
Napahinto ako nang marinig ang huling sinabi niya.
"During my stay?"
Bahagya siyang nag-alangan. "I mean, habang nandito po kayo, Ma'am."
Hindi ko na siya pinahirapan. Ngumiti ako nang kaunti at nagpasalamat. Hindi naman niya kasalanan kung hindi niya alam kung ano ang tunay na nangyari sa kasal namin.
"Prepare the guest room beside my office," utos ni Nikolai habang inaabot kay Adrian ang kaniyang coat.
Napalingon ako sa kaniya. "Guest room?"
"Yes."
"Akala ko ba dito ako titira?"
"You will. That room is part of this house."
Napahinga ako nang malalim. "Hindi ko naman sinasabing kailangan nating magsama sa iisang kuwarto, pero sana sinabi mo agad kung saan ako ilalagay."
Tumingin siya sa akin. "I thought that was obvious."
"Well, hindi naman ako sanay sa ganitong setup. First time kong maging asawa ng taong halos hindi ko kilala."
Hindi siya sumagot. Sa halip, tumingin siya kay Mrs. Dela Cruz at muling nagbigay ng instructions bago naglakad papunta sa kaniyang office. Naiwan akong nakatayo sa foyer kasama ang ilang empleyadong pilit na hindi nakikialam sa usapan namin.
Dinala ako ni Mrs. Dela Cruz sa guest room. Malawak iyon, may sariling bathroom, malaking kama, at walk-in closet na mas malaki pa sa dating kuwarto ko sa bahay namin. May ilang damit na nakahanda sa loob, pero wala akong ideya kung sino ang pumili ng mga iyon.
"May kailangan pa po ba kayo, Ma'am?" tanong niya.
"Wala na. Thank you."
Pagkasara ng p***o, naupo ako sa gilid ng kama at hinubad ang sapatos ko. Masakit na ang paa ko dahil sa wedding ceremony at sa ilang oras na pagngiti sa mga taong hindi ko naman kilala. Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ang ilang missed calls mula kay Mama. Hindi ko muna sinagot. Kung may sasabihin siya, malamang ay tungkol na naman iyon sa kung paano ko dapat ayusin ang sitwasyong sila mismo ang gumawa.
Makalipas ang halos isang oras, may kumatok sa p***o.
"Come in," sabi ko.
Si Nikolai iyon. Nakatanggal na ang necktie niya at nakabukas ang dalawang butones ng polo niya. May hawak siyang folder habang nakatingin sa akin.
"We need to discuss something."
Tumayo ako at itinabi ang cellphone ko. "About what?"
"Our arrangement."
Umupo siya sa armchair malapit sa bintana at inilapag ang folder sa maliit na mesa. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay may business meeting kaming dalawa sa halip na unang pag-uusap ng mag-asawa.
"Since we're legally married, there are certain expectations we need to establish," panimula niya. "You'll have access to everything you need while staying here. Financial support won't be an issue."
"At ano ang kapalit?"
Bahagya siyang napatingin sa akin. "What do you mean?"
"May ibibigay kang pera, bahay, at kung anu-ano pa. Gusto kong malaman kung ano ang inaasahan mong gawin ko kapalit ng lahat ng iyon."
"You're my wife. You'll attend important family and business functions when necessary. I expect discretion, especially when it comes to our personal affairs."
"So kailangan kong magpanggap na maayos ang pagsasama natin sa harap ng ibang tao?"
"If necessary."
Napailing ako. Hindi ko alam kung bakit parang mas lalo akong nawawalan ng gana sa arrangement na ito habang tumatagal ang usapan namin.
"May isa rin akong kondisyon," sabi ko.
Nagsalubong ang mga kilay niya. "You're making conditions?"
"Oo. Hindi ako humihingi ng special treatment. Gusto ko lang na respetuhin mo ako. Hindi ako ang babaeng pinili mong pakasalan, pero hindi ibig sabihin noon puwede mo akong tratuhin na parang wala akong sariling desisyon."
Tahimik siyang nakatingin sa akin. Ilang segundo ang lumipas bago siya sumagot.
"You're more outspoken than I expected."
"At ikaw naman, masyadong sanay na lahat ng tao ay sumusunod sa sinasabi mo."
Hindi ko alam kung natawa ba siya o nainis, dahil bahagya lamang gumalaw ang gilid ng labi niya bago niya muling inayos ang ekspresyon.
"Get some rest, Therese. We have a long day tomorrow."
Tumayo siya at kinuha ang folder. Bago lumabas, muli siyang lumingon sa akin.
"And don't expect me to change my routine just because you're here."
"I won't."
Pagkasara ng p***o, saka ako muling naupo. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nanatiling tahimik bago ako nagpasiyang maligo at magpahinga. Kinabukasan, kailangan kong harapin ang bagong buhay na hindi ko naman hiniling.
Kinabukasan, nagising ako nang maaga. Pagkatapos magbihis, bumaba ako para mag-almusal. Wala si Nikolai sa dining area, pero may isang empleyadong nagsabing umalis na raw ito para sa isang importanteng meeting.
Habang naghihintay ng pagkain, napansin kong may ilang business magazines sa side table. Kinuha ko ang isa at binasa ang headline tungkol sa expansion ng Benavides Group. Hindi bago sa akin ang pangalan ng kumpanya. Kilala iyon sa real estate, hospitality, at investments. Ilang beses ko na ring nakita ang pangalan ni Nikolai sa business news.
"Interesting, isn't it?"
Napalingon ako sa nagsalita.
Isang lalaking nakasuot ng navy blue polo ang nakatayo malapit sa entrance. May hawak siyang cellphone at nakangiting nakatingin sa akin.
"You're Therese, right?"
Tumango ako. "Yes. And you are?"
Lumapit siya at iniabot ang kamay niya.
"Santiago Arrieta."
Tinanggap ko ang pakikipagkamay niya. "Nice to meet you."
"Likewise, Mrs. Benavides."
Bahagya akong napangiti sa pagtawag niya sa bagong apelyido ko. Hindi pa rin ako sanay marinig iyon.
"You're Nikolai's wife now," dagdag niya habang umuupo sa kabilang upuan. "I didn't expect to see you here this early."
"Do you know Nikolai?"
"Let's just say we've known each other for quite some time."
May kung anong kakaiba sa paraan ng pagsagot niya. Hindi naman siya mukhang may itinatago, pero halatang hindi rin niya gustong magbigay ng maraming detalye.
Bago pa ako makapagtanong, tumunog ang cellphone niya. Sinagot niya iyon at ilang sandali akong naghintay habang nakatingin sa magazine.
Nang matapos siya, muli siyang humarap sa akin.
"By the way, Therese, may I ask you something?"
"Sure."
Sandali siyang tumingin sa akin bago nagtanong.
"Does Nikolai know that you're the one who was forced to take Corinne's place?"
Hindi ako agad nakasagot.
Dahil sa tanong niya, bigla kong naisip na baka mas marami siyang alam tungkol sa nangyari sa kasal kaysa sa inaakala ko.
Therese Lacsamana's POV"Because from what I saw tonight, they seem to think they still have the right to decide everything for you."Hindi agad ako nakasagot sa sinabi ni Nikolai. Nasa loob na kami ng sasakyan, pero hindi pa umaandar ang makina. Nakatingin siya sa akin habang naghihintay ng sagot, samantalang ako ay abala sa pag-aayos ng seat belt ko."Matagal na silang ganoon," sagot ko sa wakas. "Hindi naman ngayon lang nagsimula.""Then why do you let them?"Napalingon ako sa kaniya. "Hindi ganoon kadali.""Why?"Dumiretso ang tingin ko sa labas ng bintana. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa isang lalaking lumaking may kontrol sa halos lahat ng bagay ang pakiramdam ng pagkakaroon ng pamilyang hindi ka kayang pakinggan. Madaling sabihin na tumanggi ako, umalis, o huwag silang sundin. Pero hindi ganoon kadali kapag buong buhay mong hinintay na sana kahit minsan ay piliin ka rin nila."Because they're my family," mahinang sagot ko."That doesn't give them the right to control y
Therese Lacsamana's POV"Does Nikolai know that you're the one who was forced to take Corinne's place?"Hindi ko agad nasagot ang tanong ni Santiago. Hindi ko alam kung bakit interesado siya sa nangyari sa kasal namin, pero halatang hindi iyon simpleng curiosity lang."Yes. Alam niya," sagot ko habang ibinababa ang hawak kong magazine. "Hindi ko naman itinago sa kaniya.""Good. At least, hindi ka nagsisinungaling sa asawa mo."Bahagya akong napangiti. "Hindi ko nakikita ang dahilan para gawin iyon."Tumango siya bago tumayo. May tinanggap siyang tawag mula sa cellphone niya at pagkatapos ay nagpaalam. Bago siya tuluyang umalis, muli siyang lumingon sa akin."See you around, Therese."Hindi ko na siya tinanong kung bakit ganoon ang sinabi niya. Hindi ko rin alam kung magkikita pa kami pagkatapos nito. Ang sigurado lang ako, may kakaiba sa pagkakakilala niya kay Nikolai at sa interes niya sa kasal namin.Hindi pa ako nakakabalik sa pagkain nang tumunog ang cellphone ko. Pangalan ni Mama
Therese Lacsamana's POVHindi ko inakalang sa unang gabi ko bilang asawa, mararamdaman kong mas estranghero ako sa lalaking pinakasalan ko kaysa noong una ko siyang makita sa altar.Tahimik ang buong biyahe papunta sa Benavides residence. Nasa likod ako ng sasakyan habang si Nikolai ay abala sa pagbabasa ng mga dokumentong ipinasa sa kaniya ng assistant niyang si Adrian. Ilang beses akong napatingin sa kaniya, pero ni minsan ay hindi niya ako nilingon. Para kaming dalawang taong napilitang sumakay sa iisang sasakyan dahil wala nang ibang available na masasakyan.Nang makarating kami sa isang malaking property sa Forbes Park, agad kong napansin ang malawak na driveway at modernong disenyo ng bahay. May ilang security personnel sa entrance at dalawang empleyadong naghihintay malapit sa main door. Hindi ko alam kung dapat ba akong humanga o kabahan sa lugar na magiging tahanan ko simula ngayon."Welcome home, Sir Nikolai," bati ng isang lalaking nakasuot ng dark gray uniform.Tumango lam
Therese Lacsamana's POV"Ako ang ipinalit nila sa kaniya."Hindi agad sumagot si Nikolai. Ilang segundo siyang nakatitig sa akin habang hawak pa rin ang bouquet na dapat ay ibibigay niya sa babaeng pinili niyang pakasalan. Hindi ko alam kung ano ang mas mahirap harapin—ang malamig niyang ekspresyon o ang mga matang nakatutok sa amin mula sa mga bisitang nakaupo sa likuran."Are you telling me that Corinne isn't coming?" tanong niya."She's not here," sagot ko. "At hindi ko rin alam kung nasaan siya."Bahagyang gumalaw ang panga niya. Napatingin siya sa mga magulang ko na nakatayo sa unang hanay. Si Papa ay pilit na ngumiti, samantalang si Mama ay agad lumapit sa amin."Nikolai, we can explain everything," sabi niya. "Nagkaroon lang ng hindi inaasahang problema si Corinne, pero handa naman si Therese na—""Did I ask you?" putol ni Nikolai.Biglang natahimik si Mama.Hindi ko maiwasang mapatingin sa kaniya. Hindi siya sumigaw, pero sapat na ang tono niya para iparamdam sa lahat na hindi
Therese Lacsamana's POVMismong araw ng kasal ng nakababatang kapatid ko, ako ang pinasuot ng wedding gown na para sa kaniya.Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sitwasyon o maiiyak sa ginawa sa akin ng sarili kong pamilya. Ilang minuto na lang bago magsimula ang ceremony, pero sa halip na si Corinne ang inaayusan sa bridal room, ako ang nakaupo sa harap ng malaking salamin habang dalawang makeup artist ang nagmamadaling ayusin ang buhok at mukha ko."Ma'am Therese, konting ngiti naman po," paalala ng makeup artist habang inaayos ang lipstick ko.Sinubukan kong ngumiti, pero hindi ko rin nagawa. Paano ako ngingiti kung hindi ko nga alam kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon?Kanina lang, nakasuot ako ng simpleng dress dahil bisita lang naman ako sa kasal ng kapatid ko. Wala akong balak maging sentro ng atensiyon. Ang gusto ko lang ay matapos ang araw na iyon nang walang problema. Pero nagbago ang lahat nang malaman ng pamilya namin na tumakas si Corinne sa mismong araw ng kas







