Catalog
15 chapters
Prologue
HUMINGA nang malalim si Jaqui habang pinagmamasdan ang papalubog na araw. Nakatayo siya ngayon sa gitna ng isang tulay, sa ibabaw ng isang malawak na ilog. Malayo layo na iyon sa lodge house ng nature farm at wala na ding tao sa paligid dahil malapit nang mag-gabi. Alas-singko ng hapon ang call time para sa mga guest at ang hudyat na dapat ay nasa lodge house na ang lahat para sa hapunan. Ang sabi sa I*******m post ng nature farm, kakaibang sigla daw ang mararamdaman ng mga bumibisita sa lugar na iyon. Nago-offer ang management ng farm ng tatlong araw na educational tour. Maraming nag-komento sa post at ang lahat ay sinasabi na sobrang na-relax sila sa ambience ng lugar at pakiramdam nila ay naging masaya sila sa
Read more
Chapter 1
ILANG katok sa pinto ang nagpagising kay Jaqui. Napakamot siya sa ulo. Wala pa yatang limang oras siyang nakakatulog. Napuyat siya kaka-edit ng content niya para sa isang social media platform. Halos isang taon na niyang ginagawa ang pagba-vlog at umaasa siya na kahit papaano, kagaya ng ibang sikat na vlogger, ay kikita din siya sa ginagawa niya. “Bakit?” tanong niya habang inaantok pa. “Jaqui, buksan mo `tong pinto,”
Read more
Chapter 2
Elegante ang pulang dress na sinuot ni Jaqui para sa gabing iyon. Pinagkatago tago niya ang damit na iyon. Noong mag-resign siya sa trabaho niya sa isang kilalang corporation, pinambili niya ng mga damit ang nakuha niyang back pay sa sobrang sama ng loob niya. Nagawa kasi siyang tyansingan ng manager niya at nang isumbong niya iyon sa HR, wala man lang ginawa ang mga ito. Mas minabuti niyang umalis ng trabaho kaysa naman pababain ang moralidad niya. Imbes na magmukmok, lumabas siya at namili ng mga damit mula sa mga kilalang shop. At ang pulang dress na iyon ang pinakapaborito niya.    &nbs
Read more
Chapter 3
TUMUWID ng upo si Jaqui at matapang na sinalubong ang mga tingin ni Amigo Imperial. “I will not do it.” Nagsalubong ang kilay ng dalawalang lalaking nasa harap siya.               “Ha? What do you mean? B-bakit?” naguguluhang tanong ni Amigo. Read more
Chapter 4
“THIS can’t be happening.”               Mula sa mga pinipirmahang papeles ay napatingala si Amigo nang pumasok ng opisina niya ang campaign manager na si Aries. Mukhang dismayado ito at pagod na pagod. Kasama din nito ang ilang supporters niya.              
Read more
Chapter 5
KINUHA ni Jaqui ang baso na may lamang orange juice saka uminom mula doon. Niyaya siya ni Amigo sa café na matatagpuan sa tuktok ng museum. Mula doon ay matatanaw ang ilang kabundukan sa Rizal. Sariwa ang hangin at hindi nakakapaso sa balat ang init ng araw. Ang café na iyon ay nagkakaroon ng romantic ambience sa gabi ayon sa mga nabasa ni Jaqui. Nabubuhay kasi ang mga hanging lamps sa gabi at may pumapailanlang na malamyos na musika. Balak ni Jaqui magpagabi para masaksihan ang ganda ng lugar na iyon. Kung maiiba lang ang sitwasyon, iisipin ni Jaqui na masarap makipag-date sa lugar na iyon. Muli siyang uminom ng juic
Read more
Chapter 6
BINABA ni Jaqui ang bintana sa tabi niya nang makita ang asul na dagat sa labas. Bumungad sa mukha niya ang mainit na sikat ng araw at hangin ng dalampasigan. Pumikit si Jaqui at hinayaang tangayin ng hangin ang buhok niya. Sa ilang taon niyang hindi pagbalik sa Poblacion, nakalimutan na niyang napapalibutan nga pala ng magandang karagatan ang probinsya. Noong bata pa siya, madalas siyang dinadala ng kaniyang mga magulang sa dagat para ipasyal at turuan din siyang lumangoy. Pero kahit kailan ay hindi siya natuto. Natakot kasi siya na oras bitiwan siya ng mga ito, hindi na siya makaahon.    
Read more
Chapter 7
UMUPO si Jaqui sa tabi ni Amigo matapos niyang maghugas ng kamay. Kasalukuyan silang nasa dining area at naghihintay sa lolo niya na naghahain ng pagkain. Katulong nito ang stay out na kasambahay sa paghahain ng mga paborito niyang putahe. Talagang pinaghandaan ng lolo niya ang pagbabalik niya. Pero kahit pa masasarap ang pagkain, tila mahihirapan si Jaqui kumain dahil sa tensyong kanina pa namumuo sa paligid. Nilingon niya si Amigo na bagama’t wala ng bakas ng kaba sa mukha ay hindi pa din umiimik.               “OK ka lang?” taong n
Read more
Chapter 8
    IN-OFF ni Jaqui ang cellphone nang muling tumunog iyon sa pangatlong pagkakataon. Naka-ilang missed calls na ang kaniyang ina pero ni isang text message ay ayaw niya itong padalhan. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya matitiis ang ina pero sa ngayon ay wala pa talaga siyang balak kausapin ito. Ang sabi ni Tita Eden, paalis na daw ulit ang kaniyang mama at ang asawa nito papuntang Europe upang mag-honeymoon doon. Noong nakaraang buwan lang ay muling nag-renew ng vows ang mga ito na taon taong ginagawa. Ang sabi ng tiyahin niya, gusto daw nitong makilala ng personal si Amigo kung totoo mang nobyo niya ang binata.

Read more

Chapter 9
    MALAKAS na tawa ni Clara ang narinig ni Jaqui mula sa kabilang linya. Napakunot ang noo niya. Kinuwento niya dito ang ginawa ng lolo niya kay Amigo.               “Huy! Anong nakakatawa do’n?” nagtatakang tanong niya. Ang akala yata nito ay nagbibiro siya. Read more
DMCA.com Protection Status