The Powerful Vergaras: Hunted by Vengeance
Bata pa lang si Andreana Velasquez nang maulila siya dahil sa isang madugong ambush. Ang target sana ng pag-atake ay isa sa mga miyembro ng makapangyarihang pamilyang Vergara. Ngunit sa halip na ang mga ito ang tamaan, ang magulang ni Andrea ang nasawi—dahil kasunod nila ang sasakyang dapat sanang ambush-in. Sa isang iglap, nadamay sila sa malawakang putukan na para sa mga Vergara.
Simula noon, isinisi ni Andrea sa pamilyang Vergara ang pagkawala ng kanyang mga magulang. Bitbit ang galit at sakit, pinangako niyang hindi siya titigil hangga’t hindi niya napapanagot ang pamilyang responsable sa lahat ng kanyang pinagdaanan. At ngayon, oras na para singilin ang mga Vergara.
In-update ngayon lang
I love you, Sister
Bata pa lamang si Bianca ay pangarap na niyang maging isang madre, kaya naman kahit mayaman ang pamilya nila ay walang nagawa ang mga magulang niya nang magdesisyon siyang pumasok sa kumbento after niya makagraduate ng Business Administration sa college.
Ngunit noong gabing iyon bago niya tuluyang tanggapin na nakatadhana na siyang maglingkod sa Diyos buong buhay niya ay niyaya siya ng mga kaibigan niya na icelebrate ang last minute ng kanyang pagiging single, dahil kinabukasan ay magpapakasal na siya kay Lord. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nalasing siya at nakainom siya ng alak na may halong ecstasy. Dinala siya ng mga kaibigan sa isang kuwarto sa itaas ng bar para sana makapagpahinga, pero pinasok siya ng isang estranghero at may nangyari sa kanila.
Kahit hindi na malinis ay ipinagpatuloy pa rin ni Sister Bianca ang pagpasok sa kumbento, at pilit kinalimutan ang nangyaring noong gabing iyon. Ngunit makalipas ang dalawang buwan ay nalaman niyang buntis siya. Nanganak siya ng lihim at dinala sa bahay-ampunan ang kanyang anak, pero nalaman niya na inampon ito ng biggest donor nila sa simbahan, ang milyonaryong si Mr. Vaughn Avery. Paano niya ngayon mababawi ang anak niya? Panahon na ba para lumabas siya ng kumbento? Ito na ba ang sign na matagal na niyang hinihingi sa Diyos?
In-update ngayon lang