The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)

The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)

last updateLast Updated : 2025-07-22
By:  Georgina LeeUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
19views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Umuwi ng Pilipinas si Cyanelle Louise Natividad sa araw ng burol ng kanyang kakambal na si Chloe. Subalit kakalibing lang nila sa kanyang kapatid, inanunsyo na agad ng kanyang ama na papakasalan niya ang asawa nito na si Zach Khaleed Samaniego. Sinubukan niyang tumutol pero dahil sa malaking halaga ang utang nila sa mga Samaniego, ipinadampot nito ang kanyang mga magulang dahilan para wala siyang ibang mapagpipilian kundi sundin ang nais nito. Subalit sa loob ng pagsasama nila ni Zach, puro pait at pagtitiis lang ang naranasan niya. Parehong ayaw sa kanya ng mismong asawa niya at anak nito. May pag-asa pa kaya na maisaayos ni Cyan ang relasyon nila bilang isang pamilya? O gaya ng iba, hahantong din sila sa hiwalayan at kakalimutan nalang niya ang damdamin na noon paman niya piniling itago mula sa kanyang asawa…

View More

Chapter 1

Kabanata 1

Makulimlim ang kalangitan habang nakasuot ng kulay itim na damit ang lahat ng taong naroon. Kasalukuyan namang nakatunghay si Cyanelle Louise Natividad sa kabaong kung saan naroon ang katawan ng kanyang kakambal na si Chloe.

Kakarating lang niya ng Pilipinas mula New York para dumalo sa libing nito. Hindi siya lubos makapaniwalang sa edad nilang twenty-six years old, papanaw ang kapatid niya sa sakit na leukemia.

"Bakit ba naman kasi pinakasalan pa ni Zach ang babaeng yan eh may karamdaman naman pala."

"Tama ka. Kawawa lang si Zach, napakaagang nabyudo. Wala na ngang ambag sa pamilya nila, naging alagain pa. Siguro mas mainam na namatay nayan. Pabigat lang naman yan kay Zach..."

"Sinabi mo pa! Pero mas kawawa ang anak nila. Pitong taon palang si Zendaya at naulila na sa ina. Sino nalang ang mag-aaruga sa kanya?"

Pinahid ni Cyan ang mga luha sa kanyang pisngi nang marinig ang mga sabi-sabi ng mga kamag-anak ng asawa ng kanyang kapatid na dumalo sa burol. Pakiramdam niya parang sinisisi pa ng mga ito si Chloe na nagkasakit pero pinili niyang hindi na magsalita pa para ipagtanggol ang babae.

Bukod sa ayaw niyang makagulo, nahihiya siya. Walong taon na ang nakalipas magmula ng iwan niya ang Pilipinas at takasan ang kasal na dapat ay sa kanya. Pinili niyang mamuhay ng mag-isa at malaya habang hinayaan niya si Chloe na ipinalit ng mga magulang nila sa lugar niya.

Pagkalipas ng ilang taon, nabalitaan niyang may anak na ito at mukhang maayos naman ang pagsasama nito at ng asawa nitong si Zach Khaleed Samaniego subalit isang araw, tinawagan nalang siya ng kanyang ama na wala na ang kapatid niya.

"Patawarin mo ako at hindi man lang kita nadalaw, Chloe. Sana maging masaya ka kung saan ka man ngayon naroroon," bulong niya sa hangin habang nakatitig sa kabaong nitong unti-unti ng ibinababa sa magiging libingan nito.

Isang palahaw ang mas nangingibabaw sa buong sementeryo. Nang tingnan niya ay isang batang babae ang puno ng hinagpis na umiiyak. Kung hindi siya nagkakamali ay anak iyon ni Chloe—si Zendaya.

Katabi nito ang isang matangkad at puno ng kakisigang lalaki—si Zach, ang asawa ng kanyang kapatid. Nakasuot ito ng itim na salamin kaya hindi siya sigurado kung ano ang ekspresyon ng mga mata nito.

Makalipas ang mahabang sandali, isa-isa ng nag-alisan ang mga tao sa burol at tanging silang magpamilya nalang ang naroon. Sandali pang nag-usap ang kanyang mga magulang at ang matandang Samaniego kaya't naghintay nalang muna siya sa isang tabi para sabay na silang umuwi ng mansion.

Habang nakatayo siya sa may hallway, nakita niyang naglalakad ang mag-ama ni Chloe papalapit sa gawi niya. Pinagmasdan niyang maigi ang dalawa. Pakiramdam niya napakaswerte ng kapatid niya sa pamilyang meron ito.

Sabagay noon paman, simple lang naman ang nais ni Chloe. Ang makapagtapos ng pag-aaral, makatulong sa mga magulang nila at magkaroon ng pamilya. Taliwas sa kanya na mataas ang pangarap. Kahit papaano ay natupad iyon ng kapatid niya, hindi nga lang siya sigurado kung mahal ba ni Chloe at Zach ang isa't-isa.

Nang tumapat sa gawi niya ang dalawa, napasulyap si Zendaya sa kanya at namilog ang mga mata. "Mommy," mahina nitong sambit.

Parang may bikig sa lalamunan niya nang marinig iyon mula sa mismong bibig ng pamangkin niya. Isang sulyap ang ipinukol ni Zach sa kanya bago ibinaling ang tingin sa anak nito.

"She's not your mother, Zendaya," anito sa malamig na boses at tuluyan na siyang nilampasan.

Hinatid tanaw niya ang dalawa hanggang sa mawala ito sa paningin niya. Maya-maya pa'y napapitlag siya nang hawakan ng kanyang inang si Isabela ang balikat niya.

"Halika na. Umuwi na tayo, anak."

Tumango siya at sumunod na sa kanyang mga magulang papunta sa kotse. Nang tumapak ang kanyang mga paa sa kanilang mansion pagkatapos ng napakahabang panahon, parang nanumbalik kay Cyan ang lahat.

Masaya naman sila bilang isang pamilya noon. Nagtatrabahong pareho sa real estate company ng Samaniego Empire na pag-aari nila Zach ang mga magulang nila. Hindi man sila ganun kayaman, pero masasabi niyang angat parin sa pangkaraniwan ang estado nila. Subalit nagbago ang lahat nang makabulilyaso ng malaking halaga ang kanyang amang si Roberto sa mga Samaniego.

Napakalaking pera ang naitalo nito dahil nalulong ito sa sugal kaya naman nagbago ang lahat. Ang dating masaya nilang tahanan at pagsasama ay nagkaroon ng lamat lalo pa't ang hiniling na kabayaran ng matandang Samaniego ay pakasalan niya ang apo nitong si Zach dahil hindi naman nila kayang bayaran ang ilang bilyong pisong atraso ng kanyang ama.

Kilala niya ang lalaki dahil pareho naman sila ng university na pinapasukan at halos magkasabay lang silang lumaki gawa ng pinagkakatiwalaan ng Don ang kanyang ama sa negosyo nito.

Katunayan ay may pagtingin siya dito noon. Kaya lang malamig ang pakikitungo nito sa kanya at hindi sapat ang pagtingin niyang iyon para pakasalan ito. Eighteen years old palang siya noon. Para sa kanya, masyado pa siyang bata at natatakot siya sa responsibilidad na kakaharapin niya. Marami pa siyang pangarap at pakiramdam niya, hindi niya iyon matutupad kapag naitali siya ng maaga.

Kaya naman tumakas siya palayo sa kanila at hindi nagparamdam ng maraming taon. Walang ibang naging pagpipilian ang kanyang ama kundi ang kapatid niyang si Chloe ang ipakasal sa apo ng Don kapalit niya.

"Sit down, Cyan. May mahalaga tayong pag-uusapan," boses ng kanyang ama na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.

Tumikhim siya bago nagsalita. "Ano po iyon, Pa?" Agaran niyang tanong.

Huminga ng malalim ang kanyang ama na para bang may mabigat na bagay ang bumabagabag dito. Pinisil naman ng kanyang ina na si Isabela ang kamay ng asawa nito.

"Ngayong wala na ang kapatid mo, hindi ka na pwede pang bumalik ng Amerika para ipagpatuloy ang pagiging modelo mo."

Marahas siyang nag-angat ng tingin sa kanyang ama. "Pero Pa..."

"Nag-usap na kami ni Don Sebastian at ang nais niya ay pumalit ka sa pwesto ng iyong kapatid. Kailangan ni Zendaya ng inang mag-aaruga sa kanya at ikaw ang gusto ng Don. Pakakasalan mo ang apo niyang si Zach."

Hindi siya mapakaniwalang napatitig kay Roberto. Seryoso ba ito? Kalilibing lang ng kapatid niya tapos nais na nitong palitan niya ang pwesto ni Chloe sa buhay ni Zach at Zendaya?

"Ayoko Pa. Kawalang respeto kay Chloe ang pinapagawa ninyo sakin! Ni hindi pa nga nakapagbabang luksa ang kapatid ko!" Mariin niyang kontra.

Halos mapatalon siya sa gulat nang hampasin nito ang mesa dahil sa galit at pinanlisikan siya ng mga mata. "At anong gusto mong mangyari? Na makulong kaming dalawa ng Mama mo dahil lang sa hindi tayo nakapagbayad ng utang sa pamilya nila?! Tinakasan mo na ang responsibilidad mo noon. Inintindi ka naming lahat pati ng kapatid mo dahil bata ka pa pero ngayong malaki ka na, kailangan mo ng harapin ang kapalaran mo, Cyan. Ikaw lang ang makakapagligtas sa amin ng Mama mo."

Nangunot ang kanyang noo. "Akala ko ba tapos na ang utang mo sa kanya nang ikinasal si Chloe sa apo niya?"

Mariin na napapikit ang kanyang ama bago ito muking nagsalita. "Hangga't humihinga pa si Don Sebastian, habang buhay tayong may utang sa kanya. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, pakakasalan mo si Zach at ipagpapatuloy mo ang pamilyang nasimulan ng kapatid mo!”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status