Share

Chapter 3

“SAAN KA NA NAMAN galing?” tanong ng Mommy ni Clip. Tahimik niyang isinara ang pinto ng bahay. “Tinatanong kita, hoy, Luna,” tawag nito.

“Diyan po sa Desperados,” sagot ng bagong dating.

“Luna, ano ba naman ‘yan. May sasabihin na naman ang kapitbahay natin. Lalo na iyang katapat natin. Parang hindi mo sila kilala. Laging nagmamasid sa bintana nila,” simula ng litanya ng Mommy niya.

“‘Yon na nga, Mommy, eh. Kahit ano naman ang gawin natin, makikitsismis lang sila. ‘Yang katapat natin, simula’t sapul, binabantayan na niya ang bawat kilos ko,” ani Clip na pumasok na ng sariling kwarto niya. Sumunod ang magulang nito.

“Kaya nga, bakit kailangan mo silang bigyan ng pag-uusapan kinabukasan? Hindi ka na ba naawa sa amin ng Papa mo? Ilang beses ka namin kailangang pagsabihan?” namamalat na sabi nito.

Napatingin siya rito at tumutulo na ang luha nito sa pisngi. Hawak ng Mommy niya ang lalamunan nito. Mabilis niya itong nilapitan at tinanong kung okay lang ito.

Lumayo ito sa kanya. “Okay lang ako, ‘nak,” mabuway nitong sabi.

“Nag-away na naman kayo ni Papa?” galit na tanong ni Clip.

Imbis na sumagot ay pumikit lang ito at muling lumuha. 

“Ano na naman ang pinag-awayan niyo?” muli ay pangungulit niya. “Magsalita ka, Mommy. Hindi mamamalat ang boses mo kung ‘di na naman kayo nagtalo.”

Tinalikuran siya nito at nagkulong ito sa kwarto nito. Siya naman ay naghilamos lang at nagpalit ng damit saka umalis. Tinungo niya ang pinakamalapit na pharmacy.

Tinanguan niya ang guwardiya roon at saka pumasok. Pinuntahan niya ang section kung saan makabibili ng gamot sa lalamunan para maibsan ang pananakit ng lalamunan ng Mommy niya. 

Sa counter ay naabutan niya ang may-ari ng parmasya. “Hi, Miss Ross,” bati niya rito sabay abot ng produkto. 

“Hello, hija,” anito.

Inabot niya ang bayad dito. Pinapanood niya kung paano kumilos ang kamay nito. She looks so nurturing in those curls and duster. 

Sakitin siya simula bata pa lang siya at habang lumalaki ay nakikita na niya ito roon.  Sa pagkakaalam niya ay trabahadora dati si Miss Ross dito. Until recently, she acquired this place and not a single thing has changed. Nanatili ang mga dati nang empleyado. Kung hindi siya nagkakamali ay nabili nito ang pharmacy mula sa kamag-anak. 

She has always been the mother type in her eyes. Ang boses nitong punong-puno ng halina at unawa. Sanay na humaharap sa mga dumadaing na tao. Well, gano’n sila ng nanay niya rito. Kaunting sakit lang ay inaagapan na nila para hindi mauwi sa ospital. Laman na sila ng lugar na iyon.

“Kayo lang po?” tanong niya rito. Inabot nito ang sukli niya. 

Ngumiti ito. “Yes, hija. Hindi ka pa nasanay.”

Sinuklian niya ang ngiti nito. “Salamat po. Bye.” Umalis na siya.

Tahimik niyang binibilang ang sukli niya nang pagdaan niya sa pinto ay nagsalita ang security guard. “Bye, Clip,” pamamaalam ng sekyu.

Napatigil siya at tiningnan ang mukha nitong bakas ang saya. Hindi siya sigurado kung sinsero ang ngiti sa mga labi nito. Tinanguan na lang niya ito at sa mahinang boses ay nagpaalam.

MALAPIT NA NGA LANG ang pinapasukang school ni Clip ay late pa siya. Hindi niya naman sadya na napasarap ang tulog niya. Hindi na nga siya nakaligo. Hilamos, linis ng katawan, at toothbrush lang ang ginawa niya. Sa sobrang pagmamadali ay hindi na rin siya kumain. Sa pag-alis niya pa ay muli niya na namang naririnig ang boses ng butihin niyang ina.

Tinakbo na niya ang hallway na tinutumbok ang classroom na papasukan niya kahit istriktong pinagbabawal ang pagtakbo. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto sa likod ng classroom. Hindi siya nakaligtas sa kanyang propesora at tinigil nito ang pagtuturo nang makitang sumisilip siya at patago kung pumasok.

Nakapameywang ito sa harap nila. Mas lalong nagmukha itong masungit dahil sa cat eye glasses nito.

“Ano, miss, palagi na lang bang ganito?” ang bungad ng propesora niya.

Agad siyang naupo sa puwesto niya. 

“Kinakausap kita,” sabi pa nito. 

Hindi niya napigilang bumuntong-hininga. Nakita iyon ng galit na maestra at bumaba ito mula sa platapormang kinatutuntungan nito. “Ikaw na nga ang late, ikaw pa ang may ganang bumuntong-hininga?” anito nang makalapit sa kanya.

Tiningala niya ito at tumambad sa kanya ang cat eye glasses nito at sa ilalim niyon ay ang cat eyeliner nito. “Sorry, ma’am,” sabi niya.

“Make an excuse letter,” anito at tumalikod. “Sa labas ka magsulat. Tapos kumatok ka at saka ka humingi ng permisong pumasok.”

Wala naman siyang magawa kaya tumalima na lang siya. 

Sinasabi na nga niyang ipapahiya lang siya nito. Sinunod naman niya ang gusto nito. Hindi lang talaga ito masa-satisfy hangga’t hindi siya napapahiya. Biruin niya ba naman, sabi ay kailangang sumayaw muna siya bago pumasok. Kung ayaw raw ng sayaw, pwede namang kumanta. Sa galit niya ay pinagsarhan niya ito ng pinto at tuluyan nang hindi pumasok. 

Napakawalang-hiya talaga minsan ng matatanda. Ang lakas maka-power tripping. 

Mabilis kumalat ang apoy kaya naman hindi pa man siya nakalalayo sa classroom nila ay tumutunog na ang phone niya. Si Monique iyon. 

“Nasaan ka?” tanong nito.

“Why? Ano na namang balita ang nakarating sa iyo?” singhal niya.

“Whoa there, tiger. Relax. I’m not here to bite you. Lemme buy you a drink. Milkshake?” anyaya nito.

“I know where to find you. Stay there,” bilin niya rito saka pinutol ang linya.

Sa labas ng campus ay matatagpuan ang hile-hilerang food stall. Lahat ay nando’n na. Agad niyang natagpuan si Monique na kasama si Romano. Sa iisang campus lang sila nag-aaral kaya madali para sa kanila ang magkita during school hours.

“So,” ani Monique na inabot ang milkshake niya. Tinanggap niya iyon.

“Thanks,” aniya.

“You and the musician, huh?” tukso ni Monique.

Hindi niya ito tinapunan ng tingin. “What about him?” patay-malisyang tanong niya.

“You have a boyfriend, slut. Ano pa ang ginagawa mo sa matandang iyon?” anang kaibigan niya.

Nagpantig ang mga tainga niya sa itinawag nito sa kanya. “Slow down, Monique,” aniya. “If you’re gonna continue acting like a bitch, then go off,” banta niya rito.

“Oh, my god. What’s the tea?” patuloy nito na tila hindi siya narinig.

Tinapunan niya ng tingin si Romano. Nakikinig lang ito sa kanila.

“There is no tea, Monique,” simpleng sagot niya.

“What’s the score?” giit nito.

“He’s a friend,” sagot ni Clip. Kagat-kagat niya ang straw.

“Oh, okay. FuBu mo pala. Ba’t ngayon mo lang sinabi? Ilan ang age gap niyo?” usisa nito.

Maang siyang nakatingin dito. Lagi nang iba ang pakahulugan nito sa mga sinasabi niya. Nilalagyan ng ibang kwento. 

“I’m gonna go home. Sakit ng ulo ko. Bye,” paalam niya. Basta na lang niya iniwan ang dalawa. Nawalan na siya ng gana. Nawalan na naman siya ng ganang mamuhay. Araw-araw na lang ay ganito. Gusto nang bumaliktad ng sikmura niya. Nakakasuka. Kailangan na niyang lisanin ang lugar na ito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status