“JOAQUIN, PLEASE,” tawag sa kanya ng babae, nagmamakaawang huwag niya itong iwan. Malungkot na tinitigan ni Joaquin ang babaeng nakaupo sa kama niya. Wala halos itong saplot maliban sa suot na pang-ibaba na natatakluban ng kumot. Nagbabadya na ang mga luha ng babaeng ilang beses niya pa lang nakasama. Binalaan na niya ito noon na hindi siya naghahanap ng pag-ibig. Binigay niya lahat ng rason dito upang huwag mahulog ang loob nito sa kanya.
Bumangon si Joaquin at pumasok ng banyo. Sinara ang pinto saka tinitigan ang repleksyon sa salamin.
Wala siyang oras na pwedeng aksayahin sa isang relasyon. Hindi niya iyon kayang ibigay rito. Ginugugol niya ang oras para iangat ang sarili sa industriyang nakapagpapasaya sa kanya. Hindi madali pero handa siyang gawin ang lahat makilala lamang ang pangalan niya.
Sa totoo niyan ay ginamit niya lang ang babae para makakuha ng mga gig. Nagtatrabaho ito sa hindi tanyag na talent agency. Ito ang nagpakilala sa sarili nito at ito rin ang nagbanggit ng trabaho nito. Doon lamang siya nagka-interes dito.
Malaking bagay ang mga naibigay nitong trabaho. Pero oras na para sumulong. Nahulog na ang damdamin nito sa kanya gayong malinaw niyang sinaad na for pleasure lang ang mga pagkikita nila.
Walang babaeng tumatagal kay Joaquin. Hindi dahil hindi niya kayang tumagal sa isang relasyon. Gusto niya lang makamit ang pangarap na sumikat. Lahat ay gagawin niya para maisakatuparan iyon.
Binasa niya ang mukha at naghilamos. Ginigising niya ang kanyang diwa. Oras na para maging prangka sa babaeng nasa kabilang panig ng pinto. Labag ito sa kanyang kalooban. Naging mabuti ito sa kanya. Pero dahil ito na ang nagbigay ng dahilan para makipagkalas siya rito, hindi na niya iyon patatagalin pa.
Binuksan niya ang pinto at tumambad sa kanya ang babaeng dahan-dahan ang kilos habang nagbibihis. Nakatalikod ito sa kanya. Dinig niya ang hikbi nito.
“I was honest with you from the beginning,” simula niya. “Hindi ako nagkulang ng paalala. Hindi ko kayang patagalin pa ito kung alam ko namang hindi kita mabibigyan ng sapat na oras. Hindi lovelife ang priority ko. Alam mo iyan.”
Hinarap siya ng babae at pinunasan nito ang mga luha. “I wish you all the best in life, Joaquin.”
Nagulat siya sa sinabi nito. Parang kanina lang ay nagmamakaawa ito na huwag niya itong iwan.
“You’re a good musician, Joaquin. Work on that,” dagdag pa nito.
Natahimik siya sa sinabi nito. Tila sampal ang mga katagang binitawan nito. Gusto niyang matawa dahil iyon pala ang tingin nito sa kanya. Akala niya ay may nakita na itong tunay na potensyal sa kanya. Aanhin niya ang ‘good’? Mapapakain ba siya niyon?
Humalukipkip siya. “Thanks for everything.”
“Thank you rin. Mauuna na ako. Mag-ingat ka parati,” bilin nito.
Mabigat ang mga paang tinawid niya ang distansya nila. Tiningala siya ng babae at muli ay may sumungaw na mga luha sa malungkot nitong mga mata.
Masuyong hinaplos niya ang bumbunan nito at hinalikan ito sa noo. “Mag-iingat ka rin,” aniya.
Hinatid niya ito hanggang pinto at nang wala na ang babae ay agad niyang sinara iyon.
MATULING LUMIPAS ANG oras para kay Joaquin lalo’t marami siyang nakabinbing bayarin na dapat asikasuhin. Hinaharap niya ngayon kung saan kukuha ng pambayad sa caretaker ng bahay at lupang iniwan sa kanya ng mga yumaong magulang. Iyon ang bahay na kinalakihan niya sa probinsya ng Nueva Ecija. Inihabilin iyon sa kanya at trabaho niya ngayong pangalagaan iyon.
Dahil na rin sa hinihinging oras ng trabaho niya, hindi niya iyon personal na maasikaso. Bihira kung magawi siya roon. Naghanap na lamang siya ng makokontratang tagabantay ng bahay.
Ngayon ay hindi niya alam kung saan huhugot ng pambayad sa binabayaran niyang tao. Kailangan niyang dumiskarte lalo’t dalawang araw na siyang hindi nakapagbibigay ng sahod. Ayaw naman niyang iwan siya ng pinagkakatiwalaan niya ng bahay. Dahil kung aalis ito, isa na namang rason iyon para manakaw ang atensyon niya na pwedeng ilaan sa ibang bagay.
Meron na siyang nakatabing pera para sa kuryente at tubig na hindi naman kalakihan. Hindi na niya iyon kailangang alalahanin pa.
Nakahinga siya ng maluwag nang mag-ring ang phone niya. Nananakit na ang ulo niya at sa totoo lang ay kanina niya pa gustong talikuran ang isipin kung paano ipaliliwanag sa binabayarang tao na baka ma-delay na naman ang pagpapadala niya.
“Luna, how are you?” bati niya sa caller.
“Hello, Mr. Blue,” anang kabilang linya. “Can I come over?”
Napahawak siya sa sentido. “It’s late. Why?”
“Should I take that as a no?” piping tanong nito. “Huwag na lang din pala. Baka magalit ang Mommy at Papa.”
“Is something wrong? Are you okay? What can I do for you?” nag-aalalang tanong niya. Hindi naman tumatawag si Luna sa kanya. Nagkikita lamang sila nito kapag tumutugtog siya sa Desperados tuwing gabi. Miminsan lang din kung mag-text ito sa numero niya. Kung hindi siya nagkakamali ay ito ang unang beses na tumawag ito sa kanya.
“Naghahanap ng kausap. Is this a bad time for you?”
“Hindi naman. Do you prefer if we talk over the phone?”
Ilang segundo bago sumagot si Luna. “Hindi na lang pala muna ako lalabas. Nagpapa-good shot ako kay Mommy, eh.”
Natawa siya sa sagot nito. “Nasa bahay ka pala? Maingay kasi ang background mo.”
“Nagsa-soundtrip lang.”
“Tulog na ba si Alex?” tanong niya na ang tinutukoy ay ang boyfriend nito.
“Yes. Alam mo naman iyon, kapag oras niya, oras niya. Hindi naman ako maka-demand dahil hindi naman niya binago ‘yong routine niya para sa’kin.”
Palakad-lakad lang siya sa sala habang pinakikinggan ito. “Ang mga kaibigan mo?” Tinanong niya pa rin iyon kahit alam na niya ang isasagot nito.
“Ugh,” si Luna. “Hindi na baleng mag-isa ako. Huwag ko lang silang bigyan ng rason para pag-usapan ako.”
“Bakit ka ba napatawag?”
“Hmm.”
Hinintay niya itong magsalita ngunit nakabibinging katahimikan na lang ang sumunod. “I can come over if you want,” alok niya.
Luna scoffed. “No need, Mr. Blue. Baka kung ano pa ang sabihin nila Mommy. Tapos makikita ka pa ng mapangmatang kapitbahay namin. Eh, ‘di, talk of the town na naman ako. Hindi na nakahinga ang parents ko sa mga issue. Iniisip ko nga kung nagsisisi na ba sila na binuhay nila ako? Pwede namang pinunas na lang nila ako sa kumot or whatever. Ang saklap, ‘no? Having a kid like me. They must have seen something in me because they stopped trying to add another family member when they had me. Sabi sa akin dati ni Papa, gusto nila ng maraming anak. Nang kwestyunin ko bakit mag-isa lang ako, nagkibit-balikat lang si Papa. Pwede niya namang sabihing hindi na sila ulit nakabuo, o dahil may financial issues.”
“Luna, do you need advice or do you want to vent?” tanong niya rito.
“Hmm, I just like hearing your voice. Ang lalim. Pinapakalma niya ako. But yeah, I don’t want them to feel like shit every day because I exist—”
“Please, don’t talk like that. You’re here not because of some fancy accident. We all have a purpose to serve. Ayokong naririnig ‘yang mga negative na bagay tungkol sa sarili mo. Ayaw na ayaw ko niyan—”
Ito naman ang pumutol sa kanya. “Hindi mo ako masisisi. Mahirap mamuhay kapag kalaban mo ang mundo. You get me, right? Walang ni isang advantage. May favoritism sa itaas. Ako na ang pinakakulelat sa mga kakilala ko. Itulog ko na lang ‘to. Kesa magpuyat ako kaka-overthink. Thank you sa time, Mr. Blue.”
“Just call me anytime you want. Well, not anytime. Sleep tight, Luna. I’ll see you around.”
LUCKY STRIKE. Clip’s best friend as of the moment. Pikit ang mga matang kinapa niya ang sahig upang hanapin ang kahon ng sigarilyo. Nang may tamaan ang kamay ay hinanap niya ang butas ng kaha saka kumuha ng isang stick. Sa isang kamay ay hawak na niya ang lighter. Clipper. She remembered Monique would chainsmoke stealthily around the school premises. Ito pa ang nagagalit kapag wala siyang lighter na maiabot dito kapag nangati itong manigarilyo. She couldn’t deal with Monique’s irate attitude back then, so she started bringing extra Clipper for her. She would sometimes join Moni
NAGPUPUYOS MAN ANG galit ni Clip ay hinayaan niyang ihatid siya ni Sinatra. Kung hindi lang siya nagtitipid ay hindi siya magpapahatid dito. Kung hindi lang ito bigla-biglang pumepreno ay hindi niya nanaising mahawakan itong muli. Pagkababa ng motor ay nagpasalamat siya. Tinanggal ni Sinatra ang helmet na suot. “Take care, okay? I’ll see you around?” Nagkibit-balikat lang siya. “I’m sorry, Luna. Let me make it up to you.” Tinitigan niya ang kah
JOAQUIN WATCHED THE young lady across the table quietly. She looks like she’s truly having fun. Walang idea si Joaquin kung anong balita rito sa nakalipas na tatlong buwan sa bagong tinitirhan nito. Hindi nagre-respond si Luna sa mga mensahe at tawag niya. He was busy with his life as well. If Luna didn’t want to be bothered, Joaquin just let her be. Who knows, maybe she really needed it at the time. He just hoped nothing drastic had happened. He’s a little bit familiar with her new place. It’s not a good place to surround oneself especially if you’re pursuing an entirely different pleasure. He never tried it, but he knows a
HINDI NA ALAM NI Clip kung saan siya dinadala ni Sinatra. Basta ay sumasama na lang siya rito. Naka-turn off ang utak niya kapag may kasama siyang iba, lalo na ito. She doesn’t have to stress or think about others. Mas gusto niyang siya ang inaasikaso. Inunahan niya agad ito na magsalita pagkatapos nilang um-order.Nasa corner booth sila. Very cozy ang lighting ng paligid. They don’t use big lights inside the establishment. She’s all for that. She approves of that. She could melt right in this seat because of how warm the place looks.“What’s your regular, day job?” usisa niya rito. Nilaro niya ang napkin dispenser sa gitna ng mesa.Huminga ito n
THEY ARE NOW eating dessert. Clip happily danced when she downed her last halo-halo. Natawa si Sinatra na nakakalahati pa lang ang halo-halo nito.“Thank you so much for the treat, Mr. Blue.”“Anytime, Luna. Anytime.”“Do you want to talk to me about something? Why else would you take me out for lunch?” tanong niya rito.“Can’t I just take you out for lunch? Masama na ba iyon?”Nagkibit-balikat siya. “I know you think you’re the father figure in my life…” she trailed off. Parang papunta na siya sa pakikipag-away. Kakakain lang nila pero ang tono niya ay napaka-ungrateful na.
CLIP TRIED TO eat slowly and savor her food. She’s happy she’s eating real, real, as in real freaking food that she could stomach. Nothing beats hot soup with rice. This is one of the meals her Mommy would cook when she’s sick. This could honestly cure her, plus placebo taking effect. Hindi siya marunong magluto ngunit sinusubukan niya. Kung hindi, masasayangan lang siya ng pagkain, lalo na noong binilhan siya ng stock ni Monique ng unang gabi niya sa bahay. Ngayon ay puro siya protein bar at canned goods. Mas inuuna niya ang maria kaysa sa masustansyang pagkain. Hindi na rin naman siya makakapagluto dahil wala nang laman ang LPG tank