"Laine, doon lang ako sa gilid. Kukuha ako ng drinks!" paalam ni Tiara.
Ngiti siyang tumango. Isa-isa na ring nagpaalam sina Gabbi at Hazel. Hinayaan na niya dahil gusto niyang mag-enjoy ang kaibigan niya sa party.
Nilibot niya ang paningin. Dim light. May mga inuming nakasilid sa mamahaling baso ang pinapasa sa mga estudyanteng nagsasayaw sa paligid. Malakas din ang tugtog ng stereo.
"Jewel!" tawag ng kung sino.
Lumingon siya at nakita niya si Joseph. Nakangiti ito sa kaniya at hawak ang isang baso.
"Nasa'n si John Drail?" tanong niya.
Nagkibit-balikat ito at inabot sa kaniya ang isang inumin. "Heto, uminom ka muna."
Agad niyang tinanggap ang inabot nito at nilagok. Binaba niya ang baso sa katapat na mesa. "Ikaw lang mag-isa?" tanong niya.
"Nando'n si Drail sa kabila. Kausap ang gf."
Tumango siya. May dumaang tagahatid ng drinks sa kanila. Tinawag niya ito at kinuha ang isang basong nasa ibabaw ng tray na ha
(4 years ago...)Makitid ang daan sa Aisle at halos tingilain na niya ang matatayog na tubo sa magkabilang parte nito. Nakalabas din siya ng mansiyon na walang kasamang alalay. Hindi sa ayaw niyang may kasama pero mas malaya niyang pasyalan ang Aisle kung walang nakabuntot sa kaniya na nagpapaalala kung ano ang dapat gawin bawat minuto. Nakangiti siyang nagpaikot-ikot sa makitid na daan hanggang sa mabangga siya sa isang matigas na bagay. Napahawak siya sa noo at napatingala.Napapikit siya sa liwanag ng araw at nang masanay ay napatitig sa maiitim na mata sa ilalim ng malaking sumbrero. Natigilan siya. Nakapulupot ang matitigas nitong mga braso sa baywang niya para hindi siya matumba."May masakit ba, Miss?" tanong ng lalaki. Tiningnan pa siya nito mula ulo hanggang paa.Napalunok siya at napaatras. Bahagya siyang yumuko. "Pasensya na. Hindi ko tinitingnan ang nilalakaran ko.""Sa susunod, 'wag ka nang magpaikot-ikot dito sa Aisle. Makitid pa ang daan at baka mahulog sa ka tubuhan. H
Palagi siyang nagigising sa sahig, basang-basa sa pawis, hingal, at hubo't hubad. Sa nakalipas na buwan, ganito ang nangyayari. Ang hindi niya inaasahang malaman ay ang literal na lalaki sa panaginip niya ang siyang nagbibigay sa kanya ng pulang marka sa buong katawan. Ang problema ay ang lalaking ito ay misteryoso, at mas gugustuhin niyang magkaroon ng isang tunay na lalaki sa totoong buhay kaysa magpantasya sa isang lalaking walang mukha na laman ng kaniyang mga panaginip.~~~Si Jewel ay inaasahang maging isang mahinhin na tagapagmana ng Hasyenda Mangubat, ngunit siya ay nalulong sa mga erotikong nobela. Palihim niyang bibilhin ang mga librong iyon at itatago sa kanyang silid upang maitago ang kanyang bisyo sa kanyang mga magulang.Nag-aatubili siyang pumayag na pakasalan ang anak ng Alkalde, si Gideon Manasseh, sa pag-asang matitiis ni Gideon ang kanyang mga bisyo. Ngunit, sa kanyang pagtataka, ang kanyang bagong asawa ay mukhang mas mahigpit pa kaysa sa kanyang mga magulang.Hind
The Aisle of Medellin is the longest straight highway in Cebu. A seven and half kilometer highway from Dayhagon to Curva at the heart of sugarcane fields, which the Mangubat owns from the foundation of Medellin until the present age.The green and glorious field is the crown of Don Sebastian Mangubat and Donya Belinda Sanchez-Mangubat. And the little nipa hut at the right portion of the field is the favorite spot of their daughter, Jewel Laine.What she loves in that place is the peaceful ambiance. Nakikita niya sa malayo ang berdeng mga tubo at ang maputing kalsada ng Aisle mula sa loob ng kubo. Pero ang pinakagusto niya ay walang mga taong nag-iistorbo sa kaniyang pagbabasa.Isang 'yong magandang lugar para sa kaniyang mahilig sa pagbabasa. Preskong hangin, awit ng ibon, tahimik na lugar... talagang napaka-"Senyorita Laine! Senyorita! Narito na po ang pinabibili niyong mga libro!"
Warning: Language and Theme."Hello?"Umikhim siya. Huminga nang malalim. "Haze?" Tumingin siya sa balkonahe. "Nakauwi ka na ba?""Yep. Anong sadya mo at napatawag ka?"Bumuntonghinga siya at nagpasyang bumangon mula sa kama. Naglakad siya papunta sa balkonahe at lumabas para lumanghap ng sariwang hangin. It was passed 3 A.M. Nagningning sa malayo ang lighthouse na pagmamay-ari ng Mayor ng Medellin. Tanging kuliglig ang naririnig niya sa paligid."Nanaginip ako.""Well, that's normal.""Hindi. I mean, I've dreamed a weird dream."Natawa ang kabilang linya. "Oh, well. What's your dream little girl?"Sumimangot siya. Naisip niya ang nakangising mukha ni Hazel sa harap. "Pwede ba, Haze? Stop drinking, okay? I need someone to talk to tapos ganiyan ka pa?"Natahimik sa
Sumilay na ang araw sa silangan nang buhatin siya ni Gideon paakyat sa ibabang bahagi ng pangpang kung nasaan si Gina. Hinanap niya sa paligid si Fransisko pero hindi niya ito nakita. Umikhim siya, ilang minutong nagdalawang-isip bago binuka ang bibig para magtanong."S-Si Fransisko?""Naanod sa ilog. Ipapahanap ko kapag lumiwanag na. Kaya mo bang tumayo?"Napakurap siya, bumaling sa madilim-dilim na ilog pero wala siyang makitang kilos doon."Jewel.""A y-yes, I think so."Dahan-dahan siyang ibinaba ni Gideon. Naramdaman niya ang pagtapak ng paa sa tuyo at malamig na lupa. Inalis kasi ng lalaki ang suot niyang boots kanina at wala siyang lakas nang oras na 'yon para pigilan ito. Hanggang ngayon nga ay ramdam pa rin niya ang panginginig ng kalamnan at ang malakas na tibok ng pusong nagpapahirap sa kaniyang paghinga.Bigla na lang naghubad si Gideon sa harap niya.
Nasa labas sila ng Mansiyon at hindi pa nakakapasok dahil nakaantabay sa labas ang kaniyang ama. Madilim ang mukha ng Don nang makita siya nitong parang basang sisiw na walang inahin, pero biglang sinalo ni Gideon ang galit ng ama na para sana sa kaniya."Ako na ang humihingi ng pasensya para kay Jewel, Don Sebastian."Hinintay ni Jewel ang galit ng ama. Ngunit nagulat siya nang ngumiti ito kay Gideon. Napanguso siya.'Unfair talaga! Palagi lang siyang ngumingiti kay Gideon. I didn't even remember the last time he smiled at me!' maktol niya."Ano na naman ang ginawa ng aking unica hija at para siyang sisiw na naligaw dito sa mansiyon?" Bumaling ang ama niya sa kaniya. Pinaningkitan siya nito ng mga mata.Nagbaba na lang siya ng tingin at pinagkrus ang dalawang braso sa dibdib. Hinayaan niyang si Gideon ang magpalusot para sa kaniya. Total, pinagtanggol na siya nito. Edi lu
Takot ang lahat kay Mayor Calixto Olmedo Hernandez. Sa labinlimang taon nitong panunungkulan sa puwesto, tinagurian itong bakal na kamay ng Medellin. Ilang ordinansa ang pinatupad sa Medellin habang nanunungkulan ang naturang Mayor. Kabilang sa ordinansa ang pagbawal sa pananakit sa mga babae at ang pagpapakulong sa mga tao o organisasyong mahuhuling nag-i-illegal logging sa anumang parte ng munisipalidad. Ang nahuhuling lumabag sa ordinansa ay pinapatawan ng parusang pagkakulong o hindi kaya'y binibigyan ng karamtang multa at parusang paglilinis sa isang buong kumunidad. Kaya naman nang makita niya ang seryoso nitong mukha ay halos manginig ang tuhod niya. At nang dumapo ang matalas nitong mga mata sa kaniya ay tinakasan ng kulay ang buong mukha niya. Takot siya rito, dahil minsan na niyang nakita kung paano magalit ang ama ni Gideon sa isang local news. Simula noon ay ayaw na niyang makaharap ang Alkalde.
"What? You don't want to marry a Mayor's son?"Nairap siya sa harap ng monitor. "Yes. He told me that he is twenty-nine. I don't want to marry an old man. It's okay sana kung 4 or 5 years older pero 10 years? Come on, Tiara, that's decade gap!""That's awesome, girl. Pagtatawanan ka na naman nina Sheena niyan.""That's it! Siguradong kakalat sa school ang tungkol kay Gideon.""Gideon? What a nice name."Nangunot ang noo niya at tumingin sa screen ng Iphone. Nakita niyang nakangisi si Tiara sa camera, nagbabasa ng libro si Hazel, habang walang tao sa camera ni Gabbi. "Where's Gabbi?"Nagkibit-balikat si Tiara. "Pumunta sa banyo. Wait, Hazel? That's hot. Another erotic book?"Napatingin siya sa camera ni Hazel. Nakadapa ito sa kama at nakikita niya ang cover ng libro na isang naka-topless na lalaki. Nag-a