"Hello?"
Umikhim siya. Huminga nang malalim. "Haze?" Tumingin siya sa balkonahe. "Nakauwi ka na ba?"
"Yep. Anong sadya mo at napatawag ka?"
Bumuntonghinga siya at nagpasyang bumangon mula sa kama. Naglakad siya papunta sa balkonahe at lumabas para lumanghap ng sariwang hangin. It was passed 3 A.M. Nagningning sa malayo ang lighthouse na pagmamay-ari ng Mayor ng Medellin. Tanging kuliglig ang naririnig niya sa paligid.
"Nanaginip ako."
"Well, that's normal."
"Hindi. I mean, I've dreamed a weird dream."
Natawa ang kabilang linya. "Oh, well. What's your dream little girl?"
Sumimangot siya. Naisip niya ang nakangising mukha ni Hazel sa harap. "Pwede ba, Haze? Stop drinking, okay? I need someone to talk to tapos ganiyan ka pa?"
Natahimik sa kabila. Humugot na naman siya ng malalim na hininga bago nagkuwento. "It's weird."
"What's weird? Hello, you keep on saying weird. How can I help you if -"
"I've dreamed something."
"Yes, what now? Come on, spill."
Mariing siyang pumikit. "I've dreamt of s**."
"What, little girl?"
"Come on, I've dreamt of someone having s** to me!"
Bumulwak ang tawa sa kabilang linya. Nagusot nang husto ang mukha niya at paulit-ulit na tinampal ang noo. Kailangan pa niyang ilayo ang Iphone dahil pakiramdam niya, nasa gilid lang niya si Hazel sa lakas ng tawa.
"What's that, Laine?" Tawa. "Are you serious? You must go get some guy now."
"Haze!"
Kahit hindi niya nakikita ang sariling repleksyon, alam niyang pulang-pula na ang mukha niya sa hiya. "That's why I've said it's weird. This is the first time, Haze."
"Don't worry. I think that's normal. Tiara called me last night and she said that she and her boyfriend are doing that in her dream. Hush now, little girl."
Rumulyo ang mga mata niya. Siguradong galing ito sa Furry, isang bar house sa Bogo. "I think so."
"But... how does it feel?"
"Feel?"
Natawa na naman ang kabilang linya. "You... with someone having you know."
Nangunot ang noo niya. "Wala. I just feel... something wet down there?"
Natawa na naman si Haze. Nahimigan na niyang lango nga ito sa alak. "Is he handsome?"
"I don't think so."
"Husky, bedroom voice... with charming smile?"
"No..."
"I think you need someone to satisfy you, Laine."
"I think that guy is weird..." Inaalala niya ang lalaking kaniig sa panaginip. Alam niyang may mukha ito pero hindi niya maalala kung ano. Ang tanging malinaw sa alaala niya ay ang malalaki nitong braso at matikas nitong pangangatawan. Pero... bakit naninindig ang balahibo niya?
Napalunok siya.
Huminga siya nang malalim. "Haze? Don't sleep in your couch. Go to your bed and sleep. I'll hang up now."
"Say hi to your man of your dreams for me."
Narinig pa niya ang tawa nito bago pinatay ang tawag. Napailing siya. Paulit-ulit na huminga nang malalim bago muling pumasok sa kaniyang kuwarto. Natigilan siya nang mula sa gilid ng mga mata ay may nakita siyang nakatayo sa uluhan ng kama niya. Paglingon niya, walang tao.
Tinampal pa niya ang noo bago pumasok sa banyo para maligo.
MADILIM pa nang lumabas siya ng kuwarto at bumaba sa sala. May nakita siyang iilang katulong na naglilinis na sa mansiyon. Binati siya ng mga ito na sinuklian niya ng ngiti.
"Ang aga niyo ata, Senyorita? Hindi ko nakitang lumabas ng kuwarto si Senyorito Gideon kaya mukhang hindi niya kayo masasamahan sa labas."
Ngumiti lang siya kay Aling Teresa. "Kaya ko na. Wag mo na ring ipagkalat na lumabas ako nang maaga."
"Ngunit delikado sa labas. Madilim pa -"
"Manang..." Ngumiti siya at humawak sa magkabila nitong balikat. "Malaki na ako. Kaya ko na. Isa pa, dito lang ako sa hasyenda. Hindi ako lalabas. Promise."
Ngumiti si Aling Teresa at sinamahan siya hanggang sa labas ng pinto ng mansiyon. "Mag-ingat kayo, Senyorita."
"I will, Manang," ngiting sambit niya at tumalikod na.
Dumiretso siya sa kwadra ng mga kabayo at tama nga ang hinala niyang nandoon na si Pedro, pinaliliguan ang mga kabayo. Ngumiti ang lalaki sa kaniya at tumayo nang tuwid sa harap niya.
"Naku, Senyorita, masyadong madilim sa daan. Hindi ko mapapayagang maaga kayong umalis."
"Kaya ko na."
"Naku, Senyorita! Mas maganda yatang nandito si Senyorito Gideon at makakasiguro akong ligtas kang makakauwi 'pag sumilay na ang araw."
Pinaningkitan niya ng mga mata si Pedro. "Hindi ako nakipaglolokohan sa 'yo."
Natawa ito at naiiling na nagkamot ng batok. Tumingin ito palampas sa kaniya. "Senyorito, ganiyan po talaga katigas ang ulo ng Senyorita kaya ikaw na po ang bahala."
Nangunot ang noo niya at lumingon sa likod. Nakita niya si Gideon. Humalukipkip ito at umiling. "Such a brat. This early?" tanong nito.
Kumuyom ang kamao niya. Hindi pa siya naka-move on sa pang-iinis nito sa Aisle. Muntik-muntikan pa siyang mahulog sa motor sa bilis ng pagpapatakbo nito. At bakit gising na ang hambog na lalaki?
"Pedro!" sigaw niya. Mabilis siyang humarap ulit sa alalay pero nakatakbo na palayo ang lalaking kabalyero. Nagsisigaw ito na mag-ingat silang dalawa sa madilim na daan. Sumimangot siya. Gusto niya sanang tirisin si Pedro. Alam niyang pinagkaisahan siya ng dalawang lalaki.
Narinig niya ang tawa ni Gideon sa likuran. Humakbang ito palapit sa kaniya. "You can't ride alone. You know that, Jewel."
Naging isang linya ang mga labi niya. "Don't act as if I'm a child."
"Then don't act like a child."
"I'm not!"
Natahimik saglit si Gideon, maya-maya pa'y nagtanong. "Anong problema?"
"None of your business."
Walang salita siyang sumulong sa kwadra. Kinuha niya si Fransisko, naglagay ng saddle bago sumakay at pinatakbo palayo ang kabayo. Narinig niya ang sigaw ni Gideon pero hindi siya nakinig. Mas pinagbuti niya ang pagpapatakbo kay Fransisko lalo na nang mapansing sumunod si Gideon sakay ng paborito nitong kabayo na si Gina.
"Jewel!" sigaw nito.
Sinipa niya ang pwet ni Fransisko. Mas bumilis ang takbo nito.
"Listen to me. You're heeding the wrong way. Stop the horse!"
Pero hindi siya nakinig. Ilang araw na rin matapos mabulabog ang pamumuhay niya sa mansiyon.
Naalala niya kung paano ngumiti ang ama pagkakita kay Gideon. Anito, mapapadali ang planong pagpapatali ng dalawang makapangyarihang pamilya sa Medellin. At hindi siya tanga para hindi malaman kung anong pagpapatali ang tinutukoy nito.
Humigpit ang hawak niya sa renda ng kabayo at sinipa niya ang pwet nito. Mas bumilis ang takbo ni Fransisko.
On that unfortunate day, she knew that her life will change, lalo na nang malaman niyang sa susunod na summer ay ikakasal siya sa kaisa-isang anak ng Mayor, which turned out to be Gideon Manasseh Hernandez.
"What the -"
Huli na siguro para humingi ng tulong. Dumiretso siya pabulusok sa madilim at payapang tubig ng Ilog Medellin. Pati ang paborito niyang si Fransisko ay hindi nakaligtas sa peligro. Mabilis niyang ikinampay ang mga kamay para muling makarating sa ibabaw ng tubig. Paulit-ulit siyang nagmura sa isipan. Nanginig ang kalamnan niya at naninikip ang dibdib niya sa lamig ng tubig.
Desperado niyang hinanap ang pangpang ng ilog pero hindi niya mahanap sa dilim. Unti-unti na rin siyang nilukob ng takot. Lumangoy siya sa kung saang direksyon. Binuhos niya ang lakas sa pagkampay ng kamay at paa, at napasigaw siya nang may brasong pumulupot sa leeg niya. Hinila siya ng kung sinoman pabalik habang tinataas ang ulo niya para makahinga.
Naramdaman niya ang lupa sa likuran at napaubo siya sa tubig na nainom kanina. May kamay na marahang nagpaupo at pumukpok sa likuran niya upang mailabas ang tubig na dapat ilabas.
Nanghihina siyang napasandig sa isang matigas at mainit na bagay. Pumikit siya at paulit-ulit na huminga nang malalim.
"You, hardheaded brat. Listen to me next time, will you?"
Dinilat niya ang mga mata pero bulto lang ang naaaninag niya. Pumikit siya ulit at yumakap sa taong nagligtas sa kaniya.
#032520.10.3P
#013121.R(4 years ago...)Makitid ang daan sa Aisle at halos tingilain na niya ang matatayog na tubo sa magkabilang parte nito. Nakalabas din siya ng mansiyon na walang kasamang alalay. Hindi sa ayaw niyang may kasama pero mas malaya niyang pasyalan ang Aisle kung walang nakabuntot sa kaniya na nagpapaalala kung ano ang dapat gawin bawat minuto. Nakangiti siyang nagpaikot-ikot sa makitid na daan hanggang sa mabangga siya sa isang matigas na bagay. Napahawak siya sa noo at napatingala.Napapikit siya sa liwanag ng araw at nang masanay ay napatitig sa maiitim na mata sa ilalim ng malaking sumbrero. Natigilan siya. Nakapulupot ang matitigas nitong mga braso sa baywang niya para hindi siya matumba."May masakit ba, Miss?" tanong ng lalaki. Tiningnan pa siya nito mula ulo hanggang paa.Napalunok siya at napaatras. Bahagya siyang yumuko. "Pasensya na. Hindi ko tinitingnan ang nilalakaran ko.""Sa susunod, 'wag ka nang magpaikot-ikot dito sa Aisle. Makitid pa ang daan at baka mahulog sa ka tubuhan. H
"Laine, doon lang ako sa gilid. Kukuha ako ng drinks!" paalam ni Tiara.Ngiti siyang tumango. Isa-isa na ring nagpaalam sina Gabbi at Hazel. Hinayaan na niya dahil gusto niyang mag-enjoy ang kaibigan niya sa party.Nilibot niya ang paningin. Dim light. May mga inuming nakasilid sa mamahaling baso ang pinapasa sa mga estudyanteng nagsasayaw sa paligid. Malakas din ang tugtog ng stereo."Jewel!" tawag ng kung sino.Lumingon siya at nakita niya si Joseph. Nakangiti ito sa kaniya at hawak ang isang baso."Nasa'n si John Drail?" tanong niya.Nagkibit-balikat ito at inabot sa kaniya ang isang inumin. "Heto, uminom ka muna."Agad niyang tinanggap ang inabot nito at nilagok. Binaba niya ang baso sa katapat na mesa. "Ikaw lang mag-isa?" tanong niya."Nando'n si Drail sa kabila. Kausap ang gf."Tumango siya. May dumaang tagahatid ng drinks sa kanila. Tinawag niya ito at kinuha ang isang basong nasa ibabaw ng tray na ha
Bilog ang buwan. Hindi naman kakitaan ng takot ang mukha ni Jewel. Bagkus, nakangiti siya.Ito ang gabi kung kailan pwede siyang magsaya sa Christmas party ng Unibersidad. Walang restriction. Walang mga matang nakasunod sa kaniya."Bilis, bilis! Late na tayo!" sabi ni Hazel.Natawa siya. "Hindi 'yan. Alas-siyete pa naman kaya hindi tayo late."Nakabukas na ang ilaw sa mga gusaling nadadaanan nila. Malamig din ang ihip ng hangin at dinig niya ang taghoy niyon. Nilanghap ni Jewel ang sariwang simoy ng hangin. Amoy pa niya ang lumot dahil lumiko sila sa boy's dormitory at doon dumaan."Laine, will Simoen be there?" tanong ni Tiara.Nagkibit-balikat siya. "He should be.""Sus, kung nasa'n si Laine, nando'n naman si Simoen," singit ni Gabbi.Napangiti na naman siya. Noong nakaraang buwan lang niya sinagot si Simoen, at saktong ngayong gabi ang first monthsary nila. Wala siyang regalo kay Simoen dahil hindi siya nak
"Excuse me?" Nagusot ang mukha nito saka napabuntong-hinga. "Alam kong maganda ako pero sana naman, Mister, respito. Hindi ako komportableng sinusundan ng tingin."Umiwas siya ng tingin at nagbaba ng tingin sa relong nasa bisig. Pasado alas-dose na ng tanghali. "I should go, Miss." Nag-angat siya ng tingin. "I'm sorry for nuisance."Tumaas lang ang kilay nito saka nag-iwas ng tingin. Mabilis siyang umalis ng Treesury at naglakad papunta sa specialized para kunin ang sumbrero niya sa locker.Hindi na niya nakita si Julie sa locker kaya diretso na siyang lumabas ng UDM. Nilakad niya ang Tindog bridge at pumara ng tricycle doon."Sir, saan ho?""Sa Munisipyo.""Naku, Sir, ibang ruta po ako." Nagkamot ito ng batok saka hilaw na ngumiti. "Hanggang sa Ayl lang ako, Sir."Nagbaba siya ng tingin sa relo. Malapit nang ala-una. Patapos na ang noon break sa Mun
Elise is such a beautiful woman. Her eyes and lips are like diamonds in Gideon's eyes. Maganda ang hubog ng katawan na talagang kinagigiliwan ng kalalakihan.But not in Gideon's case.Nakawala na siya sa pagiging manyakis matapos niyang makilala si Angela sa Mantalongon. Pero kahit na gano'n, hindi pa rin nawawala sa kaniya ang paghanga sa babaeng may magandang katawan.Girl's body is like a trophy for men, atleast almost but not all.Kaya habang pinagmamasdan niya ang babaeng kasalukuyang nag-o-order sa counter ng canten ay hindi niya maiwasan isipin kung may boyfriend na ito."Hey, Gideon!"Nawala ang tingin niya sa babae at napatingin sa bagong dating. Si Julie. Nakilala niya ito noong enrollment. Transferee galing sa CNU.Ngumiti siya. "Good morning, Julie."Nilapag ng babae ang tray sa tapat niya at naupo. Tiningnan nito ang relo sa bisig. "Almost ten na. Akala ko ba pupunta ka sa munisipyo ngayon?""Pupunt
Malalim na ang gabi pero binabagtas pa rin ng kotse ang coastal road pahilaga ng Cebu. Tahimik lang ang biyahe. At may pagkakataong tanging headlight lang ng kotse ang nagbibigay liwanag sa paligid.Dumaan sila sa Argao, sa Naga, sa Mandaue, at huminto saglit sa Liloan para mag-drive thru sa isang fast food chain na bukas, bago nagpatuloy pahilaga sa Bogo."Gusto mo bang kumain?" tanong niya.Umiling si Gideon. "Just eat."Sinilip niya ang mukha ni Gideon. Nakapokus ang tingin nito sa harap pero kapansin-pansin ang pagod sa mga mata nito. Lumunok siya. Naawa siya sa asawa.Umikhim siya saka nagbukas ng topic para maaliw naman ito. "May Bible ka ba? Gusto kong magbasa."Sumulyap saglit si Gideon sa kaniya. "Sa glove compartment." At binalik ang tingin sa harap.Binuksan niya ang maliit na hinged door sa dashboard at nakita niya ang isang pocketbook size new testam