Share

Chapter 1

BREE’S POV

Three days later

When I was younger, isa din naman ako sa mga babaeng nangarap ng magarbong kasal. Having been in a relationship with Aidan for a year—at siya lang din naman kasi ang nag-iisa kong naging nobyo—I started fantasizing about our wedding. Ayun nga lang, ako pa nga ang naging kabit sa relasyon nila ni Ava.

Napailing na lang ako habang nilalagyan ng blush ang aking pisngi. Hindi ko na siya dapat iniisip. Ikakasal na ko ngayong araw at wala nang makakapigil pa dito.

Gusto ko sana ng all white wedding. Para maliwanag. Para magaan. Para malinis. Gusto ko pa nga ay ‘yung sa gubat gaganapin at makakapagpanggap ang lahat na parang mga diwata. Magkakaroon ng mga lamps at mahahabang lamesa. Gusto ko ‘yung rustic feeling ang theme. At syempre, higit sa lahat, gusto ko ikasal ako sa lalaking mahal ko.

Wala ang lahat ng iyon ngayong araw.

Nakasimpleng bestida lang ako na puti at nasa isang kwarto ng hotel na pagmamay-ari ng pakakasalan ko—ang lalaking hindi ko mahal.

“Ate,” sabi sa’kin ni Maeve habang kinakabit ang belo sa ulo ko. Bakas sa mukha niya ang pag-aalinlangan at kagustuhang umiyak.“Sigurado ka ba?”

Nanginginig ang aking laman. Gustuhin ko mang lumuha, hindi ko ito magawa. Hindi pwedeng makita ni Maeve ang takot na nararamdaman ko. “It’ll be fine,” sabi ko sa kaniya at hinawi ang kaniyang buhok. “It’s not like he’s going to kill me, right?”

Tumulo ang luha ni Maeve at pinunasan ko ito. “You don’t have to worry so much. I don’t think naman na lugi ako sa kaniya, ‘di ba?” pagbibiro ko.

Natawa naman si Maeve. Noong isang araw kasi hinanap namin kung anong itsura ng lalaking mapapangasawa ko. In fairness naman sa kaniya at may kapogian siyang taglay.

Kinuha ko ang dalawang kamay ni Maeve. “Once I’m settled in my new house, I’ll come get you, okay? Hindi naman kita iiwanan do’n kay daddy at sa mahadera nating step-mom. Just hold tight.”

Tumango lang si Maeve sa’kin. Alam kong puro pangako na ko sa kaniya. Nang matapos akong magkolehiyo, nagtrabaho ako kaagad para magkaroon ng sarili kong pera. Kung aalis na kami sa puder ng tatay namin, alam ko namang hindi niya kami susustentuhan. Kailangan ko ng pangbayad ng bahay at matrikula ni Maeve kaya ipon ang prioridad ko.

Three days ago, a bomb was dropped on us by our father. “May bago tayong business deal. Ang problema nga lang, gusto niya ng insurance na tatapusin natin ang construction ng bago niyang hotel. He’s asking one of you girls to marry him.”

Natameme lang kaming dalawa ni Maeve at nagkatinginan na parang seryoso ba ‘to?!

“If neither of you will volunteer, si Mr. Carnell na lang ang papipiliin natin. Although, I think he prefers you, Mae—“

Humampas ang palad ko sa lamesa kasabay ng aking pagtayo. “AKO NA!”

Umangat ang tingin sa’kin ni daddy. “Very well, Brianna. I like the initiative. Bumawi ka sa pamilyang ‘to dahil sa kahihiyang dinala mo sa’min sa pagiging kabit ng tanga mong ex-boyfriend.”

Hindi ko naman alam, gusto kong sabihin, pero tumayo na si daddy.

“Dinner’s over. You’ll get married in three days.”

And that was it. That was the same day that I found out that I was a mistress. By nighttime, I was already engaged to a man that I don’t even know.

Bumukas ang pinto ngayon at binitawan ko na si Maeve. “Pinapatawag na po kayo ni heneral,” sabi ng sekretarya ng daddy ko.

Pinilit kong maglakad ang mga paa ko. Naunang pumasok sa kwarto kung saan gaganapin ang kasal si Maeve. Hindi ko akalaing kailangan ko pa rin pala ng bridal entrance kahit na ganito ang sitwasyon. Walang ibang bisita kundi kami-kami lang.

Ni walang background sound nang bumukas na ang mga pinto. Gusto ko pa sanang mapatungo dahil lahat sila ay nakatingin sa’kin habang mabagal akong naglalakad, pero nang makita ko kung sino ang nasa dulo ng lakaran, parang nanglambot na lang ang aking mga tuhod.

Si Heath Carnell. The man who will be legally mine in a few minutes.

Mas gwapo siya sa personal. Pero hindi ‘yung gwapo na inaasahan ko. ‘Yung gwapo niya ay ‘yung tipong gugustuhin mo na lang magtago sa loob ng bahay. His face screams danger. Parang lahat ng stopsign biglang umilaw sa harapan ko. At the same time, ito din ‘yung tipo ng gwapo na ayaw mong makita ng iba dahil aagawin sa’yo.

His face is strong. Mukhang kaya nang pumutol ng marmol ang kaniyang panga. Matangos ang ilong at may kasingkitan ang mga mata. Ang suot niyang suit ay bagay na bagay sa kaniyang tangkad at katawan.

Hindi ako ‘yung babae na gusto ng sobrang machong lalaki. Basta mahal ako ‘yun na. Pero hindi ko din maintindihan kung bakit parang nanghihina ako dahil alam kong kaya niya kong ibalibag sa kama? May hindi mapaliwanag na pananabik sa mga hita ko.

Pagdating ko sa harap ng judge, nagsimula na kaagad ang seremonya. Mahigpit lang ang hawak ko sa tangkay ng mga bulaklak. Nagliyab naman ang aking mga pisngi nang hindi alisin ni Heath ang pagkakatitig niya sa’kin.

Tinaasan ko siya ng kilay. Tumingin ka nga sa iba!

Kumunot naman ang kaniyang noo. Bakit ako titingin sa iba?

Pinanlakihan ko siya ng mga mata. DALIAN MO!

Thankfully, sumunod naman siya at sumulyap sa kaniyang mga paa. Ayun nga lang, unti-unti ding umangat ang kaniyang tingin. Napanood ko ang mabagal na pag-akyat ng kaniyang mga mata mula sa aking paa, sa suot kong bestida, at tila nag-parking sa aking dibdib.

“Pst,” sabi ko sa kaniya at nagtama ang mga mata namin.

Nginisian lang ako ni loko.

Aba, manyak pala ‘to!

Bago pa ko kabahan, patapos na ang aming kasal. Ito lang ‘yung tipo na three-minute wedding. Nagpalitan na kami ng vow at inabot sa kaniya ang mga singsing.

Sa init ng kamay niya, tsaka ko lang napansin ang sarili kong panglalamig. Pinagmamasdan niya ko habang sinasabi ang katagang:

“Brianna, I give you this ring as a symbol of my love with the pledge: to love you today, tomorrow, always, and forever.”

Biglaang nagkaroon ng mga luha sa’king mga mata. Masyadong matamis at intimate ang msa salita na naiiyak ako dahil sana totoo na lang.

Binalik ko ang pangakong iyon habang sinusuot ang singsing sa kaniyang mahabang daliri. Wala manlang spark. Ang tanging naramdaman ko lang ay ang gaspang na kaniyang palad.

Nagsalita na ang judge at nasarado na ang kapalaran naming dalawa. “By the power vested in me by the state, I now pronounce you husband and wife!”

Walang halik na kailangan at pinwersa kong ngumiti ang aking mga labi habang nagpalakpakan ang iilang tao sa kwarto. Nagkaroon ng saglit na picture taking. Ni wala manlang handaan pagkatapos.

Ang tatay ko may kailangan pang puntahan at mabilis na nagpaalam na para bang hindi niya binenta ang isa sa mga anak niya para lang sa isang business deal.

Okay lang, sabi ko sa aking sarili nang yakapin ko si Maeve bago siya umuwi. Kakayanin ko ang lahat para sa kaniya. Pagtapos nito, magpapakalayo na kami at hindi na nila kami ulit makikita.

But for now, this is my first day of being Mrs. Carnell.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ang bilis naman ng kasalang Bree T Heath
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status