BREE’S POV
A week later
Mabilis akong bumaba ng hagdan nang marinig ko ang doorbell. “SANDALI!”
Halos matapilok at mabali ang leeg ko sa bilis ng aking mga hakbang. “Hi!” sabi ko pagbukas ko ng pinto at mabilis na naglaho ang aking ngiti. “Who are you?”
Matangkad at brusko ang lalaking tumambad sa’kin. Nakasuot ito ng sunglasses at bitbit ang kaniyang duffel bag sa kaniyang balikat. “Rainer Arley,” pakilala nito. “Pinadala ako dito ni General Chrysanthe.”
“Ah!” sabi ko lang at binuksan pa lalo ang pinto para makapasok siya. “You’re the bodyguard he was telling me about.”
Confused pa rin ako kung bakit kailangan ko ng bodyguard. But my father insisted on it. Baka naman kahit paaano, natakot din siya na may kasama akong hindi ko kakilala sa loob ng bahay—but then ang naging solusyon lang niya ay maglagay pa ng isang lalaking hindi ko din naman kakilala.
Men and their brains. Hindi ko din gets.
Binaba nito ang sunglasses at parang bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit ba ang lakas ng dating ng mga lalaking nasa law enforcement? Bilugan ang mga mata nito at mataas ang cheekbones. Ang lapad ng balikat at matipuno ang pangangatawan.
Ang mga mata nito ay gumala sa mataas na ceiling at maluwag na sala at daan papuntang kusina. “Clearly, you need more security in the house. First things first, don’t open the door that quick.”
Napairap ako. Great. My dad can’t torture me because I already moved to Heath’s new house, so he sent someone to do it for him.
Mabilis ko siyang inikot sa bahay at pinakita ang kwarto niya sa first floor. “Do you need anything?” tanong ko sa kaniya.
Umiling lang ito.
“Good,” sabi ko. “Because I need help with unpacking. Okay lang naman magpatulong ako, ‘di ba?”
Tinignan lang ako nito na para bang hindi siya makapaniwala sa tinanong ko sa kaniya. “It’s just for the meantime,” mabilis kong dugtong. “Wala pa kasi kaming maids so ako lahat gumagawa.”
Suminghap lang ito nang malalim at sumunod naman sa’kin paakyat kung saan ako nag-aayos bago pa siya dumating. Nagd-decorate ako ng kwarto ko and Rainer has proven himself to be useful with drills and hammers.
“So, bakit ikaw ang napili ng dad ko?” tanong ko at inabot sa kaniya ang isang picture frame na may mukha ng aking ina.
“Top of my class. Simula nung bata palang ako kilala ko na si General.” Sa tono ng boses niya, parang sinasabi niya sa’kin na ‘wag na kong magtanong pa.
“Bakit ka nag-apply for this job?”
“Hindi ako nag-apply,” masungit na tugon nito sa’kin. “It was offered to me. I was the first choice.”
Napakagat ako sa loob ng aking mga pisngi. Bakit ba ko napapalibutan ng mga mayayabang na lalaki? Bakit ba ganito ang buhay ko?
“Why did you take it?” tanong ko pa.
“Dahil gusto ko,” sagot lang niya.
Hindi na ko nag-follow-up dahil mukhang puro malabong sagot lang naman ang makukuha ko. Siguro nga’t dapat naiwan na lang siya doon sa kwarto niya para hindi na ko nahihirapang makipag-usap.
“What about you?”
Napaangat ang ulo ko sa gulat na siya ang kumakausap sa’kin. “What?”
“Bakit hindi mo suot ang wedding ring mo?”
Napakagat ako sa aking mga labi. “Hindi ko naman kailangang suotin araw-araw, ‘di ba?”
Nagkibit lang ang mga balikat nito. “Your body your choice, I guess.” Bumaba na siya ng hagdan at nagsimulang ligpitin ang laman ng toolbox.
Hindi ko mapigilan ang sarili kong magtanong. “Do you know… I mean… alam mo ba kung ano ‘tong kasal na ‘to?”
“Mas gusto kong hindi ko alam. I’m just here to do my job. Nandito lang naman ako para bantayan ka. Hindi naman ako nandito para makitsismis.”
Tumango ang ulo ko. “Okay.”
Akala ko pa naman magkakaroon ako ng kaibigan. I honestly thought na medyo may-edad na ang ipapadala ni daddy. Iyong mga tipong madaling makasundo. Ang hindi ko inasam ay magiging mas yelo pa yata ‘to kaysa sa asawa ko.
Tumayo si Rainer at napaatras ako dahil hindi ko alam na ganoon na pala ako kalapit sa kaniya. “I’m here to protect you. Let’s not elaborate further. In short, I have to keep you alive.”
Tumango lang akong muli.
“Please, try not to put yourself in situations wherein you might die. Okay?”
Isang pilit na ngiti lang ang binigay nito sa’kin bago lumabas ng aking kwarto.
Ang suplado. Akala mo naman kung sinong gwapo. Well, gwapo naman talaga siya.
Naupo muna ako sa kama at nagkalkal sa’king cellphone. Mabuti na lang at walang message ngayon si Maeve. Araw-araw na kong nag-aalala sa kaniya dahil hindi ko na siya nakikita parati. Ngayon, nasa klase ito.
Hindi ko pa kasi nasasabi kay Heath na balak kong patirahin si Maeve dito sa bahay. Halos hindi naman kasi kami nag-uusap. Ni hindi nga kami nagkikita. Maaga siyang umaalis at gabing-gabi na kung umuwi. Magkaiba rin ang kwarto namin at ang yabag lang niya sa hagdan ang nagpapaalam sa’kin na nandito na siya sa bahay.
I drop to my back and stare at my ceiling.
Ganito na ba ang magiging buhay ko hanggang sa matapos ang bagong hotel? Kakayanin ko ba makasama sa bahay ang estranghero kong asawa at ang bodyguard kong iritable?
Nope, sagot ko sa aking sarili at bumangon para magbihis.
There are so many things going wrong in my life and I don’t intend to pile more things to it.
Kung hindi namin kayang magmahalan ni Heath, then we should at least be friends. Matagal-tagal din kaming magsasama. Sana manlang we would get to know each other enough that we’ll be able to live under one roof.
Ni hindi manlang kasi nage-effort si Heath. Matapos ang kasal namin at inuwi niya ko dito sa bahay, hindi na niya ko kinausap at nagkulong sa kaniyang opisina. Kahit saluhan manlang ako sa pagkain hindi niya magawa. Nag-uusap lang kami tuwing kinakailangan lang.
Kaya ako na ang gagawa ng paraan. Hindi rin naman ako si Maria Clara para magpakipot.
Kinatok ko si Rainer sa kwarto niya at nakita kong naglilipat siya ng kaniyang mga gamit sa mga drawer. “You’re coming with me,” sabi ko sa kaniya.
“Saan?”
Ngumiti ako at pinakita sa kaniya ang wedding ring ko. “We’re going to see my husband.”
HEATH’S POV If you’re going to ask me why I’m still managing Anino—the mafia, it’s not because of the money. I have plenty enough of that to last me lifetimes. Pero bakit nga ba? It’s more about the constant thought of getting caught. Of living my life always right on the edge. It enables me to live my life to the fullest, every single second of it. You know, that feeling that makes your heart pounds? I want that everyday. Alam ko namang hindi ako tatanda. Well, I have hopes. Pero hindi na ko umaasa. As I’ve said before, mafia lords tend to die young.
BREE’S POV“Bakit ang tagal mong mag-video? Kanina pa tayo nakatayo dito.”Umikot ang mga mata ko sa sinabi ni Rainier. “Sabi ko naman kasi ako na lang mag-grocery eh! Therapy ko kaya ‘to. If you’re so bored, go ahead and wonder around.”“Ano pang silbi ko kung hindi kita sasamahan kung sa’n ka pupunta?”“Fine, just go to the meat aisle. Kitain na lang kita do’n. I know you need your protein.” Masama pa ang tingin sa’kin ni loko bago nagsimulang lumayo. “And get some for Heath, too.”Rainier snorts as he turns his back on me.Finally, some peace. Ayaw kasing umayos ng camera ko ngayong araw para sa vlog. Malapit na kasi akong
HEATH’S POVAng weird sabihin na maayos ang buhay namin nang ilang araw. Tina-try pa din naming i-trace kung sino ang mokong na ‘yun na nag-hack sa system namin. Pero masyadong malinis. Hindi ko alam kung paano namin siya mahuhuli.“You suck at this, Rainier!” reklamo ni Maeve pagpasok ko ng salas.“What?!” tugon naman nito.Nasa carpet ang dalawa at parehong may hawak na controller.“You’re supposed to be good at this,” dismayadong sabi ni Maeve. “Akala ko ba militar ka? Why can’t you shoot at this kind of games?!”Natatawang sumagot si Rainier. “Well, it’s di
HEATH’S POV“System breach,” bungad sa’kin ni Eli paglabas ko ng elevator. “I think they are trying to get information that they could possibly leak.”“What’s happening now?”Pumasok na kami kaagad sa opisina ko.“No other threats?”“None as of the moment,” sabi ni Eli habang nakatingin pa din sa tablet niya. “Matindi ang IT team nito. Ang nakakapagtaka lang, kung nabuksan nila ang system at kaya nilang pabilisin ang pagkuha ng data natin pero…”“Pero ano?” tanong ko pagkaupo ko.“Pero hindi nila tinutuloy
BREE’S POV“I can come with you if you want,” ang sabi sa’kin ni Heath nang sabihin ko sa kaniyang pupunta ako sa bahay ng daddy ko.“It’s fine. I can handle it,” lang ang naging tugon ko. Sinamahan ako ni Rainier.“You’re quiet,” obserba ko sa kaniya. “You’re giving me the feeling that you don’t really agree with what I’m doing.”“Your dad is my boss. I don’t speak against my higher ups. Besides, it’s a family matter. I can’t comment on it.”Some part of me is wishing that he would say something. Na parang ma-comfort ako na tama ‘tong ginagawa ko. I hardly go against my father’s wishes. A
BREE’S POVIsang oras din ang tinagal ng byahe namin bago kami nakarating sa presinto. Nang makita ako ni Maeve, ni hindi manlang ako binati nito. Malamlam at antok ang ekspresyon ng mukha.“Where the hell were you?” tanong ni Heath kay Seth. “You were supposed to keep an eye on her.”“Nasa bahay na siya kagabi,” depensa ni Seth na mukhang aligaga din dahil napapagalitan siya ni Heath. “Hindi naman siya nagsabi na lalabas siya.”“Ano ba nangyari?” tanong ko.Ngayon ko lang nakita nang malapitan si Seth. Huli ko siyang nakita may mga dugo pa sa balat niya dahil doon sa palaro sa Anino. Ang laki niya pala talagang bata. ‘Yung tipong gustuhin nga tala