Share

Parent's Plans

Mabigat ang katawan ni Islet ng bumangon siya. Napatingin siya sa side table niya at napatitig sa alarm clock niya, ang tagal niya palang nakatulog. Dala na din siguro to ng puyat at dahil sa mga nangyari kagabi, maybe she was just worn out. Usually kasi ang aga-aga niyang magising at nakakapag jog pa siya niyan. 

She opened the blinds on her room just to check kung matindi ba ang sikat ng araw, gusto niya pa din kasing mag jog kahit na 7:30 na ng umaga. She prepared herself and she just wore her leggings and sports bra. Nagdala na din siya ng tubig, at the very least ay ayaw niyang mamatay due to heat exhaustion kung sakali mang napakainit. 

Pagbaba niya ay nakita niya ang kanyang mommy kasama na din ang ama niya, nag-aalmusal na ang mga ito. Hindi niya na lang pinansin ang mga ito. Nandoon din pala sina Xavier at ang mga magulang nito, hindi niya alam kung bakit sila nandito, wala din naman siyang pakialam. She heard her mom calling her pero dire-diretso lang siya at hindi man lang lumingon dito.

She ran for a couple of meters and lakad ulit, ewan niya ba but her mind is too clouded right now at hindi niya kayang mag focus sa ginagawa ng exercise. She stopped at a coffee shop nearby, napagdesisyunan niyang wag na lang ipagpatuloy ang pag eexercise ngayong araw dahil hindi niya din naman magagawa 'to ng tama, maglolokohan pa ba sila ng sarili niya?

She just ordered a latte and a croissant, ayaw niyang mag-almusal sa bahay nila at makasabay sa pagkain ang mga magulang niya. Siguro pag-uwi niya ay tapos na ang mga ito sa pagkain pero ayaw niya pa ding dumulog sa hapag dahil alam niyang nandoon sila. 

Dire-diretso lang siya pagkauwi niya, hindi na siya nagabalang tingnan ang mga ito. Nasasaktan pa din siya kapag naaalala niya ang mga nangyari kagabi kaya ganito ang pakikitungi niya sa parents niya ngayon. Sanay na naman siguro sila sa ugali niya, kaya bahala na. 

"Ma'am Islet pinapababa ka po ng Dad ninyo" sabi pa ng Yaya Tessy niya sa labas ng pinto ng kanyang silid.

Wala siyang magagawa dahil nga pinapatawag siya, kahit pa galit siya sa Dad niya ay ayaw niya pa ding masabihan na hindi niya nirerespeto ito. Bahala na, wala namang sense kung patuloy niyang iiwasan at pagtataguan ang mga ito dahil they are living in the same roof.

"Have you eaten?" Tanong ng dad niya.

Tumango lang siya, as long as she can ay hindi siya nagsasalita. Narinig niya naman ang buntong hininga ng dad niya dahil sa ginagawa niya.

"Please umupo ka muna iha." Ani pa ng Mom niya at pinaghila pa siya ng mauupuan.

What has gotten into them? Bakit napaka-gentle naman ata nila ngayon sa kanya, parang kagabi lang ay nasampal pa siya. Naupo na lang siya habang nakayuko pa din. Pansin niyang nandito din sina Tita Lisa, Xavier at Tito France.

"Iha may sasabihin sana kami sa iyo, sa inyo ni Xavier." Sabi pa ni Tita Lisa na pinaglipat-lipat ang tingin sa kanya at kay Xavier

Naguguluhan tuloy siya kung bakit naman kaya nasali si Xavier sa usapan, dahil ba ito ang sumundo sa kanya kagabi at nadawit na lang bigla ang pangalan nito? May scandalous rumours ba tungkol sa kanya dahil sinundo siya nito sa prisinto?

Naguguluhang tumingin siya sa gawi ng Mommy niya. Naghahanap ng kasagutan ang mga mata niya, hindi niya na alam kung ano ang nangyayari. Seryoso namang nagbalik ng tingin sa kanya ang mommy niya bago ito nagsalita.

"Napagdesisyunan naming mga magulang ninyo na ipagkasundo kayong dalawa." Anunsiyo pa ng mommy niya.

She could not process what she told her. Totoo ba ang narinig niya? Is she imagining things? Bakit? Why would they suddenly do this to her?

"Mom, you are kidding right?" Tanong niya at bakas sa boses niya ang pagbabakasakaling mali lang ang pagkakarinig niya sa mommy niya.

Akala niya talaga ay biro lang but when her mom told her that she's not joking at all ay parang nabuhay ang kinikimkim niyang galit sa kanila. She could not control her anger, gusto niyang manumbat. Pwede naman sanang kausapin na lang siya ng mabuti tungkol sa mga mali niya, bakit kailangan pang umagot sa ganito? Bakit kailangan nilang pangunahan ang mga desisyon niya sa buhay?

"Islet, listen, gusto lang namin na secured ang future mo kaya ipapakasal ka namin kay Xavier. He's a good man at alam namin na aalagaan ka niyang mabuti." Wika pa ng kanyang ina na sinubukan pa siyang hawakan. 

"Mom, this is insane! I am capable! Not because you have seen all the shits in my life ay ico-conclude ninyo agad na kailangan ko ng lalaki para tumino! No! Hinding-hindi ninyo ako mapipilit na magpakasal sa kanya!" Sigaw ni Islet habang pulang-pula ang mukha dahil sa galit.

The least she want to happen today is yung magkasagutan sila ng Mommy niya dahil ayaw niyang masundan na naman iyong nangyari noong nagdaang gabi, but this is too much and she can't handle the irritation that she's feeling now. She's dismayed dahil inaakala nilang asawa ang kailangan niya, hindi ba nila nakukuhang gusto niya lang naman ay atensiyon mula sa kanila?

"Shut up Islet! Just for once ay sundin mo kami ng Mommy mo! You are going to marry Xavier and that's final!" Sigaw ng Dad niya na may pinalidad sa boses.

Mas lalo tuloy siyang nanghina nang dahil sa sinabi ng Dad niya, alam niya kasing wala siyang laban sa mga desisyon nito. Napaiyak na lang siya, she could never imagine a life with a man who does not own her heart. Sumusobra na ata sila sa mga desisyon nila para sa kanya.

"But Dad–" She tried to protest but she was cut off by her dad.

"No buts Islet. Kung ipipilit mong hindi ka magpapakasal kay Xavier ay itatakwil kita bilang anak." Pagbabanta pa ng Dad niya.

Para namang tinakasan ng dugo si Islet sa narinig, ganito na lang ba kadali para sa tatay niyang ipagkanulo siya sa lalaking hindi niya mahal? Nanghina man ay pinilit niyang makaakyat sa kwarto niya. Doon niya ibinuhos ang lahat ng luha na kanina pa gustong kumawala sa mata niya.

Sa kabilang dako nama'y napabuntong hininga na lang si Miranda sa inasal ng anak. Inaasahan niya na ang bayolenteng reaksiyon dito, kung siya man ang nasa posisyon nito ay nasasaktan din siya kung tatanggalan siya ng karapatang mamili ng taong mamahalin. Falling in love is the best feeling in the world, although she don't want to snatch away Islet's freedom of finding true love ay natatakot pa din siya na sa isang kagaya lang ni Damien mapupunta ang anak.

Her friend, Bellissa, suggested her na mas mabuti dawng ipakasal na lang si Islet sa unico iho nito. At that time para siyang makakita ng liwanang at pag-asa. She won't mind na magpapakasal ang anak just for convenience kung si Xavier lang din ang mapapangasawa nito kasi mabuting bata ito.

Syempre pumasok din sa isip niya na baka hindi rin gusto ito ni Xavier ngunit agad namang pumayag ang binata at sinabing walang kaso daw ito sa kanya dahil hindi na naman iba si Islet para sa binata.

"Ako na ang kakausap sa kanya Mira, tutal ideya ko naman lahat ng ito." Sabi pa ng kaibigang si Lisa at tinapik ang kanyang balikat.

Pumanhik naman si Lisa sa ikalawang palapag kung saan naroron ang silid ni Islet. She wants to explain to her about her intentions kung bakit niya gustong ipakasal sina Xavier at Islet.

"Islet, iha, this is Tita Lisa. Can I come in?" Tanong niya pa habang naghihintay na pagbuksan siya ni Islet ng pinto.

Matagal bago sumagot si Islet sa loob, akala niya nga hindi na siya kikibuin nito ngunit pinagbuksan pa naman siya ng pinto nang dalaga at pinatuloy sa sarili nitong silid.

"First, I want to say sorry to you for what had happened earlier." Pagsisimula niya pa

"It was my idea Islet. Grinab lang ng parents mo because they are desperate to see you settled in the near future. Nababahala kasi sila na ang isang kagaya lang ni Damien ang mapapangasawa mo. They are just trying to be practical Islet dahil ayaw nilang mapahamak ka sa susunod." She continued.

Napabuntong hininga na lang si Islet, hindi niya akalain na wala na palang tiwala ang mga magulang niya sa kanya dahil pati sa pagpili ng magiging karelasyon ay pinagdududahan na siya ng mga magulang. May standards din naman siya pagdating sa mga lalaki. Yes she has a terrible dating history and mostly boys with unpleasing personality ang nali-link sa kanya but she also wants to marry a responsible man.

"Tita, alam ko naman po na you mean well nung sinuggest ninyo iyon but I want to marry the person because I love him, not because I can guarantee a secured future with him." Wika niya pa.

"Well Islet, hindi naman mahirap mahalin si Xavier. I know, in due time, the two of you will fall in love at ipagpapasalamat niyo pa na ipinagkasundo namin kayo." Sagot naman ni Tita Lisa habang hawak ang kamay niya.

Sa loob-loobb niya ay parang gustong matawa ni Islet dahil sa sinabi ni Tita Lisa, kung alam lang siguro nito kung gaano kasama ang tingin ni Xavier sa kanya, kung paano siya trinato kagabi ng binata ay baka hindi ito masabi ng tita niya. Si Xavier mamahalin siya? That's beyond impossible at alam niyang hinding-hindi mangyayari.

"Tita, salamat po sa concern ninyo but please take back your words. Sabihan niyonna lang po ang parents ko na hindi niyo na kami ipapakasal ni Xavier, nangangako po ako I'll quit partying at magtatrabaho na po ako. Titibo na po talaga ako just please tell my parents that the marriage will be called off." Pagsusumamo niya pa dito, kulang na lang ay halikan niya ang mga kamay nito para lang mapapayag ito sa gusto niya. 

"I doubt it Islet, I can't help you with that. Narinig mo naman siguro ang sinabi ng dad mo kanina diba? Sa ayaw at gusto mo, ipapakasal kayong dalawa. I'm sorry darling but we all think this is the best for you." Pahayag nito bago siya nito iniwan sa loob ng silid niya.

Bagsak ang balikat niya ng marinig ang sinabi ni Tita Lisa. Kahit anong pakiusap niya ay sarado na talaga ang utak nito at hinding-hindi na siya makakatakas sa plano ng mga itong ipakasal siya kay Xavier. She don't think that they want to do it for her sake, this isn't the best for her, katumbas ng pagpapakasal kay Xavier ay isang hawla na ipapamukha sa kanya kung gaano siya kasama, lalong-lalo na ang pinanggagawa niya. 

She must think of ways para hindi matulog ang plano ng mga magulang, she must not sulk in her room! Kailangan niyang kumilos, she don't want to be trapped in a marriage with no love, just hate. Kailangan niyang makausap si Xavier tungkol dito dahil nasisiguro niyang hindi bukal sa loob ang pagsasang-ayon nito sa naturang kasal. Kailangan niyang mahanapan ng butas si Xavier.

"Maybe he have a girlfriend!" Sigaw niya sa utak niya!

She tried calling Xavier but his phone is out of reach. Nakailang subok na siya ngunit wala talagang sumagot ng telepono. Naibato niya na lang sa kama ang cellphone dahil sa iritasyon. Damn that monster! Ayaw niya namang bumaba at tanungin si Tita Lisa kung nasaan si Xavier dahil paniguradong nandoon ang mga magulang niya at magkakasagutan na naman sila.

She's prancing around the room, thinking of ways on how to get in touch with the man. Bakit ba kasi biglang MIA ito ngayong kailangang-kailangan niya ito? At kung kailan naman ayaw niya itong makita ay doon naman eepal ang lalaki. Tama nga ang kasabihang, always expect the unexpected.

Gusto niyang malaman kung naroroon pa ba ang mga magulang niya at sina Tito France sa baba, balak niya kasing tumakas at hagilapin si Xavier sa office nito. Nakakairita dahil ngayon pa talaga siya grounded gayong may importanteng lakad siya. For the past 3 years ng pagpaparty niya ay ngayon lang niya mararanasan na ma-grounded. Nakakatawang isipin, para siyang teenager na ayaw payagan ng mga magulang na makipag-date. Ugh! For Pete's sake she's not a kid anymore!

"Yaya Tessy, halika rito." Tawag niya pa sa Yaya niya simula noong maliit pa siya

Kasalukuyan itong nagpupunas ng mga picture frame at naisipan niyang utusan itong mag-ispiya kung nandiyan pa ba ang mga magulang niya o wala na. Pumayag naman agad ang yaya niya, bagay na ikinatuwa niya ng sobra.

"Ay ma'am wala na pong tao sa baba. Masabi din ni Berting na umalis daw ang daddy at mommy mo, dala pa nga daw ang koyse." Salad ng Yaya Tessy niya

Napangiti naman siya sa narinig. Sa wakas makakatakas na siya dahil wala na ang mga magulang niya! Dali-dali siyang pumasok sa kwarto niya at maghanda para sa pag-alis niya. She's going to hunt down Xavier! 

&&&_estelle

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status