"Umayos ka Islet, nandito na ang sinasabi kong wedding coordinator." Wika pa ng mommy niya.
Hindi siya nakinig dito at nakabusangot pa din siya sa kinauupuan nito. Magiliw naman na tinanggap ng tatlo niyang kasama ang wedding coordinator na sinasabi ng mom niya, siya naman ay walang ka effort effort na tumingin lang dito.
"Hi I'm Cassidy Filoteo, I'm a wedding and event coordinator—" Akmang itutuloy pa nito ang pagpapakilala ng bigla na lang siyang tumayo at nagsalita
"Gosh! I can't stand this rubbish!" Ika niya pa sabay pulot ng handbag niya at iniwan ang kanilang mesa
Narinig niya pa ang pagtawag ng Mom niya sa kanya ngunit hindi niya na ito binigyang pansin. Hindi naman nakasunod agad si Xavier sa kanya dahil nakipag-usap pa ito sandali sa wedding coordinator, siguro ay humihingi ng paumanhin. She grabbed that chance para makapagpara ng nasasaktan.
" Art de Novous nga po kuya." Sabi niya pa sa driver.
Malapit lang naman sa city yung Art de Novous pero hindi gaanong marami ang tao doon dahil hindi mashadong pinupuntahan ng mga tao. Yung mga interested lang siguro sa arts ang nagpupunta dito o di kaya yung mga nagde-debut na aesthetic vibe ang pictorial.
Nagpababa na lang siya sa may malapit na establishment sa Art de Novous, gusto niya kasing makapaglakad-lakad ng kaunti bago dumiretso doon. Habang naglalakad siya ay may nakita siyang arcade game sa malapit, parang kakabukas lang ata. Naisipan niyang pumasok doon at mag distress.
Yung may lumalabas na squirrel at kailangan mong pukpukin agad yung nilaro niya. Doon niya ibinuhos lahat ng inis na naramdaman niya ngayong araw. Napapatingin tuloy ang mga batang naglalaro din doon sa kanya, pati yung manager ay nakuha niya na ang atensiyon.
"Ma'am, baka dahan-dahan lang po sa paghampas. Baka masira niyo po." Wika pa nito na halatang kinakabahan na sa lakas ng mga hampas niya sa arcade.
Inirapan niya lang ito at hindi na nagpatinag. Nang maubos ang token niya ay agad niyang tiningnan kung ilang ticket ang nakuha niya. Parang lumuwa ata yung mga mata niya sa gulat nang makitang apat lang ang nandoon. Sa lakas ba naman ng hampas niya eh apat lang? Narinig niya naman ang mahihinang tawa ng mga bata doon.
Nahihiyang lumabas siya sa arcade place na iyon at dumiretso na sa Art de Novous. Ewan niya kung anong gagawin niya dito ngayon, bahala na.
"Uy! May nagsaboy ba sa'yo ng holy water at napadpad ka rito?" Wika pa ni Patricia na parang nakakita ng aparisyon niya.
"I just don't have anywhere to go at ito yung unang pumasok na lugar sa isip ko." Sagot niya naman
Nagkwentuhan lang sila about sa mga bagay-bagay sa museum, kung busy ba, kung marami bang sales or ano yung mga art na nasold.
"May bumili na dun sa Magnificence. Tinatanong pa nga kung hindi ba daw pwedeng mameet yung artist noon." Pagkukwento pa ni Patricia
Napangiti naman siya doon. Maganda kasi iyong Magnificence at isa iyon sa pinakamahal na nandito sa museum na ito. Isa kasi iyong encaustic painting kung saan hot wax ang gamit at medyo tricky talaga siya gawin.
"Nasan nga pala si Neisha?" Tanong niya sa kaibigan.
"Ay, inaasikaso yung sa papalapit na exhibit chaka alam mo namang hindi yun palaging nandito kasi nga diba Financial adviser and specialist ang isang yun." Sagot naman ng kaibigan
"Ah ganun ba, sige silip muna ako sa studio." Pamamaalam niya pa
Tumango naman ito at hinayaan na siyang pumunta sa studio, kailangan pa daw kasi nitong irecheck ang mga inquiries para sa museum. Siya naman ay dumiretso sa studio ng museum, may studio kasi doon na specifically for the owner and artists lang na naka sign sa museum na iyon.
Mapapansin agad ang mga work in progress n paiting sa mga canvas na naroon. Napangiti naman siya at nilapitan isa-isa ang mga iyon. Naupo siya sa tapat ng isang painting na papatapos na. Name ng painting na yun ay rebirth.
Nag-inat siya ng mga braso at napangiti ulit ng makita ang painting. It's oddly satisfying. Nang tiningnan niya ang relong pambisig ay na gulat siyang gabi na pala. Kay tagal niya palang natapos ngayon.
Wala na sa front desk si Patricia paglabas niya at nakapatay na din ang mga ikaw, yung sa hallway na lang at ang mini lamp sa front desk ang naiwang nakabukas. She saw a note malapit sa mini lamp, kay Patricia galing.
Wala na siyang masasakyan pauwi dahil hindi niya naman dala ang sasakyan niya. Buti nga ay may backpacker's inn sa tapat ng art gallery na ito kaya naisipan niyang doon na lang siya magpapalipas ng gabi.
Wala siyang dalang damit kaya yung robe na lang na nandoon sa room niya ang sinuot niya pangtulog. Habang nakahiga siya sa kama ay pumasok sa isip niya iyong nangyari kanina. Hinahanap kaya siya ng mga magulang ngayon o hindi na dahil sanay na sila na palagi na lang siyang umaalis? Napabuga na lang siya ng malalim na hininga, maybe someday makita ng mga magulang niya yung mga efforts niya para sa sarili.
Bandang 8 am ng umaga ng maisipan niyang umuwi sa kanila, wala na siguro ang mga magulang niya doon dahil usually nasa opisina na ang mga ito kung ganitong oras na. Mali pala siya ng akala dahil pagkapasok niya ay naroon agad ang mga magulang niya at halatang inaabangan ang pagdating niya.
"Ah! Here comes the black sheep!" Ani pa ng ama na ibinaba ang dyaryong hawak nito.
"Aba't naisipan mo pang umuwi? Pagkatapos ng ginawa mo kahapon? Pinahiya mo ako Islet! Including your Tita Lisa and your soon to be husband!" Talak pa ng mom niya.
Kinilabutan agad siya pagkarinig sa salitang "future husband". Sinalubong niya naman ang galit na mga mata ng mga magulang. She will not back out at igi-giit niya din na ayaw niyang makasal sa lalaking hindi niya naman mahal.
"Alam mo naman siguro ang mangyayari sa'yo Islet diba kung hindi mo susundin ang utos namin ng Dad mo? You will be stripped from all the extravagance that you are enjoying! Baka akala mo ay nagbibiro lang kami ng Dad mo!" Sigaw pa ng Mom niya
"Islet, makinig ka na lang sa amin ng mommy mo. We know what's the best for you at ginagawa namin ito dahil alam naming wala kang magagawang tama in the future. We are just saving you from distress." Wika naman ng Dad niya
She laughed at them, akala siguro ng mga ito ay masisindak pa siya. While she was thinking last night ay alam niya ng may possiblity na ganito ang kahihinatnan ng magiging usapan nila ng mga magulang niya, so she came prepared.
"Mom, Dad, I don't need your money. Ayaw kong makasal kay Xavier and that's final. Marriage is a big deal for me, kung gusto niyo kayo ang makisama kay Xavier tutal gustong-gusto niyo naman ang taong yun." Pahayag niya pa at akmang tatalikuran niya na ang mga ito.
"Don't you dare turn your back on me Islet! Wag na wag mo akong hinahamon dahil itatakwil talaga kita kung hindi mo ako susundin!" Sigaw ng ama niya
Umalingawngaw ang sigaw nito sa buong bahay nila, pati ang Yaya Tessy niya ay natigil na sa ginagawa nito dahil sa sigawan nila. Tiningnan niya ulit ang dad niya at walang takot na sinagot ito.
"Go on dad, itakwil niyo ako. You want to get rid of me so bad, don't you? Hindi na ako takot sa takwil-takwil na yan Dad kasi all my life I feel neglected habang kasama ko kayo!" Sigaw niya pabalik.
"You! You ungrateful chi—" Sabi pa nito habang dinuduro siya ngunit bigla na lang nitong hindi naituloy ang sasabihin nang nanikip ang dibdib nito at natumba.
"Dad!" Natatarantang sigaw niya
Sabay ding napasigaw ang mom niya na alam niyang nag-aalala. Tinawag niya agad si Mang Berting at ang iba pa nilang kawaksi sa bahay para magpatulong na buhatin ang Dad niya papunta sa kotse ng madala nila ito sa hospital.
Kritikal ang lagay ng ama at mag-aapat na oras na itong nasa ICU. She's prancing around so as her mom at wala silang imikang dalawa. Napapaiyak na din ang mom niya habang naghihintay ng results.
"Miranda! What happened to my brother?" Tanong ng kanyang Tita Romina na ngayon ay patakbong lumapit sa mom niya
Ipinaliwanag naman ng mom niya ang nangyari sa Dad niya kaya ganun na lang kasama ang tingin sa kanya ng Tita niya.
"Yan na nga ba ang sinasabi ko Miranda, yang anak niyong yan ang magdadala ng sakit sa ulo ninyong dalawa. Tingnan mo si Kuya Romano, nag-aagaw buhay na dahil sa katigasan ng ugali niyang batang yan!" Ika mo pa nito na hindi man lang hininaan ang boses
Nagkunwari na lang siyang walang narinig kahit pa parang kutsilyo sa talas ang mga salitang binitawan ng tiyahin niya. Yes she's at fault too kaya wala siyang karapatang magdamdam o sumagot para ipaglaban ulit ang gusto niya.
"Mom, Tita, uuwi muna ako sa bahay at kukuha ng damit ni Dad." Pamaalam niya pa.
They just looked at her like she's some kind of parasite na kailangang iwasan dahil nakakasama sa katawan. Nagpahatid na lang siya kay Mang Berting pabalik sa bahay nila para hindi na niya kailangang mag-commute.
Tulala siya habang nasa loob ng sasakyan. Kung kanina ay buong-buo ang loob niya na tutulan ang gusto ng mga magulang, ngayon ay nakokonsensiya siya at parang nagdedebate na ang utak niya kung susundin niya ba ang mga ito o hindi.
"Islet iha, wag mo na mashadong isipin ang Dad mo, paniguradong gagaling din iyon." Wika pa ni Mang Berting
Napangiti naman siya sa sinabi ng matanda na halatang gusto lang pagaanin ang loob niya. Matagal na nilang driver si Mang Berting at masasabi niyang mas close pa ata silang dalawa kaysa sa tunay niyang mga magulang.
"Ay oo nga pala ma'am, may pinapabigay po pala si Ma'am Neisha sa inyo. Kagabi niya po ito hinatid pero wala ka po kasi sa bahay kaya hindi ko naibigay." Wika pa nito sabay abot ng isang brown envelope.
Binuksan niya agad ang envelope at binasa ang laman niyon. Tamang-tama lang pala ang dating ng bagay na iyon, she surely will need it in the future. Buti na lang talaga at may kaibigan siyang maasahan sa bagay na ito.
Nagpahanda siya agad ng mga gamit ng ama at pinahatid lang iyon sa mga kawaksi nila doon sa ospital, ayaw niya kasing bumalik doon sapagkat
alam niyang paparinggan lang siya ng tiyahin niya ng mga maanghang na salita.
"I need a friend right now." Wika niya sa isip niya.
Sakto namang nag-message ang kanyang kaibigan na si Justine, kakauwi lang nito galing sa Europe trip nito at gusto daw siyang makita ng kaibigan. Pumayag naman siya dahil kailangan niya ng words of wisdom ni Justine. Bago siya tumungo sa kaibigan ay pinadalhan niya muna ng mensahe si Xavier.
Sinalubong agad siya ng mga regalo ng kaibigan na binili pa nito sa mga countries na pinuntahan nito. May Winsor and Newton products na binili pa nito sa London at may Rembrandt oil paints and brushes na galing naman sa Amsterdam.
Nagkwento ito sa mga lugar na binista nito, sa mga pictures na kuha niya na balak sana nitong isali sa isang travel blog contest. Tuwang-tuwa naman siya sa pakikinig dito lalo na sa mga parteng dumadalaw ito sa mga museum at art gallery.
Naikwento niya din ang mga recent na pangyayari sa buhay niya lalong-lalo na sa pagpapakasal niya kay Xavier. Matiyaga naman itong nakinig sa kanyang mga rants.
"Ano sa tingin mo ang dapat kong gawin? Should I agree to the marriage or not?" Tanong niya sa kaibigan
"Islet, I can't judge with my own perspective kasi I don't know the whole story naman kasi eh pero kung ano ang sa tingin mong tama ay yun ang gawin mo. Ang payo ko lang ay piliin mo yung alam mong ikakasaya mo. Marriage is a serious matter so wise up Islet and be brave." Payo pa nito.
She have decided, at sana lang tama ang pinili niya.
Islet was shocked when she saw Xavier sitting on the sofa when she got home. Alam pa pala nito kung paano umuwi? Or baka lost in direction lang kasi hindi naman ito ang apartment ni Kristein. "What brought you here?" Tanong niya dito sabay lapag ng bag niya sa upuang katapat ng sofa. "I'm here because you are here, this is our home." Sagot naman nito. Napansin niyang nagkalat ang mga hugasin sa counter sa kusina nila at may mga nakahaing pagkain sa mesa nila. Sigurado siyang nagluto na naman si Xavier kahit pa hindi naman nito alam paano magluto. "Buti at alam mo pang may bahay at asawa ka dito. Bakit hindi ka kay Kristein umuwi ngayon? Schedule ko ba? Or nagkatampuhan kayo kaya dito ka muna sa akin?" Sunod-sunod na tanong niya. "Babe, no. Hindi ako natutulog sa bahay ni Kristein. It's not what you are thinking." Pagpapaliwanag pa nito. "Is that so? Okay fine." Sagot niya naman. She sounded as if hindi naman niya talaga pinapaniwalaan ang sinasabi ng asawa. Kung kayo ba'y manin
The following day was just like the past days, umuuwi lang ang asawa niya kung trip nito. Parang nasasanay na din siya sa ginagawa nito at hindi niya na hinahanap ang presensiya ng lalaki. She started visiting the museum again dahil maraming workloads ngayon compared before. She assisted Patricia with her needs and she also paints while letting time pass. "Wow, napapadalas ang labas natin ngayon ah? Hindi ka na sinosolo ng husband mo?" Tanong nito sa kanya. She did not mention to her friends na hindi pa din sila nagkaayos. She don't want to add more to the fire at saka personal problems nila itong mag-asawa, kung may plano pa silang ayusin iyon ay nasa kanilang dalawa na kung papaano. "It's work, I know he'll understand." Walang ganang sagot niya. "Ah okay sismars no. Mashado ka namang highblad! Parang di nadidiligan ng maayos." Biro pa ng kaibigan. Totoo nga naman. When was the last time na they did it? Ah, maybe 3 weeks ago? Oh she can't tell. Namimiss niya kahit papaano ang pa
Dalawang araw niya nang hindi nakikita si Xavier, hindi rin ito nagpaparamdam sa kanya. There's an empty hole in her heart na si Xavier lang ang makakapuno. Nahihirapan siyang matulog sa mga nagdaang gabi because she keeps on thinking about her husband na parang hindi man lang siya naaalala. The third day came and her husband finally showed up but a woman is entangled on his arms. Ang kapal naman ng mukha ng babaeng itong tumuntong talaga sa pamamahay niya. "Wow! Naisipan mo pang umuwi, at may pasalubong ka pa talagang hitad?" Pambabara niya agad. "Not now Islet, I'll explain everything to you soon." Sagot ng asawa. She smiled sheepishly and looked at Xavier with disgust. Napunta ang tingin niya sa babaeng kasama ni Xavier na ngayon ay may matagumpay na ngiti sa labi. "Islet, ano bang ikinagagalit mo? As far as I know, ikinasal lang naman kayo out of pretence. Right Xav?" Banat pa ni Kristein sa kanya na humilig pa talaga sa braso ng kanyang asawa. "Stop it Tein! Kailangan natin
That day was eventful, the following day ay niyaya siya ni Xavier to go somewhere. Ayaw naman nitong sabihin kung saan sila pupunta. He just keeps on telling her that it's a surprise, and she should not ask for anything more. Sa napapansin niya ay nasa vicinity lang sila ng city, but the secluded neighborhood. They went inside a village and Xavier parked his car on an empty lot, may mga bahay na malapit sa lupang iyon but this huge piece of land has nothing but grass on it. "What are we doing here?" Tanong niya kay Xavier. Instead of answering her question, Xavier just gave him another question which made her feel confused."Is this huge enough for a resident babe?" Tanong nito sa kanya. "Huh? Why are you—" She asked but she was interrupted with a kiss. "Tactless are you? Of course this is where we will build our future home." Sagot nito sa kanya. Nagulantang naman siya sa sagot nito, hindi niya akalain na seryoso pala ang mga sinabi nito sa kanya noong nagdaang araw. She though
Parang walang nangyari sa kanila kinabukasan, they went back to their usual morning. She prepared breakfast for the two of them while Xavier is taking a bath. Kahit late na silang natulog kagabi, kung matatawag mo pa 'yong gabi ay maaga pa din siyang nagising. Sakto namang natapos si Xavier sa pagligo ay natapos din siya sa paghahanda ng agahan nila. They happily ate the breakfast she made. Pagkatapos nun ay nagsimula na si Xavier sa kanyang trabaho, ganun ang set up nilang dalawa. Minsa'y naitanong niya din sa asawa kung babalik ba ito sa opisina dahil hassle iyong puro gmeet lang ang ginagawa nito, pero sabi pa ng asawa na hindi daw ito komportableng iwan siyang mag-isa dito. "I'll just be in our room." She informed him. Wala siyang magawa dahil nga nagtatrabaho ang asawa niya at mashado niya na itong naabala. Siguro ayaw siyang iwan ni Xavier dito dahil sa tingin nito hindi pa din siya stable, kung ganun pala'y bakit siya iniwan nito kahapon? Ayaw niya ng palakihin ang issue ka
She was woke with tiny kisses on her face, and the next thing she knew, she was already cursing Xavier's name. That's how her morning started since last week. Kakaiba ang paraan ni Xavier sa pag greet ng good morning, and she must admit that she likes it. It was a usual morning, they did the same thing pero ang nakakainis lang ay pagkatapos ng love making nilang mag-asawa ay may panirang caller si Xavier, and guess who called her husband. It's no other than the screaming banshee. "Xav, I'm in pain. Please help me, come here Xav." Rinig niyang wika ni Kristein sa kabilang linya ng telepono.The girl is crying, ewan niya ba pero ang sarap gripuhan sa tagiliran ng babaeng iyon. Her husband was in a hurry to save that damsel in distress na hindi man lang talaga naisip na iiwan siya nito na wala man lang ayos. She's starting to think of unusual things but pinipigilan niyang bigyang malisya ang paglipad ni Xavier patungo sa nakakagigil na babaeng iyon. Hihintayin niya na lang ang asawa m