Share

Chapter Six: Battle Royale

Nakaupo kami ngayon sa mahabang upuan sa loob ng council's office. Katabi ko 'yong dalawang bruha but we're keeping distance from each other but despite of the distance they are still constantly giving me death glares. As if naman masisindak nila ako sa ganiyan. Dukutin ko eyeballs nila eh.

Tumikhim si Acheron kaya napatingin kami sa kaniya. He enthroned himself at the chair behind the table, he leaned back and crossed his arms over his chest.

"Who started the fight?" direstong tanong niya.

"Siya!" sabay na sagot nung dalawang bruha habang nakaturo sa akin.

What did I expect? Of course sasabihin nilang ako ang nagsimula. I rolled my eyes skyward from irritation.

"Totoo ba 'yon?" tanong ng lalaking may kulay pulang buhok at mata na nakaupo sa kaliwa ni Acheron.

"Would you believe me if I say it's not?" I asked as nonchalantly as I could.

"No." kalmado pero may diing sagot ni Acheron.

"So what's the point of asking me when my answers don't matter anyway?" nakakunot-noong tanong ko.

Bakit pa nila ako tinatanong kung guilty na ako para sa kanila. Mga bwisit.

"Acheron. Let's hear what she has to say." suhestyon ng lalaking nakaupo sa kanan niya na may kulay dilaw na mata. Wait.. I think I saw him before. Right! Siya iyong lalaking tumulong sa akin makapunta sa third floor. Tignan mo nga naman, council pala siya.

"Okay, Donovan. So Ms. Tanisha if you were saying it is not you who started the fight then who?" hindi bukal sa loob na tanong ni Acheron. Halata namang gusto niya akong idiin dito.

"Olivia started it." kaswal na sagot ko.

Napatayo si Olivia sa kinauupuan niya at galit na hinampas ang lamesa sa harap niya.

"Hindi ako ang nagsimula! Tingnan mo ang ginawa niya sa akin! She almost killed me!" sigaw niya habang pinapakita ang namumula niyang leeg. I suppressed my smile when I saw it.

"At sa akin din! Tinutukan niya ako ng espada niya at nagkasugat ako!" dagdag pa ni Eleanor at ipinakita din ang sugat sa kaniyang leeg. Sus ang babaw babaw lang no'n eh kung alam ko lang na hahantong kami dito sana pala nilaliman ko pa para hindi na sila mahirapan na idiin ako.

Napasinghap sila ng makita ang mga sugat nila maliban kay Acheron na hindi mo kakikitaan ng kahit na anong emosyon. That cold-blooded prince.

"Ikaw ang may gawa niyan?" hindi makapaniwalang tanong no'ng may kulay pulang buhok.

"Siya nga!" sigaw ni Olivia.

Naiirita na ako sa boses ng babaeng 'to. Hindi ba siya makapagsalita ng hindi nasigaw?

Bumaling sa akin si Acheron at nagsalita, "Ang hilig mo talagang lumabag sa rules. Alam mo naman sigurong ipinagbabawal ang manakit ng kapwa mo estudyante, hindi ba?"

"As far as I can remember they forbid us to use our MANA against our fellow students and I didn't use mine so I violated no rule."

Napahilot sa kaniyang sintido si Acheron at bakas na sa mukha niya ang pagka-inis.

"Ibang klase," nakangiting bulong ni Donovan.

"Pagpalagay na natin na wala kang nilabag na rule. Mali pa rin ang manakit, ginamit mo man ang iyong mana o hindi."

"Tama si Estevan." pagsang-ayon ni Donovan sa may kulay pulang buhok.

At talagang nagkakasundo pa talaga silang lahat para gisahin ako ha.

"They provoked me."

Bigla namang nagharumentado si Olivia sa kinauupuan niya. Bakit parang siya pa 'yong galit na galit? Totoo naman na siya ang nagsimula. Kung hindi niya ininsulto ang magulang ko hindi ko siya sasaktan. I'm not retarted para saktan ang isang tao na wala namang ginagawa sa'kin! Well.. except 'yong mga napatay ko na kasama sa list ng Onyx.

"Wala kaming ginagawa sayo! Bigla mo na lang akong hinawakan sa leeg at binalibag sa mesa!" sigaw niya.

Nagtagis ang mga ngipin ko sa narinig ko. What an actual fuck? Napakasinungaling. How can she blurt out so many lies?

Nilingon ko si Olivia at sinamaan siya ng tingin. "I beg to disagree. We both know that's not what happened." pag-salungat ko.

"Then what happened?" Acheron asked as if testing me how far I can defend myself.

"She walked up to me, asked me question which I did not bother to answer and then she insulted my parents," pagpapaliwanag ko. They just looked at me as if they are trying to find out whether I'm lying or not.

"Kung sinagot mo ang tanong ko hindi ko sasabihin 'yon! At dahil sa hindi mo pagsagot mas lalo mo lang pinatunayan na isa kang halfblood!" Olivia retorted.

A grin plastered on my face, "Edi mas lalo mo lang pinatunayan na ikaw nga ang nagsimula." I mockingly stated while mimicking her tone.

"Hampaslupa!" sigaw niya at akmang aatakihin ako.

A loud bang halt her progress forward.

"ENOUGH!" sigaw ni Acheron. Hinampas niya pala 'yong table at 'yon ang gumawa ng ingay kanina.

His jaw clenched and his brows furrowed. "Magsitigil na kayo. Ayoko ng makarinig ng pagtatalo. Sa nahihinuha ko ay si Olivia nga ang nagsimula." napangisi ako sa sinabi niya pero agad din itong nawala dahil sa sunod niyang sinabi.

"Pero hindi mo dapat binabastos ang isang royalty, ilang beses ko ba kailangang sabihin iyon sa'yo?" dagdag niya pa dahilan para si Olivia naman ang ngumisi.

I clenched my fist out of anger. "At ilang beses ko ba kailangang sabihin sa'yo— SA INYO na wala kayong makukuhang kahit na anong paggalang mula sa akin. Hindi kayo kagalang-galang," sabi ko at tuloy tuloy na naglakad sa may pintuan.

"Okay. What was that? Did something happened between you two?" narinig kong tanong ni Donovan kay Acheron bago ako tuluyang makalabas ng silid.

Pagkalabas ko ay sumalubong sa akin si Ryleigh at Lucian at inulan ako ng napakadaming tanong. Pagtapos ng question and answer portion ay naglakad na kami papunta sa battle field dahil na-miss ko na ang dalawang subject dahil sa pagpunta ko doon sa council's room na wala rin namang nangyare. Pakiramdam ko ay pinapunta lang nila ako doon para lalo akong pagmukhaing masama. Council council pa, wala namang kwenta 'yong mga nakaupo doon, pinapaniwalaan lang nila ang gusto nilang paniwalaan. Kahit ano yatang sabihin ko ay hahanapan parin ako ng mali.

"We can't take you anywhere." Lucian muttered out of nowhere. Napatigil ako sa paglalakad at napataas ang kilay ko sa kaniya. Anong pinagsasasabi niya?

"You will fight everyone," pagpapatuloy niya. Pinaningkitan ko siya ng mata at mahinang sinuntok sa braso.

"Sinasabi mo bang basagulera ako?" He just gave me his cheeky smile and nodded repeatedly. Siraulo talaga.

"Tama naman si Lucian. Halos lahat ata ng nakakasalamuha mo ay inaaway mo o nakakaaway mo," panggagatong pa ni Ryleigh.

"Kasalanan ko bang ginagalit nila ako?"

"Mainitin kase ulo mo haha!" pang-aasar ni Lucian. Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad baka pati 'tong next subject ay hindi ko na mapasukan dahil sa kabagalan namin.

Napatigil ulit kaming tatlo sa paglalakad nang humarang sa daan namin si Olivia. Sabay na humawak sa magkabilang braso ko si Ryleigh at Lucian as if it's the most essential thing to do at the moment.

Olivia looked at me right into my eyes with anger. "Humanda ka sa akin. Hindi pa ako tapos sa'yo. Babalikan kita." pagbabanta niya habang dinuduro ako.

I gave her a lopsided grin. "Okay. I'll wait for you." I said, unblinking. Take that, bitch!

Her body stiffened at my remark, anger crept up her face. I can see how she struggle in hiding her emotion. After five seconds she managed to composed herself and ambled away from us.

Nilingon ko sina Ryleigh just to see them holding back their laughter. When our eyes met they both burst into laughter.

"Nakakatawa 'yong itsura niya haha!" natatawang turan ni Ryleigh habang hawak hawak ang kaniyang tyan.

"Okay, I'll wait for you. Boom!" paguulit ni Lucian. He even tried copying my voice and with that, I started laughing along with them. Tignan mo 'tong dalawang 'to, halos kaladkarin na nila ako wag ko lang patulan si Olivia tapos ngayon nakikitawa na sila.

Suddenly, Lucian stops laughing and looked at me amused, rather than surprised.

"Mas gumaganda ka kapag tumatawa ka, milady." he blurted out, you can see the sincerity in his eyes which made things awkward.

I just stared at him blankly, digging my brain for appropriate respond but nothing comes out. He did not break his stares at me. And.. silence enveloped us.

Naputol lamang ang pagtititigan namin nang may bumangga kay Ryleigh, buti na lang at nahawakan agad siya ni Lucian sa braso kundi ay sumubsob na siya. Sisigawan ko na sana 'yong bumangga kay Ryleigh pero nagmamadali itong tumakbo.

Nilibot ko ang mata ko sa paligid, students are all over the place, running towards the same direction.

Wait.. Why is everyone running?

"Anong meron?" tanong ni Ryleigh. Nagkibit-balikat lang ako sa kaniya. Hinila ko ang braso ng isa sa mga tumatakbo at iniharap sa akin.

"Why are you running?" tanong ko dito.

She glanced at me, "The Emperatrice has arrived," she quickly answered and hurriedly ran off.

"Ang Emperatrice, nandito?" her eyes grew wide open as she uttered her question.

"Ano naman kayang sadya ng Emperatrice dito?" tanong din ni Lucian.

May makukuha ba silang sagot kung tutunganga lang sila dito?

"Let's find out." sabi ko saka hinila silang dalawa kung saan papunta 'yong mga estudyanteng tumatakbo.

Nakarating na kami sa open field kung saan tumakbo 'yong mga estudyante, eto rin 'yong eksaktong lugar kung saan kami pinapila pagkapasok namin dito. Bahagya lang nag-iba ang itsura nito, ang dating simpleng upuan lang sa taas ng stage ay napalitan ng kulay gintong trono at may apoy mula sa likuran nito. Sa baba ng stage ay may nakahilerang mga kawal na tuwid na nakatayo na ani mo'y mga estatwa.

Isa-isang umakyat sa taas ng stage ang mga professor namin pati na rin si Headmistress Pryia. Kapwa sila nakatayo sa magkabilang gilid ng trono.

"Hindi ako makapaniwala.. Masisilayan ko na ang Emperatrice.." bulong ni Ryleigh habang nakatitig sa may stage.

"Ngayon lang mangyayare ito na bibisita dito ang Emperatrice." narinig kong sabi ng isang estudyante sa kausap niya.

"Baka naman siya ang mag-aanunsyo ng Battle Royale ngayong taon." ani niya ng isa pang estudyante.

Ano naman ang Battle Royale?

"You'll know in a moment," halos mapatalon ako sa gulat nang may nagsalita sa gilid ko. I looked at the owner of the voice and I was greeted by a familiar pair of blue eyes.

Acheron.

But how did he know I was asking what Battle Royale is..

Iniwas na niya ang tingin niya sa akin at tuloy tuloy na naglakad paakyat ng stage at tumayo sa tabi ni Headmistress, andoon din sa stage sina Donovan at Olivia.

Maya maya pa ay may dumating na kalesa, pero hindi ito normal na kalesa. Nakalutang ito sa ere at pinapatakbo ng mga kulay itim na kabayo at nag-aapoy ang mga paa nito. Tumigil ito sa dulo ng pila ng mga kawal. Natahimik ang lahat at nakamasid lang sa dumating na kalesa, nag-aantay sa pagbaba ng kung sino mang lulan ng sasakyan.

Dahan dahan itong bumukas ay mas lumabas na dalawang lalake na nakasuot ng armour, tumayo sila sa magkabilang gilid ng pinto at itinaas ang espada nila pa-salungat sa isa't isa.

Sunod na bumaba ay ang isang babae na nakasuot ng koronang kulay ginto. A red gown flawlessly floated around her as she descended from the chariot. I gasped in awe. She looks heavenly, I've never seen such beauty. I can't take my eyes off her as she walks through the red carpet up in the stage. Every time the Emperatrice passes a soldier they snapped a sharp salute.

When she reached her throne, everyone knelt on their places, heads bowed. Napa-luhod din ako sa hindi malamang dahilan. Wala ni isa sa mga royalty dito ang niyukudan ko, siya pa lang. I don't know but there is something in her that screams demand for respect. Either because she is the highest royalty or she is older than most of the royalties I have encountered, I don't know.

Muli na kaming tumayo at tahimik na nakatunghay lang sa Emperatrice. Tumayo ito mula sa kinauupuan niya at naglakad patungo sa unahang bahagi ng stage. Sumunod sa likuran niya si Headmistress Pryia at Professor Silvanus.

"Andito ang ating Emperatrice para personal na ianunsyo ang mahalagang balita. Lend thy ears to the glorious Empress of Trealvale, Emperatrice Sunniva Roosevelt, Ruler of all." pahayag ni Headmistress Pryia.

This must be very important for  Emperatrice to personally announce it.

"Magandang araw mga mag-aaral ng Unibersidad ng Trealvale," pagbati niya.

Hindi ko malaman kung ilang taon na siya, pero kung ilan man 'yon ay natitiyak kong mas mukha siyang bata kaysa doon.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy. Alam niyo naman siguro kung ano ang Battle Royale, hindi ba?" she asked, the crowd answered yes in chorus. I did not answered, I have no idea what Battle Royale is.

"Ito ay ang taunang palaro na pinangungunahan ng pamunuan ng unibersidad ng Trealvale. Dito nasusukat ang inyong mga kakayahan bilang isang indibidwal. Ang sino mang mapiling kalahok ay papasok sa isang battle field at ang kung sino man ang makalabas at magtagumpay talunin ang kaniyang mga kalaban ay magagawaran ng kapangyarihang hindi matatawaran," pagpapaliwanag niya.

Ang ibig niya bang sabihin ay papasok kayo sa isang battle field para patayin ang isa't isa? Sounds fun.

"Pero maiiba ngayong taon," pagpapatuloy niya.

Nagsimula ng magbulung-bulungan ang mga estudyante. Naghuhulaan sila kung anong ibig sabihin ng Emperatrice sa sinabi niya.

"Imbis na indibidwal ay magiging dalawahan, babae at lalake. At kung noon ay malayang makakasali ang lahat, ngayon ay pili lamang ang makakapasok. Ang mga propesor niyo mismo ang personal na mamimili ng mga kalahok pati na ang makakapareha niyo sa pamamagitan ng ilang pagsusulit. Iilan lamang ang mabibigyan ng pagkakataong makalahok sa Battle Royale ngayong taon. Ang bagong mechanics ng Battle Royale ay iaanunsyo sa oras na makumpirma na ang mga kalahok. At syempre, dahil nag-iba na ang laro mag-iiba din ang gantimpalang matatanggap." Bahagya siyang ngumiti sa amin, ang una niyang ngiti simula ng tumapak siya dito.

"Ito na ang huling taon ng pamumuno namin ng aking asawa. Hindi lingid sa kaalaman niyo na wala kaming anak ng Emperor upang humalili sa trono." May sumilay na lungkot sa mga mata niya habang binabanggit ang tungkol sa kawalan nila ng anak pero agad din itong nawala at pumayapa ang mukha niya.

Wala silang anak? Parang napaka-imposible para sa isang namumuno na hindi mag-anak. Kadalasan kasi hindi ba gusto nila na kadugo nila ang magmamana ng trono, ayun ang tradisyon. Pero siguro walang kakayahan ang Emperatrice na magluwal ng anak.

Everyone's eyes lit with anticipation. Parang alam ko na kung ano ang sunod niyang sasabihin.

"Kaya ang magiging gantimpala ng mananalo ay ang trono ng Empiro ng Trealvale." And with that, everyone's mouth fell agape. I knew it.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status