Share

Chapter Seven: Combat And Defense

"First years, change into your combat suits before proceeding to the battle field," anunsyo ni Professor Silvanus.

Naglakad na ang lahat papunta sa kani-kanilang mga dorm at hindi ko alam kung saan ang akin. Kahapon kase ay sa iisang malaking kwarto lang kami pinatulog, parang hospital ward na maraming double deck na kama. Hindi pa raw kase nila naayos kung sino sino ang magkakasama sa iisang kwarto. Para sa mundong may mahika, ang bagal ng sistema nila.

"Tanisha.. Wala na daw kwarto para sa'yo." My eyes flickered with confusion. Ano daw sabi niya? Ako? Walang kwarto? Saan ako matutulog?!

"Are you serious?" I choked out, almost inaudible.

She pursed her lips, trying to contain her laughter. I narrowed my eyes at her when she started laughing hysterically. Damn this woman.

"Biro lang hehe. Nasa akin na ang susi," anya habang winawagayway 'yong susi sa ere.

"Kinuha ko ito sa office ni Headmistress kanina," pahayag niya. Tumango lang ako sa kaniya at nagsimula na kaming maglakad. Nakasunod lang ako sa kaniya kase obviously hindi ko alam kung nasaan ang dorm.

Ever since inanunsyo ng Emperatrice ang tungkol sa Battle Royale ay hindi na ito nawala sa mga usapan ng mga estudyante. Halos lahat sila ay naghahangad na makasali dito. At ako? I'm not interested. Bakit ko naman hahangarin na mamuno sa isang Empiro na hindi ko naman kinalakihan and it's not as if mapipili ako. Ngayon ko nga lang natuklasan na isa pala akong Narconian at kaya kong magmanipula ng apoy. I hate to admit it but when it comes to this, I will put up no fight against them. Sigurado akong simula bata pa sila ay nageensayo na sila. Ano bang laban ko?

"Andito na tayo," anunsyo ni Ryleigh. Nakatayo kami ngayon sa harap ng kulay puting pinto na may nakalagay na '333' sa taas nito. Pinihit ko ang doorknob para tignan kung naka-lock 'to. It's not locked.

Pagkabukas ay agad kaming pumasok ni Ryleigh sa loob. Hindi ito kalakihan at may lumang estilo, iisa lang ang malaking bintana sa harap na pader at natatanaw mo dito ang dorm ng mga lalake, may apat na kama sa loob nakalagay ito sa magkakabilang sulok. Natuon ang pansin ko sa babaeng nakaupo sa isa sa mga kama at nakatalikod sa amin. May kulay itim siyang buhok na hanggang balikat ang haba.

Nagkatinginan kami ni Ryleigh at nag-aantayan kami kung sino ang maga-approach sa babae.

"Ahem."

Napapikit ako nang umubo si Ryleigh para kunin ang atensyon ng babae. Really? a fake cough? Hindi man lang excuse me para mas pormal.

Lumingon ang babae sa amin, ngayon na nakita ko na ang kabuuan ng mukha niya ay kulay yellow pala ang mga mata niya. A Wrucudian. Sila lang naman ang may ganong kulay ng mata.

"Ako pala si Ryleigh at siya si Tanisha. Dito din 'yong dorm namin," nakangiting pagpapakilala ni Ryleigh. Nasanay na ata si Ryleigh na siya na ang nagpapakilala sa akin sa mga nakakasalamuha namin at sanay na rin siguro siya na hindi ako nagsasalita kapag tinatanong. Ayos narin hindi ako nasasayangan ng laway haha!

Saglit kaming tinitigan nung babae pero hindi siya nagsalita. Tumayo siya sa pagkakaupo at pumunta sa lamesa sa tabi ng kaniyang kama.

Ayaw niya kaming kausap? Okay..

Tumingin ako kay Ryleigh at sinenyasan siyang pumunta na sa mga kama namin.

"May iba pa palang katulad mo," usal ni Ryleigh habang inaayos ang mga damit niya. Napatigil ako sa pag-aayos ng akin at tinaasan siya ng kilay.

"Alam mo na 'yong hindi palasalita," pagpapaliwanag niya ng nakangisi. Nagsasalita naman ako kaso puro hindi maganda ang nalabas dito kapag binubuka ko, I will most likely to insult whoever I am talking to, specially kung kainsul-insulto sila.

Natigil ang pag-aayos namin nang makarinig kami ng katok. Sabay kaming lumingon ni Ryleigh sa pintuan pero hindi doon nanggagaling 'yong tunog. Dumako ang tingin ko sa kasama namin sa kwarto, nakatingin siya sa amin habang nakataas ang kamay niya sa ere na parang sinasabi niyang saglit lang.

May hawak na siya ngayong panulat at ang notebook ay nakapatong sa hita niya. She tucked her excessive hair behind her ears and starts writing. Anong sinusulat niya..

Pagkatapos niya ay iniharap niya sa amin 'yong papel.

"Mi.. ran..da," pagbabasa ni Ryleigh sa nakasulat.

"Ikaw si Miranda?" tanong ko. She just nodded her head.

My lashes flattered when I realized something.

"You are mute?" muli kong tanong. Ngumiti siya sa amin at sunod sunod na tumango.

Kaya pala. Akala ko ay inisnab niya kami kanina. Hindi pala siya nakakapagsalita.

"Oh! Ang akala namin ay ayaw mo kaming kausap," natatawang pahayag ni Ryleigh at naglakad palapit kay Miranda at nakipagkamay. Tumingin siya sa akin pagkatapos siyang kamayan ni Ryleigh, tinanguan ko lang siya at nginitian.

Tumalikod na ako sa kanila at kinuha ang combat suit sa loob ng aparador sa gilid ng kama ko. Pumasok na ako sa cr at isinuot ito. Kaparehas 'to ng sinusuot ko kapag may misyon ako sa Onyx ang pinagkaiba lang ay ang tela kung saan ito yari.

Paglabas ko ay si Ryleigh naman ang pumasok. Isinukbit ko ang dagger ko sa aking bewang at isinukbit ang espada ko sa aking likod pagkatapos ay hinila ko ang upuan papunta sa tapat ni Miranda at naupo dito.

"Hindi ka ba pupunta sa klase ni Professor Silvanus?" tanong ko sakan'ya.

Agad naman niyang kunuha ang panulat niya at papel saka nagsulat. Medyo mahaba 'yong sinulat niya.

'Pupunta. Pero kase wala akong alam gamitin na kahit na anong armas.' ayon 'yong nakasulat.

"Tuturuan naman siguro tayo ni Professor Silvanus. Matututo ka din," pahayag ko at nginitian siya. Tumingin lang siya sa akin na parang nag-aalala siya. Hindi ko alam na meron pala dito na hindi sanay humawak ng armas akala ko simula bata palang sila ay iniensayo na sila. Hindi pala lahat.

Tinapik ko ang balikat niya at ngumiti, "Kaya mo 'yan." Ngumiti siya pabalik sa akin pagkuwan ay tumayo sya't inilabas ang combat suit niya. Paglabas ni Ryleigh ay si Miranda naman ang pumasok sa cr. Magkaiba kami ng kulay ng combat suit ni Ryleigh, ang sakaniya ay kulay puti na may blue ang sa akin naman ay black na may red.

"Tara na?" yaya ni Ryleigh.

"Saglit. Hintayin na natin si Miranda," ani ko at nahiga muna sa kama ko. Tumayo rin ako agad, nakalimutan kong nakasukbit pala sa likod ko 'yong espada ko.

Lumapit sa akin si Ryleigh at pabirong hinampas ang braso ko. Problema nito?

"Yie malambot din pala ang puso mo eh," pang-aasar niya habang nakangisi. I just rolled my eyes at her. Mabait naman talaga ako, hindi lang halata.

Nang makapagbihis na si Miranda ay pumunta na kami sa Battle Field. Wala kaming bitbit na bag kung hindi ang espada ko lang at ang pana ni Ryleigh at katulad ng inaasahan ko ay walang kahit na anong armas si Miranda. Pagdating namin sa Battle Field ay nakapila na ang lahat dalawang pila sa babae at dalawang pila sa lalake.

"Sino sa inyo ang gustong mauna?" tanong ni Professor Silvanus.

Ano daw? Mauna saan?

Napalunok ako ng ituro niya ako. "Ikaw na ang mauna binibini." pahayag niya habang sinesenyasan ako na lumapit sa kaniya. Tumingin muna ako sa magkabilang gilid ko para siguruhin na ako nga 'yong tinutukoy niya bago ako naglakad papunta sa tabi niya. Ano bang meron? Kararating lang namin ang I have no idea kung ano ang gagawin ko dito.

"Kailangan ko pa ng isang binibini upang makalaban niya. Sino ang may gusto?"

Napalingon ako kay Professor Silvanus with my eyes widened. What the hell did he just said? Makakalaban ko daw? So kaya pala ako nandito para makipag-sparring. 

"I volunteer!" sigaw ni Olivia habang nakataas ang kanang kamay niya sa ere. Hindi ba talaga siya nadadala? Gusto nanaman niyang masaktan? Tch.

Naglakad na siya papunta sa kabilang side ni Professor Silvanus habang nakangisi sa akin. Kapag sinapak ko 'to tignan lang natin kung makangisi pa siya.

Pinagtapat kami ni Professor Silvanus habang hawak hawak namin ang aming espada. Ang ibang estudyante naman ay nakatayo pa-ikot sa amin.

"Walang gagamit ng mana. Espada lang, maliwanag ba?" paalala ni Professor Silvanus at kapwa kami tumango sa kaniya.

"Hindi mo na ako matatalo ngayon." pahayag ni Olivia habang nakangisi at nakatingin ng diresto sa mga mata ko. Plus points for bravery. Pero aanhin niya pa 'yang katapangan niya kung wala naman siyang ibubuga.

"Try me." Ngayon niya pa ako hinamon kung kailan may hawak akong espada. If she only knew how skilled I am when it comes to sword she would've not volunteered herself. 

  

Acheron's Point Of View

"Prince Acheron, I was summoned by your mother, Queen Latisha. She asked me to hand this letter to you," the messenger said with his head bowed and handed me the letter sealed with gold. My mother really wants everything to be fancy. She seriously wasted gold just for this letter, not that it will affect our wherewithal. I just don't like the idea of putting so much value into something that will end up in trash anyway.

I motioned the messenger to leave and I quickly unsealed the letter. My forehead creased upon reading the letter.

Why am I even surprised? Of course she wants me to secure a spot for Battle Royale. After all my sister will be the one to take over our parent's throne. That's the tradition. It isn't the son or the first child who will inherit the throne but the first daughter.

"Acheron! Halika na sa battle field!" sigaw ni Donovan mula sa pintuan ng aking kwarto.

I am friends with Donovan since we were young. We've been into many gatherings together since we're both princes of each other's kingdom and we get along well, Estevan too, but he is not a prince like us and that did not hinder our friendship.

I slung my sword to my back as I ambled across my room towards the door where Donovan is waiting for me and we both paved our way to the battle field.

"Si binibining halfblood 'yon, hindi ba?" asked Donovan while pointing at the girl standing at the center of battle field with sword in her hand. Tanisha.

"Yes. It's her."

Though I am not quite sure if she really is a halfblood.

"Si Prinsesa Olivia ang kalaban n'ya? Bakit sila ang pinagtapat? Tsk tsk, gulo ito," he enunciated while shaking his head. 

"This will be absolute chaos." I muttered.

Knowing how much of a hot-headed Tanisha is and how brat Olivia is, and oh should I include how much they hate each other? Nevertheless, this simple fight will be bloody.

"Stand your grounds. Hold your swords firmly," said Professor Silvanus. He is standing between them.

He raised his right hand, "Begin!" he shouted and they both raised their swords. I wonder if Tanisha can beat Olivia, given that Olivia was trained by the most skilled swordsman of their kingdom.

Olivia was the first one to attack. Pero mabilis itong naiwasan ni Tanisha, I didn't expect her to have such fast reflexes. Siya naman ang sunod na umatake, she aimed for Olivia's arms, sinubukang umiwas ni Olivia pero nadaplisan parin siya.

"Aw! One point for the halfblood." bulalas ni Donovan. Mukhang wiling wili siya.

Sunod sunod na umatake si Olivia pero naiwasan ito lahat ni Tanisha. My eyes sparked with amusement. How did she do that?

Olivia is breathing heavily, she looks tired while Tanisha didn't even break a sweat. This girl is something. Mukhang sanay na sanay na siya sa ganito.

I narrowed my eyes to have a better sight of the fight.

Olivia kicked Tanisha on her left knee and she stumbled to the ground.

'Damn this woman!' I flinched when I hear Tanisha screamed. Her mind never ceased to give me headache whenever she is screaming inside her head.

I can read minds. That's one of the abilities of a truebone Narconian. Nakokontrol ko kung kailan ko lang gustong basahin ang iniisip ng iba pero pagdating kay Tanisha ay wala akong kontrol, lahat naririnig ko kahit hindi ko gustuhin. Naalala ko 'yong unang pagkikita namin, she called me handsome and insulted me afterwards.

"Olivia!!" 

Lumingon ulit ako kina Tanisha nang marinig kong sumigaw ang mga estudyante. Hindi ko na napanood ang ibang nangyare pero ngayon ay nakahiga na sa lupa si Olivia habang nakatutok sa leeg niya ang espada ni Tanisha.

'If only I could kill you, I will.'

Tinanggal na ni Tanisha ang espada niya mula sa leeg ni Olivia at isinukbit ito sa likod niya.

"If you continue on doing that you will most likely to lose your spot on Battle Royale." Professor Silvanus said to Olivia. She clenched his fist and looked at Tanisha with so much rage. I can't read her mind for some reason. Something is protecting her mind, Wrucudians must have invented a potion. There's no other reason.

"Ang galing ni Halfblood," Donovan uttered in awe. He can't take his eyes off Tanisha.

"She's interesting,"

I'm intrigued. I don't mean to always piss her off. I don't know why but I like seeing her expression when she's pissed. The way her veins popped out her neck, her brows furrowed and her deadly stares, I find it entertaining.

"Interesado ka sa kaniya? Do you like her?" I was taken aback by Donovan's question.

That girl? She's hotheaded, troublesome and not lady-like, definitely not my type.

"No." 

Tinignan niya lang ako ng nakangisi para bang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Whatever. I really don't like that girl. I'm just interested but I don't like her.

"Okay, baka 'yong Narconian na iyon ang may gusto sa kaniya," turan niya. Tumingin ako kung saan siya nakatingin. Someone is hugging Tanisha, he's the same guy who hugged her at the cafeteria.

My jaw clenched at the sight.

"Yeah." I said and walked away. I am late for my next class.

Tanisha's Point Of View

Marahas kong inalis ang pagkakayakap sa akin ni Lucian. Bigla nalang siya tumakbo sa akin at yumakap nung natalo ko si Olivia. Sobra ata siyang natuwa sa pagkapanalo ko.

Speaking of Olivia, hindi naman pala siya ganun kalakas tulad ng inaasahan ko, mas magaling pa nga 'yong ibang naging target ko sa Onyx dati kumpara sa kaniya pero sigurado akong matatalo niya ako kung pinayagan kaming gamitin ang aming mana. Hindi ko pa kabisado kung paano gamitin ang akin.

"Ikaw, saan mo natutunan gumamit ng espada?" tanong sa akin ni Professor Silvanus. Ayoko talaga ng mga tingin na binibigay niya sa akin para siya laging may balak gawin na masama.

"Onyx trained me," sagot ko. Kumunot ang noo niya at tinaasan ako ng isang kilay. Malamang hindi niya kilala ang Onyx.

"Onyx? Ngayon ko lang narinig iyan, saang kaharian 'yan?" tanong niya. Gusto kong matawa pero pinipigilan ko lang. Hindi siya 'yong tipo ng propesor na pwede mong biruin.

"Sa mundo ng mga mundane." Tumango-tango siya sa akin. He held his chin with his fingers.

"Totoo nga ang mga usap-usapan, ikaw ay nagtataglay ng dugo ng mga mundane." pahayag niya. So laman na pala ako ng mga usap-usapan? Sa malamang si Olivia ang nagpakalat niyan.

Tumango na lang ako sa kaniya kahit hindi ko alam kung may dugo nga ako ng mundane o wala. Hayaan ko na lang silang paniwalaan ang mga bali-balitang 'yon, kapag nagpaliwanag ako ay hindi ko din naman maja-justify ang sasabihin ko dahil wala talaga akong ideya.

Nginisian ako ni Professor Silvanus bago siya tuluyang umalis. Kampi siya kay Olivia, walang duda. Parehas silang Sarzon kaya hindi na nakakapagtaka.

"Anong sinabi sayo ni Professor Silvanus?" tanong ni Ryleigh.

"Tinanong niya kung saan ako natutong gumamit ng espada," sagot ko. Bigla namang sumingit sa gitna namin si Lucian. Papansin talaga.

"Huwag mo masyadong pinagkakausap 'yon si Professor Silvanus. Ang mga Sarzon ay kilala bilang masasama ang ugali. Hindi sila mapapagkatiwalaan. Nakakapag-shapeshift kase sila bilang mga hayop kaya ayan naging asal hayop na rin sila. Kuha mo? Nagiging hayop sila kaya hayop din ugali nila HAHA!" 

Okay na sana eh kaso may pagganon pa sa huli. Ibang klase talaga 'to si Lucian. Napailing na lang sa ka-corny-han niya.

"Mukha lang loko-loko si Lucian pero totoo ang sinabi niya. Hindi talaga sila mapakakatiwalaan," dagdag pa ni Ryleigh.

"I know. Olivia is the living proof," I said and they both agreed.

"Nga pala Tanisha, interesado ka bang sumali sa Battle Royale? May pag-asa ka! Ang galing mo kanina at ang bilis mo pa," ani Lucian habang ginagaya ang ilang ginawa ko kanina.

Umiling ako sa kanila, "Bakit hindi?? Madaming naghahangad na makasali doon, ako nga rin kung papalarin gusto kong sumali," turan ni Ryleigh.

"Gusto ko ng umuwi sa amin," I whispered. Bukod sa wala talaga akong interes sa trono ay gusto ko ng umuwi. Kahit saglit lang, gusto kong makausap si Elizabeth at Mattheus.

"Anong sabi mo?" nakakunot-noong tanong ni Lucian.

"Wala. Hindi talaga ako interesado mamuno ng isang empiro at isa pa hindi ko pa nga naeensayo ang pagmamanipula ko ng apoy, malabong makasali ako," pahayag ko.

Bigla namang sumigla ang mukha ni Lucian at hinawakan ang braso ko, "Tuturuan kita!"

"Oo nga paturo ka kay Lucian. Tapos pilitin mong makasali sa Battle Royale, doon pwedeng pwede mong saktan si Olivia o higit pa don," pahayag ni Ryleigh.

Sasali ako doon para lang kay Olivia? Ang special naman niya masyado. Hindi siya ganoon kaespesyal para pagaksayahan ko siya ng panahon ko.

"Ayoko talagang sumali kung gusto niyo kayo na lang ang sumali at kayo na ang gumawa non kay Olivia para sa'kin."

"Bakit nasama ako? Si Ryleigh lang, siya ang naka-isip eh," sabi ni Lucian habang tinuturo si Ryleigh.

"Bakit ako?! Dapat talaga si Tanisha ang sumali sa Battle Royale. Ano namang laban ko kay Olivia?"

I heaved a sigh. Tignan mo 'yang dalawang 'yan nagturuan na.

"Wala ka talagang laban sa akin at sinong sasali ng Battle Royale? That halfblood?" she paused, umismid siya at tinignan ako na parang nandidiri siya sa buong pagkatao ko, "Sa tingin niyo ba ay papayag silang may makasaling halfblood sa Battle Royale? No. Dudumihan mo lang ang Empiro ng Trealvale," pagpapatuloy niya.

Hindi talaga titigilin 'tong si Olivia sa pangbubwisit sa akin eh.

"Oh Olivia, ano naman sayo kung sasali ako? Natatakot ka bang matalo ng isang halfblood?" nangungutsang tanong ko.

Tinaasan niya ako ng kilay at saka tumawa ng malakas, baliw na ata 'to eh. "Ako? Natatakot? Sayo? Oh come on. Why would I be scared of someone who has a dirty blood like you?" she said while looking at me from head to toe.

"'Yun naman pala eh. Let's see each other at the Battle Royale," I said and gave her fake smile.

Biglang humawak si Ryleigh sa braso ko at si Lucian naman ay hindi makapaniwalang tinignan ako. 'Yong mga mata niya ay parang nagtatanong kung seryoso ba ako. Well damn! Nasabi ko na, wala ng bawian! Fuck this impulsive decision.

"Okay, see you there. Kung makakapasok ka." sa tono niya ay parang pinaparating niya na imposibleng makapasok ako.

"Nilampaso nga kita kanina eh syempre makakapasok ako," sagot ko sa kaniya habang nakangisi. She gritted her teeth at nag walkout na, hilig hilig niyang makipag-away tapos laging magwo-walkout. Tch.

"Tanisha.. Sigurado ka?" nag-aalalang tanong ni Ryleigh. Hindi ko  rin minsan maintindihan 'tong isang ito kanina siya pa ang nagtutulak sa aking sumali tapos ngayon parang alalang-alala siya.

Tinanguan ko siya at saka bumaling kay Lucian, "So kailan mo ako sisimulang turuan?" tanong ko na siyang nagpangisi sa kaniya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status