Share

Chapter Fifty: Threat Of The Malevolent Thief

Hindi na mabilang ni Acheron kung ilang buntong-hininga na ang kaniyang pinakawalan simula nang itinapon siya dito sa kulungan. Madilim dito, at saradong sarado. Pakiramdam niya ay anu-mang oras mauubusan na siya ng hangin. Ngunit higit sa kaniya ay mas nag-aalala siya sa kaniyang anak at kay Mikayla.

"Ilabas na ang bandido at iharap sa hari!" rinig niyang sigaw ng tao sa labas ng selda niya. Hindi niya talaga alam kung bakit siya napagkamalang bandido. Dahil ba sa suot niyang balabal sa mukha?

Dahan-dahang bumukas ang pinto, at sa wakas ay nakakita na rin siya ng liwanag. "Halika na!" marahas siya hinatak patayo ng isa sa mga bantay at tinanggal ang kadenang naka-gapos sa kaniyang kamay. Napangiwi siya ng bumalakit ang hapdi sa kaniyang pala-pulsuhan dahil sa higpit ng pagkakatali sa kaniya.

Nakatungo lamang siya habang hatak-hatak siya ng dalawang kawal, panaka-naka rin siyang itinutulak ng mga ito tuwing nahuhuli siy

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status