LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY
Em Dee C.
Sarcastic na tanong ni Russell.
Matagal na pinagmasdan ni Owen ang nag-iisang tagapagmana ni Theodore Rossell. Misteryosong ngumiti.
"Huwag mo nga akong ngitian ng ngiting nakakaasar, Owen," wika ni Russell sa hindi niya alam ay kanyang kakambal, "baka hindi kita matantiya sa inis na nararamdaman kong ito, e, kung ano ang magawa ko sa 'yo," pagbabanta nito, "gigil na gigil na ako sa kinalalagyan ko, kung hindi mo alam ay sinasabi ko sa 'yo. Minsan nga naiisip ko nang mag-suicide, makatakas lang dito, e."