Echoes of Deception
"Na nagsisisi akong iniwan kita? Na gabi-gabi akong hindi makatulog dahil iniisip ko kung ano ang mangyayari kung hindi ako umalis? Na hanggang ngayon, sinusubukan kong kumbinsihin ang sarili ko na tama ang naging desisyon ko?"
Bahagyang lumawak ang mata ni Anthony sa mga salitang iyon, ngunit mabilis din niyang ibinalik ang kanyang kontrolado at malamig na ekspresyon. "Kung iyon ang totoo, bakit hindi mo kayang sabihin sa akin ng direkta? Bakit kailangang magtago ka pa sa likod ng mga pilit na rason?"
Napakagat-labi si Khate. "Dahil hindi lahat ng totoo ay kailangang sabihin pa, Anthony. Minsan, mas mabuti nang hindi malaman ang buong katotohanan."