Body Shot
“Si Mommy po, noong nabubuhay pa siya ay bonding namin ang pagluluto. Tuwang-tuwa kasi kami kapag nakikita namin na sarap na sarap si Dad sa pine-prepare namin.”
“Mukhang sobrang close ka sa family mo.”
“Close po talaga, noong nabubuhay pa si Mommy at parati kaming nagbabakasyon. Kaming tatlo, naalala ko pa na hindi pwedeng hindi kami magtatravel abroad sa loob ng isang taon. Reason nila ay kahit na busy po sila pareho, dapat ay may oras kami para sa isa’t isa. Pero ganoon po yata talaga ang buhay, hindi palaging masaya. Nagbabago ang lahat ng bagay. Nangyari na lang po, noong mawala si Mommy ay para ring nawala si dad sa akin. Bigla na siyang nawalan ng oras sa akin.”