The CEO's First Love (Good Girls Gone Bad)
Precious Jasmin
Tuwing nagtatanghalian at kahit na sa tuwing nag-aaral ako sa library.
Gaya na lang ngayon kung saan nagbabasa ako para sa subject namin mamaya. Iyon nga lang, may dalang manga si Yeshua at iyon ang binabasa. Sa pagkakaalala ko ay isa ‘yong japanese comics. Mahilig kasi siya sa panonood ng anime.
“Yesh,” tawag ko sa kaniya.
“Hm?” Hindi niya inalis ang tingin mula sa binabasa.