The Cupid (Tagalog/Filipino)
Lumitaw ang isang satisfied na ngiti nang makita niya ang libro atsaka na siya umupo sa kama at inumpisahang basahin ito.
Mystery, thriller at suspense. Ito ang mga paboritong babasahin ni Eros. Para sa kaniya ay boring ang mamuhay kung walang tanong ang gumugulo sa isip niya. Walang kulay rin ang buhay kung wala siyang inaabangang sagot. Kaya para maramdaman niya ang mga ganoong bagay, ay tinutuon niya madalas ang sarili niya sa pagbabasa ng mga mystery novels para paulit ulit niyang maranasan ang mabaliw sa mga tanong na gumugulo sa isipan niya.
Hanggang sa kinabukasan, pagsapit ng umaga. Sa wakas, nagkaroon na ng malaking question mark sa utak niya. At ngayon ay hindi na dahil sa nobelang binabasa niya.