Taming the Sunshine
“Yun nga eh, dapat diba may negosyo na ako. Halos apat na taon na akong nagpapakakuba sa kakatrabaho. Ngunit sa tagal ko na sa kakatrabaho wala akong naipon. Kung alam mo lang ang maging breadwinner. Imbes na isipin mo yung sarili mo, hindi, kundi kapakanan ng mga taong mahal mo. Kaya yung sinabi mo na dapat magkaroon ako ng sarili kong negosyo. Sus! Swak sana bilang ganti sa mga employeer na pahirap masyado. Pero hindi eh, goal ko sa pinaghihirapan ko ay makatulong sa mga mahal ko.”
“Hindi naman masama ang maging selfish minsan. Nakakasama din ang sobrang pagiging selfless. Tignan mo ngayon ang sarili mo? Dapat tinutulungan mo muna ang iyong sarili.”
“Hay naku, kapag inisip ko yan, baka may buhay na mawala. Kaya hindi. Hoy, bak
it ako lang ang nagsasabi ng problema sayo? Eh kahapon ng makita kita alam kong may napakabigat kang problema.”