Contract and Marriage
Yung tipo ng paalala na galing sa karanasan, hindi sa selos o sermon.
Huminga nang malalim si Chanton. “I get it, Mom,” sabi niya, mas seryoso na. “Sorry.”
Doon lang ulit ngumiti si Mommy. Lumambot ang ekspresyon niya na parang walang nangyari. Bigla niyang hinawakan ang braso ko.
“At ikaw naman,” sabi niya sa akin, mas gentle ang tono. “Huwag kang matakot magsalita kung feeling mo nasasakal ka. Strong woman ka. Kita ko ‘yon.”