Loving the Rainbow
Siguro siya rin ang makakatulong para maibsan ang nararamdaman ko para kay Vincent, sa loob ng maikling panahon, pinaghalo-halo niya ang nararamdaman ko, mas lalo niyang ginulo ang utak ko ko ngunit tuwing kaharap ko siya, parang nagiging madali sa'king intindihin lahat.
"Sana pag-handa na ako, hindi na ako luluha muli, Johan. Kasi kung mauulit lamang ang sa amin ni Vincent, baka lumayo na ako ng tuluyan."