ONCE UPON A TIME
tanong ko naman.
"Noon masayang namumuhay ang mga taga-Vamparian. Ang mga Duwende, mga Hayop at iba pang nilalang na naririto. Ngunit nagbago ang lahat ng mamatay si Haring Hadi at ang pumalit ay ang Prinsepeng anak na si Dracon. Nais ni Haring Dracon na maging mas makapangyarihan kesa sa kanyang ama. Ginawa niyang kasangkapan ang ibang mga bampira. Ang mga Biyadhi ang mga uri ng nilalang na noo'y tinatawag na Bampirang Laya. Sila ay malaya at may kapangyarihang katulad rin ng mga may matataas na katungkulan o ang tinatawag na Sangre. Ngunit ang pinagkaiba lamang nila ay mas malaki ang mga pangil ng mga Sangre kesa sa mga Bampirang Laya at mas maraming kaalaman ang mga Sangre kesa sa mga ito. Dahil sa kakulangan ng kanilang kaal
aman sa paggamit ng kanilang kapangyarihan ay ginawang pagkakataon ito ni Dracon upang mahigop ang kanilang mga kapangyarihan. Nagalit ang iba sa mga ito at nag-alsa laban sa Hari ngunit nabigo lamang sila at iyon ang simula ng kanilang pagiging makasalanan.
Ang mga Biyadhi ay galit sa mga Bampirang sangre at lahat ng sumusunod sa kanila."kwento ni Hira ang asawa ni Gaspin.